Uno

2 0 1
                                    

Everdeen POV

Heto na naman ako nagising na naman sa isang bangungot ng aking nakaraan tila paulit-ulit itong nagrereplay sa utak ko. Alam kong hindi sila matahimik sa kung saan sila ngayon ay naroroon.

Alam kong hindi dahil nag-iisa pa din nag-iisa pa din ang nabubuhay sa mundo. Tumama sa mukha ko ang sinag ng araw mula sa labas ng bintana ng bahay namin o bahay ko.

Sanay na akong magising ng ganito dahil hindi naman magbabago ang bagay na iyon kahit pa ibalik ko ang nakaraan wala rin naman akong magagawa.

I am here for a purpose so, I shouldn't waste my life I am here for a reason. My family was given me a second chance to live. Kailangan ko lamang ay mabuhay ng puno ng pag-asa.

Mabuhay para sa sarili ko. I feel empty..I feel alone for almost four years now. But, I am glad I've survived. Nabubuhay pa din ako dahil sa kayamanan ng pamilya ko na tanging ako lang ang nakakaalam kung saan nakatago.

Yon ang bumubuhay sa akin, yon ang ginagamit ko upang kahit papano ay maitawid ko ang sarili ko sa buhay na hindi ko alam kung saan tutungo.

Tumayo na ako mula sa aking higaan at binuksan ang bintana ng aking kuwarto. Sino nga ba ang mangingiming pumunta pa rito sa two-storey house na ito kung para na itong haunted house dahil sa mga ligaw na halaman.

Sinadya ko ito upang walang maghinala na may tao pa din ang bahay na tinitirhan ko kung dati ay natatakot ako na bumalik sila ngayon hindi na.

I learned what they are and what should I do with

them incase the go back. Lahat halos ng nalalaman ko ay nakuha ko sa mga libro ng aking ama na na sa munti naming silid-aklatan.

Noong bata pa ako ay palaging naroon ang aking mga kapatid at nagbabasa nalaman ko lamang ang kahalagahan ng kanilang ginagawa noong nawalan ako ng kasama sa buhay.

Nalaman kong may bagay pala sa mundo na hindi katulad ng tao na may mga nilalang palang dapat katakutan at kaibiganin. Fairies, Dieties, Gods, Goddesses, Dwarfs, Ghost, Vampires, Werewolves and etcera. Those creatures do exist.

Nahintakutan ako ng malaman ko iyon dahil sa mismong mga talaan ng buhay ng pamilya ko nalaman ko iyon or diary para sa mga normal na tao.

Tinignan ko ang orasan ko, alas singko pa ng umaga mahaba pa ang oras ko upang makapagbasa ng konti alas otso pa ang klase ko, isa lamang ang hiling ng aking mga magulang noon bago sila lumisan-ang ipagpatuloy ang aking pag-aaral na hindi ko naman tinutulan kahit pa nga ay weirdo ang tingin sa akin lahat ng mga tao sa eskwelahang pinapasukan ko.

Ayokong makipag-away kahit na kanino pinapabayaan ko nalang sila kahit na anong gawin nila sa akin mas mabuti ng hindi ko sila patulan dahil tahimik lamang ang gusto kong buhay at makapagtapos lamang ng pag-aaral.

Pilit na ngiti nalamang ang ibinigay ko sa aking sarili habang pababa sa kusina ng bahay namin. Ang dating puno ng ingay at tawanan ngayon ay tanging kahungkagan na lamang ang natitira wala ng iba.

Nadaanan ko pa ang larawan ng aking pamilya kung saan ay kumpleto pa kaming lahat nakangiti sa camera sa hapag-kainan naman ay nakita kong inaanyayahan ako ng aking ina na kami ay mag-agahan na gaya

ng dati naming ginagawa.

"Bunso, kain na ano pamg tinutunganga mo dyan?" Wika niya sa akin habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko kaharap ng aking upuan.

Tinanguan ko siya at naupo ngunit napawi ang aking ngiti ng biglang nalang naglaho ang lahat sa aking harapan at pumalit ay ang walang hanggang katahimikan. Imahinasyon ko lang pala ang lahat.

Unwanted Mate SPGWhere stories live. Discover now