Nueve

0 0 0
                                    

Crater Cresence POV

"Umalis ka sa teritoryo ko Rogue o ako mismo ang magpapaalis sayo. You choose the easy way or the hardway!" Walang emosyon kong turan sa Rogue na nasa harapan ko. He just smirked at me mas lalong nag-init ang ulo ko.

Sa mga nakaraang araw hindi ko na makontrol ang emosyon ko palaging mainit ang aking ulo at palagi ako nakasigaw at nabwibiwisit pa ako ngayon sa kaharap kong Rogue dahil mas iniinis ata ako nitong lalo.

"Ouch! Nakakasakit ka naman ng damdamin Alpha, I have feelings and a name you know." Pang-aasar ni Alisair. Napakapursigido niya sa pag-aaligid rito sa teritoryo ko at ng mga kapatid ko, nakahawak pa siya sa dibdib niya as if namang nasasaktan talaga siya.

Nangunot lalo ang noo ko at naikuyom ang aking kamao sinusubukan niya ba ang pasensya ko?

Simula ng iwanan ako ng mate ko dahil sa kagagawa ko binuhos ko ang aking atensyon at sarili sa Pack ko. Marahil, nagtataka ang mga pinamumunuan ko kung bakit ako biglang nagbago sinabi ko sa kanila ang totoo ang iba ay nagalit, ang iba ay nalungkot at ang iba ay disappointed sa ginawa ko.

I accepted my mate but it's too late. Dahil sa nangyaring yon araw-araw ko ding kinukulit si Adam Leech na sabihin kung nasaan ang mate ko pero kahit na anong gawin kong pagmamakaawa wala pa din akong nakuha sa kanya kundi ang maigting niyang kamao.

Yes, pinapabayaan ko lang siyang gawin yon upang mabuhos niya ang lahat ng galit niya sa akin ngunit hindi pa din pala buong-buo iyon. "Mukhang pikunin yata ang Alpha ng Aeons Pack ngayon? Bakit

kaya? Hmmmm..let me think, iniwanan ka ng mate mo dahil sa pambabae mo?" Pang-aasar niya ulit.

Natigil naman ako sa pag-iisip at tiim-bagang tinignan siya paano niya nalaman yon gayong walang lumalabas na kahit na anong sekreto sa loob ng tatlong magkakadikit na Pack?

Mukhang may makakating dila ata ang nag-uusap at hindi aware sa paligid niya. "Hindi ka makapagsalita Alpha? Totoo ba ang sinasabi ko? Kawawa ka naman Alpha Crater nakarma ka na. Ang saya nito an Alpha without his Luna."

Hindi ko na makontrol ang sarili ko at bigla siyang tumilapon hindi lang ako ang galit dahil maging ang wolf ko na matagal na akong hindi kinakausap ay bigla na lamang galit na umungol sa sinabi ng rogue kanina ay galit na galit na ako.

Oo, alam kong nagkamali ako sa mga naging desisyon ko parte lamang iyon ng buhay ng bawat nilalang sa mundo. Nakapalibot sa akin ang mga pack warriors ko ngunit pinatabi ko sila dahil nais kong ako mismo ang mag-asikaso ng rogue na nasa harapan ko at nakahandusay sa sahig.

Tumayo si Alisair at pinahidan ang dugong umaagos sa kanyang labi dahil sa pagkakasuntok ko sa mukha niya, ngumisi siya sa akin samantalang ako ay nanatiling walang emosyon ang mukha.

I don't shift especially when infront of me is just a useless rogue who wants to pester me. "Get-out! This is the last warning Alisair I won't hesitate next time." Madiin kong sabi bawat bigkas ng salita ng sa aking bibig ay punung-puno ng lason na maaring maging mitsa ng pagwasak ko sa buo niyang katawan at pagpipirasuhin ko ito sa sobrang galit ko sa kanya.

The rogue smirked at me. Akala ko ay

aalis na siya ngunit nag-iwan pa siya ng mga kataga na siyang naging dahilan upang magwala ako at hindi na kayang pigilan. "Kapag ako nakahanap sa mate mo Alpha. Surely, I'll marked and mate with her." Banta niya sa akin at dinilaan pa ang kanyang labi.

Iniisip ko palang nahahawakan niya ang mate ko kumukulo na ang dugo ko, bago ko pa siya nahuli ay nakatakas na ang bwisit na Alisair!

Siguraduhin niya lang na hindi ko siya mahuhuling muli dahil kakalbuhin at babaliktarin ko ang buo kagubatan upang mahanap lang siya. "Alpha! Alpha! Tama na po! Alpha!" Sigaw ng aking mga kasamahan ngunit mapipigilan ba nila ng Alpha na wala sa sarili?

Unwanted Mate SPGWhere stories live. Discover now