Chapter Nine:

24 16 0
                                        

Hindi ko na namamalayan na grade ten na ako. Apat na taon na pala akong nagpapanggap. Pero apat na taon narin akong tinatanggap ng mga nagiging kaklase ko.

"Gusto ko ka-partner si Bell sa JS Prom!" angal ni Zhairo na inaaya ni Gavin na maka-partner siya. Sa apat na taon ko rin sa high school talagang hindi kami naghiwa-hiwalay. Lagi kaming magkakaklase. Masasabi kong totoo silang kaibigan sa akin.

"Kung ayaw mo sa akin, Zhairo. Puwes, sa akin si Isobel!" nagulat ako nang hilahin ni Gavin ang braso ko. Agad namang tumaas ang kilay ni Zhairo at hinila ang kabilang kamay ko.

Even though I was being pulled and it hurt, I just laughed. It was the first time I experienced being fought over because they wanted to be with me.

"Bitawan niyo nga siya, sa akin makikipag-partner si Bell," nagulat sila nang magsalita si Seamore na kararating lang. Ngayong taon ko lang ito naging kaklase at si Seamus ay noong nakaraang taon.

"Aba, binabakuran mo na?" tumaas ang kilay ni Gavin.

"Kaibigan niya ako simula bata kami. Sa akin siya sasama." paliwanag niya.

"E paano kung ayaw niya—"

"Gusto ko," I was also surprised when I said that. It seemed like my mouth spoke on its own. I immediately bowed my head out of embarrassment.

Moore grinned. "See?"

"Wala kang choice, Zhairo. Isasayaw mo ako!" pang-aasar ni Gavin. Hindi na namin siya pinansin at dumiretso na kaming lahat sa upuan namin dahil mag sisimula na ang klase.

"Class before we start, mayroong mag a-announce ngayon sa atin. Estudyante sila from Sierra University. Alam naman nating lahat na hanggang grade ten lang ang school natin kaya isa ang Sierra University sa marami pang school na pupunta rito para hikayatin kayong mag-aral sa paaralan nila." tumango lang kaming lahat at hinintay ang papasok nila.

May pumasok na dalawang babae at isang lalaki sa loob. Matangkad ang lalaking iyon kaya madali ko siyang napansin. Kagaya ng sinabi ni Ma'am, pinakilala lang nila ang school nila at kung ano-ano pa ang mga detalye noon kapag doon kami nag-aral. Naririnig ko ang bulungan ng mga kaklase ko tungkol doon sa lalaking nakatayo lang at mukhang bored na bored sa ginagawa niya.

Nagsimula siyang ibigay ang mga parang brochure ng school nila sa amin. Natigilan siya nang magtama ang paningin namin. Weird.

"Thank you po," banggit ko nang iabot niya sa akin ang papel. Nakita ko ang pamumula ng tenga niya kaya nagtaka ako. Napatingin ako kay Moore na nakatingin din sa akin at sa lalaking iyon.

"Sierra University, hindi namin ito afford eh," malungkot na sabi ni Gavin.

"Sa wakas, makakaiwas na rin sa'yo." tumawa si Zhairo matapos sabihin iyon. Inirapan naman siya ni Gavin.

"Saan ka?" napalingon ako nang magtanong si Moore. Naupo siya sa desk ko at hinintay ang sagot ko.

"Saan ka ba?" I asked back. I felt like I couldn't be far from him. It felt unsafe without him. My high school life has been so much easier with him. Papasok at pauwi ay lagi kaming sabay maliban na lang talaga kung may ginagawa kami na about school naman.

"Kung saan ka. Kung gusto mo riyan, i ta-try kong maging scholar nila." ngumiti siya.

Napabuntong-hininga ako. Mahal talaga ang tuition fee ng Sierra University. Pero pangarap ko rin talagang makapag aral doon at makapagtapos. Doon nag-aaral ang ate niya dahil scholar din ito.

"Sige, mag-aaral ako rito kapag nakapasa ka sa scholarship nila," sagot ko. Malapad ang ngiti niya bago tumango.

Nang pag-uwi namin ay nagpunta agad ako sa office ni Daddy para ipaalam iyon. Nakakapasok na ako rito sa kahit na anong oras kung gugustohin ko dahil talagang naging okay na kami ni Daddy. Pero si Mommy? Ganoon pa rin siya.

Beauty Beyond Compare Where stories live. Discover now