Chapter Ten:

25 16 0
                                        

Maaga akong dumiretso kila Moore dahil aayusan ako ni Ate Sylv, kasunod ko si Ate Matet na bitbit ang gown ko dahil doon na rin ako magbibihis sa kanila. I loved my gown; it was purple, and Daddy said he based it on the color of my eyes.

"Hi, Bell!" Ate Sylv greeted me excitedly. She was about to let me into her room to get ready, but Ate Matet stopped her.

"Mamaya na, Anak. Hindi pa kumakain si Bell. Tawagin mo na rin yung dalawa para makakain na tayo," sabi ni Ate Matet. Agad namang tumango si Ate Sylv at tinawag sila.

"Bell!" napalingon ako agad sa kanila na mukhang bagong ligo lang. It was easy to tell who was who based on their hairstyles. Seamus chose to grow his hair, which suited his rough features, while Seamore had his usual two-block style, maayos itong naka wax ngayon at may kumawala pang kaunting buhok na umabot sa kilay niya. My heart raced as he approached me. He looked so handsome.

"Kumain na muna tayo," aya ni Ate Matet na agad naman naming sinunod.

"Bell, sino pala ang kapartner mo?" tanong ni Ate Sylv. Hindi pa ako nakakasagot ay sumagot na si Moore.

"Ako,"

Ngumiti na lang ako at tumango. Maraming nag-aya sa aking mga kaklase ko pero hindi pumapayag si Moore, okay lang naman sa akin dahil siya naman talaga ang gusto kong ka-partner sa unang JS prom ko.

"Taas ng bakod ah?" usal ni Moose na ikinapagtaka ko naman. Hindi siya sinagot ni Moore na abala sa pagkain niya. Matapos kumain ay nag-aya na agad si Ate Sylv na ayusan ako dahil excited na talaga siya.

"Ang ganda-ganda mo, kaya lang panira ito," malungkot siyang tumingin sa wig ko na nasa higaan niya. Dinampot niya iyon bago sinuklay.

"O-okay lang naman po,"

She sighed before nodding. "Basta ang alam ko, ikaw ang pinaka magandang babae sa araw na ito." aniya bago ako tinulungan isuot ang wig ko.

"Salamat po," sabi ko sa kaniya. Matapos niyang lagyan ng palamuti ang wig ko ay saka lang siya umalis sa pagkakaharang sa salamin niya. Doon ko lang nakita ang histura ko. "A-ang ganda po,"

Napahawak ako sa pisngi ko dahil tila nagkaron ako ng buhay dahil sa blush on ko. Hindi na masiyadong maputla ang mukha ko. Ang ganda rin ng simpleng make-up lang na ginawa niya. Binagay niya sa kulay ng gown ko.

She didn't let me out until the afternoon. She wanted to surprise the twins, especially Moore. I was nervous, hoping he would like it.

"Tara na, Bell." inalalayan ako ni Ate Sylv sa paglabas ng kwarto dahil malaki ang gown ko at hindi ako nagkasya kaagad. I felt anxious when I saw that the twins were in the living room with their mom and grandparents.

Nakatalikod si Moore at kausap ang lola niya kaya si Moose pa lang ang unang nakakita sa akin. His eyes widened as he watched me walk towards them. He nudged Moore before pointing at me, making Moore slowly turn around. Time seemed to slow down for me too. I didn't expect Moore to look even more handsome today. He looked incredibly dashing in his white suit.

"B-bell," lumapit siya pero agad ding tumigil. "A-ang ganda mo,"

Kumalabog agad ang dibdib ko nang marinig iyon. Mabuti naman at nagustuhan niya. Medyo kinakabahan ako sa kung anong sasabihin niya.

"Oo nga, Bell. Ang ganda-ganda mo ngayon. I mean, everyday ka naman maganda, pero iba talaga ngayon. Isasayaw din kita mamaya ah?" pagdagdag ni Moose. Napatingin ako kay Moore na tumaas ang kilay bago yumuko at inabala na lang ang sarili sa daliri niya.

Dumating na ang driver ko na siyang maghahatid sa amin sa school sa utos ni Dad. Habang papalapit kami ay may nakakasabayan kaming mga estudyante na naglalakad papunta sa school. Ang gaganda rin ng ayos nila.

Beauty Beyond Compare Where stories live. Discover now