Palabas ako ngayon ng mansyon. I'm wearing my usual black jacket but underneath it was my white simple floral dress. Kagaya ng dati ay may dala akong basket na punong-puno ng pagkain. May dala rin akong paper bag na regalo ko para sa dalawa kong kaibigan.
Pagkarating sa bahay nila ay nagulat ako sa dami ng tao. Akmang aatras na ako nang may makabunggo ako sa likuran ko.
Takot na takot ako na baka ibang tao iyon at husgahan ako, baka matakot sa histura ko. Nang harapin ko siya ay napatingala ako dahil medyo matangkad siya.
"Bell!" all my worries disappeared when I saw a beautiful thirteen-year-old girl.
"Ate Sylv!" I hugged her, and she did the same. She is the older sister of the twins. She went on vacation to their mother's province, so she wasn't here in the past few months. She is kind to me and I am really her favorite."Hala, anong nangyari sa'yo? Sinong may gawa niyan?" she furrowed her brow when she saw my appearance, as the hood of my jacket had fallen off. "Siya nanaman ba?" I forced a bitter smile, a familiar ache twisting in my stomach.
She sighed and hugged me again. I missed Ate Sylvia. When she's here, it feels like I really have an older sister."Halika, nasa loob yung dalawa at naliligo pa ata," ginayak niya ako pero hindi ako makagalaw.
"B-baka po may ibang tao," natatakot kong sabi.
"Huwag kang mag-aalala, walang inimbitahan iyong dalawa maliban sa mga tao sa bukid. Yung mga kaibigan nila sa school ay nilutuan na ni Mama kahapon para maibigay sa room nila," ngumiti siya.
I didn't know how to feel. They didn't invite anyone? Why? Moose was so excited about their birthday because he made new friends.
Sumunod ako kay Ate Sylv at naupo sa gilid. Kapag nadadaanan ako ng mga kakilala ko na nagtatrabaho sa bukid ni Lolo ay bumabati sila at kinakamusta ako.
"Bell!" nagulat ako nang tumabi si Moore sa akin. Agad kong naamoy ang matapang niyang pabango kaya napangiwi pa ako. Hindi bagay sa kaniya iyon kasi pang matanda talaga. "Bakit? Mabaho ba?" inamoy niya ang sarili niya.
"H-hindi naman, sa Papa mo ata iyan. Hindi lang bagay sa'yo dahil bata ka pa," natawa ako at umiling.
"Ganoon ba? Sige teka lang ah," nagulat ako nang tumayo siya at pumasok ulit sa kuwarto nila ng kapatid niya. Si Moose naman ang lumabas at poging-pogi pa sa sarili niya. He was wearing a blue long-sleeved polo shirt tucked into his pants. He approached me and sat beside me. I wrinkled my nose again because he and Moore smelled the same.
"Gwapings ba?" nag pose pa ito at nag pogi-sign. Natawa ako dahil sa histura niya.
"Ang tapang ng pabango mo," iyon na lang ang nasabi ko.
"Okay lang, para mas matured. Gustong-gusto nga ni Moore itong pabango ko kaya nanghingi pa. Ngayong eleven na kami, dapat mas gwapings na kami at matikas sa chicks," ngumisi siya. When did he became like this?
"Dinamay mo pa si Moore. Ano may mga pinopormahan na ba kayo?"
"Ako wala, pero may pumuporma na kay Moore. Ganda nga eh, leader ng drum and lyre sa school, mamaya nandito iyon. Siya lang talaga ang inimbitahan ko galing sa school para happy birthday talaga kay Moore, diba?" he grinned. I couldn't say anything. Someone is interested in Moore. Is that why he looks so put together now? A knot of unease tightened in my stomach.
We turned to see who came out of the room. I was surprised when Moore changed into just a white polo shirt. Even though it's simple, it suits him perfectly. He's quite tall too. I didn't notice that before. He seemed hesitant to approach us.Naamoy ko ang palagi niyang pabango. Hindi iyon masiyadong matapang, panglalaki pero fresh lang at parang bagong ligo lang ang amoy, hindi katulad ng kay Moose. Iyon ang pabangong bagay sa kaniya.
YOU ARE READING
Beauty Beyond Compare
RomanceA girl with albinism finds solace in the eyes of the one person who sees her true beauty, a beauty beyond compare. Facing a world that doesn't understand, their unique friendship becomes a sanctuary. As their bond grows, will they find the courage t...