LEVI
"Ang blooming ni Mrs. Bradwell ngayon noh?"
"B*tch I thought it was just me! you've noticed din pala? ganyan siguro talaga kapag preggy they'll shine even more dahil sa angel sa tummy nila"
Marahas na naman akong napahilamos sa sarili kong mukha dahil sa naririnig na usapan nitong dalawang duwende.
Nandito ako ngayon sa may mataas na bahagi nitong park kung nasaan naroon ang mga naglalakihang puno at kung saan wala masyadong tao para magkaroon ng katahimikan pero dahil ipinanganak sila para gaguhin ako sa pang-araw-araw kong buhay, heto't sinundan lang naman nila ako't nagsimulang magchismisan.
Ang lalakas pa ng mga boses.
Kung hindi panlalait sa kung sino-sinong tao't studyanteng maisipan nila, 'yong mga professors naman dito sa university pinupuntirya nila. And so far, si Ms. Hershberge pa lang narinig kong sinabihan nila ng papuri.
But despite of those nice words they said for her, I still can't help myself to get annoyed and irritated. And that's because I'm a jerk for not wanting to hear anything about her pregnancy.
Honestly, I've never felt this horrible about myself. Kahit ano kasing pilit ko na maging masaya respeto manlang sana sa bagong blessing na binigay sa kanya ay hindi ko talaga magawa.
Her being pregnant with someone else's child really pisses me off kahit wala naman akong karapan dahil asawa nya 'yon at normal lang na magkaanak sila.
Ganitong-ganito rin 'yong nararamdaman ko no'ng sinabi nya sa akin nakaraan na may anak na pala syang babae. Hindi ko lang nabanggit ang tungkol do'n pero badtrip na badtrip talaga ako sa katotohanang 'yon.
"I'm sure super handsome and super ganda na naman ng magiging baby nila ni Mr. Bradwell," pumapalakpak pang hayag ni Lucy na agad namang sinang-ayunan nitong kapwa nya buteteng si Sandy.
Kaya ako ay heto, durog na durog na ang hawak-hawak kong vacuum flask na pinahawak sa akin ni bunso kanina.
"F-For sure b*tch lalo na siguro kung magmana ulit kay prof coz you have to admit, hindi naman gano'n kagwapo si Mr. Bradwell"
Dahil sa panghuling narinig ko sa naging tugon ni Sandy ay awtomatiko na lamang akong napangisi at kumalma. Sa wakas, may nasabi ring matino ang duwende na 'to.
But sheesh. Kailan pa ako nagkaroon ng anger issues?
Nagi-guilty na ibinaba ko tuloy ang tingin sa kawawang flask ni bunso. After a minute or two ay 'yong dalawang tungaw naman ang binalingan ko na agad namang nagsiiwas at kung saan-saan nalang napapadpad ang mga mata.
"Mga adik," ngiwing saad ko at tumayo para lisanin na silang dalawa.
Ako na ang mag aadjust. Nakakahiya naman sa kanila.
Nasa library si bunso at hindi pwedeng istorbohin samantalang nasa meeting naman si Shan kasama ang mga kagrupo nya sa volleyball kaya wala akong ibang mapuntahan kung 'di ang sasakyan ko.
Palagi nalang akong nahihirapang maghanap ng lugar na pwede kong pag tambayan tuwing break dahil sa dalawang butete na 'yon na pinpeste lang ako sa bawat paghingang ginagawa nila kaya napapadalas na paggamit ko ng kotse.
Sa kotse kasi, hindi nila ako magagawang bulabugin. Kaya pagkaupong-pagkaupo ko pa lang ay agad nang gumaan ang pakiramdam ko.
Ang kaso nga lang, parang the flash naman na lumipas ang mga oras dahil agad naubos 'yong thirty minutes na natitira sa break ko. Kung bakit ba kasi hindi ako dumeritso agad rito kanina, nasayang lang ang kalahating oras ko do'n sa park dahil sa dalawang butete.
YOU ARE READING
𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐦𝐦𝐨𝐫𝐭𝐚𝐥𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 2 (𝐆𝐗𝐆)(𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) 𝐅𝐑𝐄𝐄
Viễn tưởngThe love story of Leviticus Timotheus Cryphodurus Cepheus Hendrickson - Ragriel and Savannah's 9th child.