LEVI
"Do I look like I'm kidding Hendrickson."
"Hindi naman po.. pero kasi," napabitaw na ako sa pagkakahawak sa tiyan nya at naguguluhang napakamot kilay nalang. "paano po nangyare 'yon? eh sobrang liit pa lang naman ng baby sa loob kapag one week or kahit nga one month pa lang.."
I didn't hear anything from her for a couple of minutes after what I've said at no'ng nagsalita naman sya ay hindi na konektado sa pinag-uusapan namin sinabi nya.
In other words, she just ditch the topic and proceeds with something else.
"I wanna start with the treadmill."
"Aight," kibit balikat ko nalang na tugon bago inalis ang kamay sa tiyan nya't tumayo.
Baka kasi nahihiya lang syang sabihin na nagkamali sya sa bilang ng linggong ipinagbubuntis nya ang anak nya.
Problema talaga ng mga matataas ang pride.
"Wait miss," tawag pansin ko sa kanya before she got up. "may I ask again kung bakit ako ang napili mong tutulong sa'yo rito? saan po 'yong asawa mo? tyaka hindi po ba tapos ka na? bakit uulit ka pa?" sunod-sunod kong tanong subalit sa halip na sagutin ay malalang irap lang ang natanggap ko.
Tsk. How rude.
Meron yata silang private class nila ate Autumn na nagtuturo kung paano magsuplada ng bongga for them to act like this every seconds of their lives.
"Ano pong gagawin ko? I mean.. mukhang kaya mo naman pong mag-isa eh.." Maliit pa naman kasi ang tiyan nya tyaka mukha pang sanay na sanay sya sa paggamit ng kung ano-anong equipments na nandito dahil siguro karugtong na rin ng buhay nya ang pagwo-work out.
"Can you please shut that mouth of yours and just do what I said? you're so annoying."
I literally gasped in disbelief for what I've just heard from her.
This woman really. So inconceivable. Ako pa ngayon ang annoying.
THROUGHOUT the whole cardio thingie ay nakasimangot na sinasabayan ko lamang sya't binabantayan just in case na matumba sya dahil baka kasalanan ko pa kapag may nangyaring masama sa kanila ng baby nya.
I don't really get the sense on why she wants me to join her pero dahil nagawa ko naman kahit papaano ang dahilan kung bakit ako pumunta rito, isinawalang bahala ko na lamang 'yon hanggang sa napagod sya.
"I'm hungry."
"Pardon?" I asked confused while fixing my wrist watch.
Katatapos ko lang kasing maligo't magpalit ng damit. Pinauna ko sya kaninang maligo kaya nagulat pa ako no'ng nakita kong nandito pa rin sya at parang.. hinihintay pa talaga ako.
I mean, I don't wanna assume things but she really looks like she's been waiting for me to come out.
"You gone deaf now? I said I'm hungry."
"Then eat miss," It wasn't my intention to sound rude but I still sound like it kaya bigla nalang may lumipad na bagay sa deriksyon ko.
Thanks to my fast reflexes, naiwasan ko 'yon. But my face still twisted in a grimace when I saw what she just threw at me.
It was her fr*aking stainless steel vacuum flask!
Blimey! paano nalang kung tao ako't hindi ko 'yon nailagan? edi namimilipit na ako ngayon sa sakit lalo na't ang lakas pa ng pagkakabato nya?!
"M-Mam naman.. wala namang ganyanan.." nakanguso kong reklamo matapos damputin 'yong inihagis nya. "mali lang po 'yong words na nagamit ko" dagdag ko pa habang naglalakad palapit sa kanya para iabot 'yong vacuum flask.
Tinanggap nya naman 'yon sa pahablot na paraan nga lang tapos sobrang talim pa rin ng tingin na ibinibigay nya sa akin.
"Actually, gutom din po talaga ako.." I was kinda worried sa susunod nyang gagawin sa akin kaya nagsalita ako ulit tryna lighten up her mood.
Mukha namang nagwork 'yon when I heard her say, "Follow me."
I'm a bit confused tho kung saan kami pupunta pero hindi ko nalang din 'yon inintindi. Literal na bahala na talaga.
Hindi na rin ako nagtanong dahil sa klase ng ugaling meron sya, it's much better to keep silent.
I'm applying everything I've learnt now from what I've experienced.
![](https://img.wattpad.com/cover/370430812-288-k617465.jpg)
YOU ARE READING
𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐦𝐦𝐨𝐫𝐭𝐚𝐥𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 2 (𝐆𝐗𝐆)(𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) 𝐅𝐑𝐄𝐄
Viễn tưởngThe love story of Leviticus Timotheus Cryphodurus Cepheus Hendrickson - Ragriel and Savannah's 9th child.