𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 12

291 29 0
                                    

LEVI


"M-Miss Zebra?"

I feebly uttered cofused when there's a girl that actually looks so much like her looking  delicately at me.

Ang dami tuloy agad mga tanong na tumatakbo sa isip ko.

Why is she here? is this really her? or I'm just hallucinating?

Ganito na ba talaga kalakas ang tama ko sa kanya para umabot ako sa puntong nakikita ko na sya kung saan-saan despite of knowing her for only three days?.

This is bad.

Mariin kong ipinikit ang mata and naghintay muna ng mahaba-habang minuto bago nagmulat ulit but to my surprise, she's still there!

N-No way..

Ramdam ko ang pagbubuka sara ng bibig ko pero wala namang ni-katiting na salitang lumalabas mula roon.

Consufed and surprised are just an understatement to what I'm feeling right now. But unlike kanina, she's now looking at me with her usual blank expression.

So I'm now certain that one was surely the legit product of hallucination.

Pero bakit hindi sya nagsasalita kung totoo nga talaga sya? I badly want to touch her para maconfirm kong totoo talaga sya pero hindi ko magawa dahil sobrang nanghihina ako.

"Zehra——

Tinig iyon ng isang babaeng bigla nalang sumulpot sa kung saan. Hindi ko sya nakikita pero malaking tulong iyon para matapos na ang pagdadalawang isip ko kung totoo ba o kung hindi ang babaeng nasa gilid ko ngayon.

Pinagtaasan nya kasi agad ng kilay ang babae habang nakatingin sa deriksyon nito at binigyan ng nagbabantang tingin bago tumayo mula sa pagkakaupo.

Sa puntong 'yon ko lang rin narealize na bago sa paningin ko ang lahat ng nakikita ko sa paligid. Pati itong kama na kinahihigaan ko ay hindi pamilyar sa akin.

Where the frog am I?

"Hi young Hendrickson" Nanghihinang nag angat naman ako ng tingin sa babaeng may katangkaran at hindi rin maikakaila ang ganda.

She looks so familiar to me but I just can't point it out kung saan at kelan ko sya exactly nakita.

Sigurado akong halatang-halata sa hitsura ko na naguguluhan at inaalala ko sya kaya muli syang nagsalita.

"You saw me yesterday. Outside Zehra's office"

Saglit akong nag-isip. Pero bago ko pa man maibuka ang bibig ay striktong boses na ni amore ang umagaw sa atensyon naming dalawa ng babae.

"Mind shutting your mouth Tanisha."

"Bakit ba? I just wann—

"Can't you see how weak she is?"

Mukhang may narealize naman ang babae. "Oh, right, my bad"

Inirapan lang sya ni amore bago ito elegate at maarteng sinenyasan na umalis. Para bang nagtataboy lang sya ng langaw.

"Can't I introduce myself first bago mo ako paalisin" Maattitude ngunit may bahid ng pagbibirong palag naman ng babae. And before I knew it, hawak-hawak nya na pala ang aking kamay na parang jelly sa sobrang lupaypay. "I'm Tanisha, Zehra's bestfriend" Matapos nya 'yang sabihin ay walang sabi-sabi itong nagmadaling naglakad paalis.

Wari ko'y lumabas na ito ng kwarto base narin sa pagbukas-sara ng pinto.

Sayang, gusto ko pa naman sanang magpakilala rin at sabihing natatandaan ko na sya. Hindi ko kasi sya masyadong nabigyang pansin kahapon dahil nang marinig kong tinawag nya si mam ay kumaripas na ako ng takbo.

𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐦𝐦𝐨𝐫𝐭𝐚𝐥𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 2 (𝐆𝐗𝐆)(𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) 𝐅𝐑𝐄𝐄 Where stories live. Discover now