LEVI
"Lucy please.." naiiyak na ako sa pakikiusap sa bansot na 'to na 'wag ituloy ang binabalak na pagsusumbong pero kanina niya pa ako dinedeadma.
Nandito na pa naman kami sa bahay at hinihintay nalang sila mommy't daddy na makauwi galing sa date nilang mag-asawa. Nagtatampo kasi si mommy nitong mga nakaraan pa dahil nahahati na raw ang quality time nilang dalawa ni daddy simula no'ng sinimulan naming hanapin ang pinsan nya na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin natatagpuan.
Mamayang hating gabi nga ay aarangkada na naman kami sa paghahanap at sana lang talaga ay makita na namin sya this time.
"Bansot ano ba, bibigwasan kita," nanggigigil ko nang saad nang balewalain nya pa rin ako at nagpatuloy lang sa paglamon ng mga junk foods na kinuha nya syempre, dito lang din sa mismong pantry namin.
Gawa yata talaga sa kalyo ang mukha ng babaeng 'to sa kapal.
Sa wakas ay binalingan nya na ako ng tingin. "As if namang kaya mo akong bigwasan noh," ngisi nyang saad and she even stuck her tonque out at me.
"Ows talaga? how sure are you na hindi ko kayang gawin 'yon aber?" pinanganak yata talaga silang dalawa ni Sandy para lang bwisitin ako nang bwisitin sa pang-araw-araw ko na buhay.
Hindi ko kinakaya kakapalan ng mga mukha nila.
"What's with that look of yours? d-don't tell me—" bago ko pa man maihakbang ang aking mga paa palapit sa kanya ay kumaripas na siya ng takbo. "Wahhh yaya Fe 'yong alaga mo!!!" hiyaw nya when she saw yaya Fe walking towards our imperial staircase.
Napailing nalang ako sa kabobohan nya. Tatakbo-takbo pa kasi eh alam nya namang wala 'yong silbi kung gugustuhin ko talagang maabutan sya.
Kung ano-ano pang pinagsasabi nya kay yaya pero pinabayaan ko nalang at hindi na pinansin pa sa pag aakalang sa ganoong paraan ay magkakaroon kami ng saglit na katahimikan.
"Couzz!! where are you!!"
Ayan na nga ba ang sinasabi ko kung bakit akala ko lang na may katahimikang magaganap kahit saglit manlang sana.
Nasa labas pa lang ang isa pang bansot na Sandy ay rinig na rinig ko na ang makabasag pinggang boses nitong tumatawag sa akin.
Napaka walang modo talaga.
Siguradong alam na rin nito ang tungkol sa nangyari kagabi dahil magkakamping-magkakampi silang dalawa ni Lucy basta pagdating sa chismis.
Napapikit na lamang tuloy ako at bago ko pa man maidilat ang aking mga mata ay hawak-hawak nya na ang braso ko patungo sa malaking sofa namin dito sa sala kung saan prenteng lumamon si Lucy kanina.
Naiwan pa nga ibang pagkain nya sa mini table na agad din namang tinangay nitong isa pagkaupong-upo nya at sinimulang lantakan.
Kung tutuusin ay pwede naman akong tumakbo nalang at magtago dahil hindi naman nya ako mahahabol but knowing them, mag-iingay lang sila ng mag-iingay dito sa bahay hangga't hindi ako lumalabas. Ang magiging ending pa tuloy no'n, ako ang mahihiya at makukusensya sa iba pang mga kasama namin dito sa bahay dahil ako ang dahilan kung bakit naghahasik ng lagim ang mga lintik na duwendeng 'to na hindi manlang naambunan ng kahit konting kahihiyan.
"Announcement everybody!" I felt my heart skipped a beat sa narinig kaya dali-dali kong tinakpan ang bibig nya. Kaya heto tuloy at nagpupumiglas sya para lang makawala. "W-What are you doing ba? I'm just gonna tell them to not disturb us here coz we have something very important to talk about noh," maktol nang bitawan ko na sya.
YOU ARE READING
𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐦𝐦𝐨𝐫𝐭𝐚𝐥𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 2 (𝐆𝐗𝐆)(𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) 𝐅𝐑𝐄𝐄
FantasíaThe love story of Leviticus Timotheus Cryphodurus Cepheus Hendrickson - Ragriel and Savannah's 9th child.