𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 14

193 19 1
                                    

LEVI

ARE my ears playing with me right now? or tama lang talaga ako ng pagkakarinig?

Litong-litong binalingan ko tuloy ang magpinsan and with just their expressions, I can already tell the answer of my own question.

It is the latter.

By then, sabay nila akong sinenyasang sumunod na with matching tulak-tulak pa kaya kahit na gulong-gulo pa'y napipilitang napahakbang narin ako.

But after taking a few steps ay muli ko silang nilingon mouthing the words 'susunod ako' that was  answered by a wave and simple nod by the two of them.

I was about to move forward when I saw that unpredictable professor of ours looking directly at me. Huminto pa yata talaga sya sa paglalakad at nilingon ako to make sure that I'm following her.

Hanggang sa nakarating kami ng opisina nya ay gulong-gulo parin ako kung bakit nya ako gustong papuntahin sa opisina nya. Bukod pa roon ay nakakaramdam din ako ng labi-labis na kaba dahil baka hindi pa sya tapos na pagsabihan ako tungkol sa pangungulit ko sa kanya nitong mga nakaraan kaya pinapapunta nya ako 'don.

I can't say naman kasi na it will be about my performance in her class dahil 101% sure naman akong wala akong magiging problema tungkol sa bagay na 'yon.

You got this Levi. Don't think too much and face whatever it is. Maistress ka lang.

Advice ko pa sa sarili bago tuluyang sumunod sa kanya sa loob dahil mas nauna sya 'don sa'kin. Where I was greeted by a feminine and delicate fragrant the very moment I stepped my foot in.

Kaamoy nya talaga 'tong opisina nya. Babaeng-babae. Sana lang talaga hindi ako magtatagal rito dahil officially included na ang amoy nya sa mga kahinaan ko.

Sobrang nakakaadik kasi talaga and I'm starting to get worried dahil siguradong hindi lang ako ang nakakaramdam nito kundi lahat ng taong pinapapasok nya dito.

"Sit down."

Lalo pang tumuwid ang pagkakatayo ko when I heard her speak. Doon ko lang din narealize na kanina pa pala ako nakatayo rito sa sa harap ng mahaba nyang sofa. Actually tatlo ang sofa nya rito na may pare-parehong hugis at dahil nandito ako nakatayo sa may bandang kanan, dito narin ako umupo. Kaharap ko ngayon ang maliit na center table tapos kapag iipilig ko naman ng kaonti ang ulo ko sa bandang kanan ay naroon naman ang office table nya.

"T-Thank you miss" Utal at late ko nang pagpapasalamat na syang ikinataas lang ng kilay nya.

She's currently standing at the side of her table with both arms crossed above her chest.  Oh dear, ganito ang mga galawan ng mga manenermon eh.

Pasimple ko lang syang tinitingnan dahil mas pinili kong yumuko nalang dahil lalong nakakadagdag sa kaba ko ang postura at klase ng tinging ibinibigay nya sa akin.

Minutes have past but she's not saying anything. And that's not helping at all! I tried lifting my head up again pero agad din akong bumalik sa pagkakayuko at mabilis pang tumagilid when I saw something that almost took my soul away.

Blimey!

Why the fudge is she undressing herself?!

You read it right folks. Naghuhubad sya!

Well 'yong vest palang naman 'yong natatanggal nya at 'yong white long sleeve naman ay mga apat palang na butones ang natatanggal nya but still! 

"W-What are you doing miss" Naisaboses ko nalang habang pinipikit pa ng husto ang mga mata.

𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐦𝐦𝐨𝐫𝐭𝐚𝐥𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 2 (𝐆𝐗𝐆)(𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) 𝐅𝐑𝐄𝐄 Where stories live. Discover now