Letter 5

7 0 0
                                    

Dear MAG,

Nakakainis naman yung last prof natin. Hindi man lang nasabi sa Class President natin na di sya pupunta ng class natin. Siya na nga itong last class natin, mahirap bang magtext at sabihing di sya makakapunta? Nag-intay pa tayo para lang sa wala. Nakakainis! E di sana nasabihan ko ng mas maaga yung Tatay ko para masundo nya ako ng maaga. Kaso nung tinawagan ko kung nasaan na sya, sabi nya papunta pa lang sya at baka matagalan kasi traffic. Ano yun, mag-isa akong mag iintay sa looby?

Pero nagulat ako nung tabihan mo ako. Oo nga pala, sinusundo ka rin. Pareho tayo ng sitwasyon. Saka kinausap mo na ako ngayon! Tinanong mo kung saan ako nakatira tapos sinabi mong sa Quezon City ka nakatira at sinabi mo na kaya ka nakapasok ng school kasi yung Lola mo taga Pandacan. Ang layo pala ng bahay mo sa bahay namin. Malapit kasi kami sa Makati e. Tapos nun nagkwentuhan na tayo kung ano ano hanggang dumating si Tatay. Nahihiya nga akong iwanan ka kasi wala pa yung sundo mo e pero Thank You pa rin kasi sinamahan ako at di ako nagmukhang loner dun.

Siguro di na rin masama na di sya pumasok. At least nakapag usap tayo aside from school stuff. Masasabi ko nang friend kita! J

-YLA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon