Chapter 14

12 0 0
                                    

___

Two years, it's been two years since we became officially in a relationship.

Minsan sweet siya, pero madalas akong mabokya dahil puro siya trabaho, hindi naman sa pinagbabawalan ko siya or nagdedemand ako, ang akin lang,

Sana naman ay bawas-bawasan niya ang pag-iwan sa akin sa ere,

Si kuya Drick ay busy sa pagsuyo kay Ally, paano ay nag-away nanaman ang dalawa sa hindi ko malamang dahilan, lagi naman,

Bilib din ako kay kuya, 8 months na niyang nililigawan si Ally, hindi ko alam ang rason ni Ally kung bakit hindi niya masagot sagot si Kuya,

Sinasabi naman nito na gusto daw niyang malaman kung hanggang siya hihintayin ni kuya, akala ko nga nun ay aalis na si kuya at pupunta na ulit ng America kaso mas pinili niyang dumito, para kay Ally.

Inagahan n'ya ang pagpunta rito sa coffee shop dahil medyo maraming tao at malamig ngayon.

Simpleng white shirt at denim pants lang ang sinuot ko, habang ang wavy hair ko ay nilagyan ko ng pin sa harap,

Nagkaayos na rin kami ni Synx, medyo nagkakaunawaan na rin kami at tinanggap ko na ulit siya sa buhay ko, bilang kaibigan.

Yun lang ang kaya kong i-offer.

I check my phone, but I got no calls nor messages from him, iyon lang naman ang hinihintay ko, sarap itapon ng cellphone.

Habang nagkakape ako ay medyo nagkaroon ng kaunting gulo, Akala ko talaga ay nagkakagulo, yung tipong may nag-aaway pero hindi,

Nakita ko kung paano lumuhod iyong lalaki at sabay may kinuha ito sa kaniyang bulsa, napatingin ako sa reaksyon ng babae, it was priceless, this is the meaning of true love, yung totoong pagmamahal.

Kitang kita mo sa mga mata nila na mahal nila ang isa't-isa,

Masaya ako at dito napili ng lalaki na magpropose sa babaeng mahal niya.

Naghiyawan ang lahat, maging ang mga staffs ko ay nakikihiyaw na rin at kapw kinikilig,

"Love, alam mo naman kung gaano katagal ako naghintay na mangyari ito, ayaw na kitang pakawalan pa, sobrang saya ko na nakilala kita dito mismo sa coffee shop na ito---"

Wow,

Dito rin kami unang nagkakilala ng personal ni Dravin, just wow.

"And the day I laid my eyes on you, I know you were the one for me."

Napangiti ako, and the rest was history, masaya ang lahat sa nangyari, basta ang alam namin, tinaggap ng babae ang simpleng proposal ng lalaki,

Kanina pa sika nakaalis pero napangiti pa din ako, masaya ako oara sa dalawang iyon, sana ay magtagal ang dalawang iyon.

I was taking my coffee ng hindi ko inaasahan makita si Dravin na palapit,

Pero nakaagaw ng pansin ko ay iyong nag-iisang rosas na hawak niya na ibinigay nito sa kaniya.

Nag-aalangan siyang tanggapin, pero tinaggap ko rin.

"Thankyou, nag-abala ka pa, what do you want? Cappuccino, hot choco, Spanish Latts or just plain black coffee?" tanong ko those are my specialty, lahat ng iyon ay sariling timpla ko at pumatok naman sa mga coffee lover na dinarayo pa ang shop ko.

Hindi ito nagsalita at nakagtitigan lamang kami ng matagal, may kung ano sa mata niya na para bang may mali akong sinabi,

Meron nga ba?

"Let's break up."

Agad napawi ang mga ngiti sa labi ko at para akong nanghina sa mga narinig mula sa kan'ya.

AFTER YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon