SYDNEY's POV
Sa sixteen hours na flight namin I washed myself, read some books, sleep a little, gumawa ng thesis until maka-tulog ulit ako. Wayne woke me up while he is wearing a white long sleeves na itinutupi niya, a khaki pants and a brown loafers at naka-dark brown siyang belt. He looked stylish and fresh.
Agad naman akong bumangon, nag-hilamos at nag-bihis ng plain white shirt ko na medyo malaki, jeans and my white New Balance shoes. Teka! Ngayon ko lang napansin na naka-impake ang gamit ko. Pinakialman ba ni Wayne ang closet ko?
"Wayne did you packed my things?" tanong ko paglabas ng banyo habang nagto-toothbrush.
"Nope. Your sister did."
"Ate Sydel? They knew?" iniisip ko pa naman tawagan si Ate pero mukhang mas nauna pa nilang nalaman ito.
"By the way where are we going?" tanong ko.
"France." sagot niya habang nagi-scroll siya sa iPad niya.
"I know. I mean saan sa France?" I asked and quickly went into the bathroom para tapusin ang pagto-toothbrush ko.
"Good morning Mr. and Mrs. Gamboa, we have begun our descent into Carcassonne, France. Please turn off all portable electronic devices and stow them until we have arrived. In preparation for landing, be certain your seat back is straight up and your seat belt is fastened. Thank you."
Agad akong umupo sa katapat ni Wayne na pinatay ang ipad at inilagay ito sa tabi niya. Nag-seatbelt kami parehas habang pa-landing na ang eroplano. I looked at the mini mirror na dala ko and comb my burgundy hair. Ever since first year college ito na ang kulay nang buhok ko kasi natuwa ako, bagay sa akin. Isa pa ang tagal ko nang gustong mag-kulay ng buhok, hindi lang pwede sa school noong high school. So when I got a chance I tried his right away at nasisiyahan pa ako until now.
Pagka-touchdown ng eroplano, hinintay namin ni Wayne na maka-settle bago kami nag-alis ng seatbelt at bumaba ng eroplano. Medyo malamig ang panahon dito kumpara sa Pilipinas. As far as I remember, summer pa sa dito but the fall season is near dahil August na kaya siguro medyo malamig na ang klima kahit mataas ang sikat ng araw. Para lang nasa Baguio tuwing summer ang lamig ng panahon dito. Ang ang oras 4am ng madaling araw ng Thursday. Ang cool! Para akong nag-time travel.
Napansin ko na wala akong kadala-dala bukod sa cellphone ko na iPhone 5s. Grabe talaga nangbibigla si Wayne. I mean, I know he is filthy rich pero hindi ko akalain na mag-aaya siya ng flight to France after my class.
Halos mahilo-hilo ako pagbaba ng eroplano dahil siguro ng jet lag at ng pagod at stress. Samantalang si Wayne naka-shades pa pagbaba ng eroplano, akala mo prinsipe mula sa East Asia ang lumabas sa eroplano.
"Where's the sun?" tanong ko sa kaniya pag-lampas ko.
Kumunot ang noo niya at tinawanan ko siya. Mayroong white na van na sumalubong sa amin. Tinted ito at mukha rin namang mamahalin. Agad bumaba ang driver na nagulat ako kasi Pilipino rin pala si Kuya.
"Good Morning Mr. and Mrs. Gamboa." bati ni Kuya nang pag-buksan niya kami ng pinto ng van.
"He's been here for almost fifteen years now at France, may business siyang car rental. Everytime we go to France, siya ang kinukuha naming driver." kwento ni Wayne sa akin habang nakatingin sa driver.
Wow! Hindi ko akalain na supportive pala sa kapwa Pilipino itong si Wayne. Mukha kasing puro competition ang nasa isip niya.
Pumasok kami sa loob ni Wayne at amoy na amoy ko ang bango nang loob ng van at damang dama ko pati na rin ang lamig nang sasakyan. Hindi sobra, tama lang to cool me down. After five minutes na paglalagay ng luggage namin sa likod ay nagsimula nang mag-drive si Kuya.
BINABASA MO ANG
Marrying A Billionaire At Sixteen #MABAS
RomanceYES! It is back at hindi ko na idedelete! I promise! But sorry for the long HIATUS and updates, binabalaan ko na kayo of my busy working sched. THANK YOU SO MUCH FOR WAITING and loving MABAS! ~ Originally Written: August 16, 2016 Rewritten and repos...