CHAPTER 7: New Chapters of Her Life

1 1 0
                                    

— AUTHOR POV

Year 2005...

Another 5 years ago ay nasa College na ang babaitang Mhikayy niyo. But lately... naputol na ang komunikasyon ng dalawa dahil sa hiwalayan ng magulang niya, limang taon na rin ang nakakalipas. Nasa Ilo-ilo siya ngayon kasama ang kaniyang ama na si George Gonzales while her mother ay nasa Cebu pa rin ito. Naghiwalay ang magulang niya dahil may iba na ang kaniyang ina.

Ang dami niyang pinagdaanan sa buhay na sobrang hirap na halos parang gusto na niyang mawala sa mundong ito dahil lahat ng mga nakilala niyang tao ay umaalis lamang sa buhay niya.

Ngunit hindi na siya magugulat kung ganoon na naman ang mangyayari sa kaniya ulit.

“Sorry Natnat, hindi mo ko masisisi kung bakit natigil ang pagsusulat nating dalawa.” sabi niya sa sarili niya habang nasa school siya ngayon at nagpipigil ng pag-iyak niya.

Isa siya sa masuwerteng nakapasok sa school na gusto niya at ito ang number one highest ranking ng campus ng school na ’to at nakapasa siya sa exams na na-take niya, months ago.

Third year college na siya ngayon at ang kinuha niyang course is Human Resource Management (HRM). She’s good at cooking naman at hindi lang sa pagluluto ang focus nito, kundi...

Someone: ano course mo?

Mhikayy: HRM po.

Someone: Ay ’yan ba? Luto-luto lang pala ’yan e.

Mhikayy: HRM/HM po kami, hindi HRM/HM ‘Lang’

Hindi lang ito naka focus sa pagluluto. From sa Cooking, meron silang Bartending, Housekeeping, Event Planning, Accounting, at marami pang iba at halos lahat ng course nandito na, hindi man niya maisa-isa. Napaka raming opportunities pag nasa course ka ng HRM. Kaya hindi niya nila-LANG ang HRM. Proud si Mhikayy at ito ang course na nakuha niya.

Habang HRM siya sa pinapasukan niyang school ay may extra work siya sa Papa niya na may puwesto itong karenderya malapit sa kanila while reading famous books of Nathaniel Malik Harris from Australia.

Lumaki na siya lahat-lahat, bigla niyang natanong sa sarili niya na kung ano ba ang full name ng dati niyang kaibigan na si Natnat.

“What if... si Nathaniel Malik Harris at si Natnat ay iisa? Hayss, babaitang Mhikayy... Ano ang pinag-iisip mo sa sarili mo? Maraming Natnat sa buong mundo, hindi lang ’yon ang kaibigan mo dati sa Cebu na Natnat na pangalan niya. Pero kung siya man ang nasa Author ng book na binabasa ko, hihingi ako sa kaniya ng sorry dahil sa paghinto ng pagsusulat namin dahil umalis ako sa Cebu,” sabi ulit niya sa isip niya habang napahinto siya sa pagbabasa ng libro ni Nathaniel Malik Harris.

Ilang taon na rin ang nakakalipas ay nasanay na siyang walang kasama sa buhay except sa Papa niya na nag-alaga sa kaniya sa Ilo-ilo, dahil gusto na niyang magpatiwakal na akala niyang magiging maayos ang pamilya niya. Ngunit sa hiwalayan ang punta nito, kahit din sa kaibigan. Wala na siyang interesadong makilala pa ang iba.

Foods, books, Papa niya at sarili niya ay sapat na sa kaniya lately. Marami ang gustong makipag-kaibigan sa kaniya, pero wala na siyang interes. She always ignoring messages from her classmates at other people, ayaw na niyang ma-ulit ang bagay na ikakasakit niya na mawalan ulit ng mga mahahalagang tao sa kaniya. Kaya ayaw niya talagang makipag-salamuha sa iba.

Ngunit nagbago ang lahat ng dumating sa buhay niya ang kaibigan niyang si Glyzel Mercado.

Glyzel Mercado is a rich girl with a good personality, pero laging iniiwasan ito ni Mhikayy dahil ayaw niya itong makilala dahil ayaw na niyang may asungot na naman sa buhay niya, gaya ng ginagawa sa kaniya before ni Claire. Kahit na anong pagpapalayas niya rito ay hindi siya tinatantanan nito dahil napaka-kulit ito, clingy at kalog sa lahat ng bagay.

“Tulala ka na naman?” tanong ni Glyzel sa kaniya.

“Leave me fucking alone, please?”

“Hi, I’m Glyzel Mercado.”

“I’m not interested in you! P’wede ba umalis ka na sa harapan ko?”

Ay pak, babaitang Mhikayy niyo. Suplada, HAHAHAHA!

“Nakikipag-kaibigan lang naman ako.”

“Ako ba nakikipag-kaibigan ba ako sa ’yo? ’Di ba, hindi? Kaya umalis ka sa harapan ko!” hiyaw niya kay Glyzel habang nagbabasa ito ng libro ni Nathaniel Harris.

“Nagbabasa ka pala niyan?” sabi sa kaniya ni Glyzel.

“Marami akong books niyan,” dugtong pa niya.

“Wala akong pake! Umalis ka na nga! Nakakairita ’to, panira ng araw!”

Hindi pa rin ito umaalis at siya na lang mismo ang umalis sa canteen. At nag-ring na bigla, meaning... Babalik na ulit siya sa room kasi tapos na ang break time.

Uwian na nila at bumungad sa kaniya ulit si Glyzel.

“Hi Mhikayy!” bati sa kaniya at hindi niya ito pinansin.

“Hey! Hindi mo ba talaga ako papansinin?”

“Hoyyy!”

“Iba na lang pansinin mo, huwag na ako! Ayoko ng may asungot sa paligid ko!” sabi niya at umalis na ito sa harapan niya.

Nalungkot si Glyzel dahil gusto lang naman niya makipag-kaibigan kay Mhikayy pero ayaw siya nitong maging kaibigan.

Gusto niyang makipag-kaibigan kay Mhikayy dahil isa sa paborito niya rin ang libro na gawa ni Nathaniel Harris. Sa murang edad ng paborito nilang manunulat ay inspired din ang mag best friend na sina Mhikayy at Glyzel sa pag-aaral nilang dalawa.

Kahit ganoon ang pinapakita ni Mhikayy kay Glyzel ay nanatili sa kaniya ang taong ’yon, naiintindihan siya sa mga problema niya. Nagsimula rin silang magkakilala noong nasa bahay ito ni Glyzel at naging mag-partner sila sa cooking show ng event. Pareho rin sila ng pinagdaanan sa buhay, ngunit mas malala kay Mhikayy. Paanong hindi magkakasundo ang dalawa? Dahil pareho sila ng taste of music, foods and books kaya mas naging magkasundo ang dalawang babaita.








                                 ————————







Year 2015...





It’s been 20 years ago...





Hindi akalain ni Mhikayy na ang dati niyang inaaway noon na ngayon ay isa na sa espesyal sa buhay niya. Kasama na niya rin ito sa pinapatayo nilang mini business. It’s Mhikayy’s idea kaya pumayag din ang kaibigan niya na magtayo sila ng own business nila at tinawag nila itong “MhikZel Store” at tuwang-tuwa ang kaniyang Papa, dahil ang pangarap lang nila noon. Ngayon ay natutupad na.

Ngunit ang lahat ng pangarap na ’yon sa buhay niya ay hindi niya mararating ang mga bagay na ’yon kung hindi dahil sa unang kaibigan niya noon na panay ito motivate sa kaniya every time na nada-down siya sa buhay. It’s bittersweet to her na natupad niya ang gusto niyang mangyari ngunit parang may kulang sa buhay niya at ’yon na nga ang kaibigan niyang si Natnat.

Mhikayy: Kamusta na kaya si Natnat? Miss na miss na kita.

Nathaniel Harris: I'm Inlove With My Handsome Hot Gay FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon