PROLOGUE

23 2 0
                                    

PROLOGUE

"Bakla, nakikita mo ba ang nakikita ko? TANG-INA SI NATHANIEL‽" kilig na kilig na sabi ni Glyzel kay Mhikayy, kaibigan niya.

"Hindi ba, crush mo 'yan? Sikat na sikat siya na writer ngayon sa Australia at kakauwi lang niya rito sa Pilipinas," sabi pa ng kaibigan niya sa kaniya habang kinikilig at sinasabunutan siya nito.

"Gagu, ang sakit ng sabunot mo. Punyeta ka!"

"Ay, sorry Bes! Kinikilig lang talaga ako today, ang tagal na nating hinintay 'to, HAHAHAHA!"

"Ikaw lang 'yon, hindi ko naman kilala 'yong tao, nagulat na nga lang ako na dinala mo na ako rito sa book signing na 'to at sumunod na lang ako sa 'yo kasi crush mo 'yong tao, hmp!" naiiritang sabi ni Mhikayy kay Glyzel but deep inside, kinikilig din siya pero 'di niya lang pinapahalata.

Ang dalawang magkaibigan ay nasa mall ngayon para sa book signing kay Nathaniel Harris. Maraming tao ngayon ang nakapila dahil gusto nila ng autograph at book signing, ngunit pagkarating nila sa pila at saktong-sakto na si Mhikayy na ang inuna ni Glyzel sa pila ay nabangga siya ng isang babae at sumingit ito sa pila ng magkaibigan at natumba silang dalawa.

"Nauna na ako rito!" sabi ni Claire, plastic friend ng magkaibigan na dati nilang kaklase noong high school pa silang dalawa.

"Kami ang nauna rito, kapal naman ng pagmumukha mong sumingit ka sa pila namin? Mahiya ka naman na ang tagal-tagal naming pumila rito sa book signing na 'to, tapos aagawin mo lang 'yong moment!" sabi ni Glyzel kay Claire.

"Gusto mo hampasin ko 'yong bunbunan mo ng tubo at 'yong utak mo gawin kong papaitan‽" sabi ni Mhikayy kay Claire.

"Gagu ka ha‽" sigaw ni Claire at nagsimula ito ng scandalo sa maraming tao at sinabunutan niya si Mhikayy.

"Huwag mong gaganyanin si Mhikayy!" sigaw naman ni Glyzel at sinabunutan niya rin si Claire.

"ARAY KO! ANO BA?" sabi ni Claire at nasaktan pa lalo ito ng sinabunutan na rin ito ni Mhikayy at Glyzel pinagtulungan nilang patumbahin si Claire sa lapag.

"ANO? TANG-INA KA! NAKAKAGIGIL KA, MATAGAL KA NG GANIYAN MULA PA SA SCHOOL, PATI BA NAMAN 'TO, AAGAWIN MO RIN‽" galit na sabi ni Glyzel kay Claire.

Marami na ang umawat sa kanila at nakita ito ni Nathaniel, kaya tumayo ito at lumapit sa tatlo.

"ANO? KAYA MO PA? IYAN, DESERVE MO 'YAN!" sabay na sabi nila Mhikayy at Glyzel.

"What in the world is going on in here?" sabi ni Nathaniel sa tatlong nag-aaway.

"Ay, hi po. Sila po kasi ang nauna," pabebeng sabi ni Claire na mas lalong nagalit sina Mhikayy at Glyzel.

"Ulol! Ikaw nga ang nauna, punyeta ka!" sabi ni Glyzel.

Nagsabunutan ulit silang tatlo at pinalayas sila ng guard sa loob ng Mall.

Pagkalabas nila...

"Iyan! Diyan kayo mag-away na tatlo!" galit na galit na sabi ng guard sa kanilang tatlo.

"You ruined my life! I gotta go, mga buwisit!" sabi ni Claire at umalis na nga ito ngayon sa harapan ng dalawang magkaibigan.

"Okay ka lang ba Bes?" tanong ni Glyzel kay Mhikayy.

"No, I'm not okay. Tahimik lang ako kanina, pero kilig na kilig ako kay Nathaniel pero sinira lang ng hampaslupang Claire na 'yon, kaya nasira ko ang araw mo Bes, ni hindi man lang tayo nakapag-selfie sa kaniya, hayss." nalulungkot na sabi ni Mhikayy kay Glyzel.

"It's not your fault, okay? I am. Hayaan mo na, sana makita ulit natin siya."

"Wala na Bes, kasalanan ko kaya nasira ang araw mo,"

'Di na kinaya ni Mhikayy ang bigat ng kaniyang nararamdaman ngayon, kaya umiyak na ito.

"Bakit ka umiiyak? Dapat ako, kasi naawa ako sa 'yo kanina dahil sinaktan ka ng Claire na 'yon,"

"Hindi naman 'yan ang punto ko. Ang punto ko is nasira ko ang bonding natin, nasira 'yong moment na nakita tayo ni Nathaniel, nakakahiya sa kaniya na ganoon agad ang pinakita nating ugali sa kaniya."

"I know at hindi mo 'yon kasalanan, okay? Sige na. Huwag ka nang umiyak diyan," sabi ni Glyzel at niyakap niya si Mhikayy.

"Salamat Bes, ha?"

"Walang anuman, by the way... anong pagkain gusto mo? Treat ko."

"Kahit street foods na lang Bes, or Takoyaki."

"Sige, Takoyaki na lang bilhin natin, basta wag ka ng sad, ha?"

"Oo Bes, salamat ulit."

Bumili si Glyzel ng Takoyaki para sa kaibigan niya at pareho silang kumain nito. Then after that, umuwi silang luhaan.

Pagka-uwi ni Mhikayy ay umakyat agad ito at pumunta sa kama at tuluyang tumulo na naman ang luha sa kaniyang mga mata.

"Pagkakataon ko nang makita si Nathaniel Harris sa Mall kanina, tapos ganoon pa ang mangyayari, nakakaiyak, hindi ko man lang siyang nilapitan, tang-inang guard kasi 'yan kanina, pinalabas kami ni Glyzel dahil sa hampaslupang Claire na 'yan!"

And then she posted on her Role Play Account (RPA) on Facebook, called Role Play World (RPW) and also sa real account niya.

"Nakita ko na siya kanina (Nathaniel Harris, I mentioned his name on my post) tapos pinalayas lang kami ng guard dahil sa kaaway namin ng BFF ko. Until now, iniyakan ko siya dahil hindi man lang kami nakapag-selfie kasama best friend ko." and then she posted on her social media accounts.

Marami ang nag-react ng posts niya, maraming nalungkot at marami rin ang nainggit dahil nakita ni Mhikayy ang famous professional writer na si Nathaniel Harris and also a content creator.

Mas nalungkot pa siya lalo nung nag-upload si Nathaniel ng post sa mga social media accounts nito na kasama niya ang mga fans niya sa book signing nitong kaninang tanghali lang at hindi si Mhikayy kasama rito lalo na si Glyzel.

"T-t-tang-i-ina! S-s-sana all naka-selfie si Nathaniel," sabi niya sa sarili niya habang umiiyak ito sa picture na nakita niya sa post.

And then she comment on his post.

"I like his smile earlier, very much kahit kami ang may kasalanan dahil sa nangyaring gulo kanina sa mall. I'm so sorry po my favourite writer, pasensiya na kung ganoon ang nangyari kanina. We're sorry especially my best friend Glyzel (I mentioned her), but you know what makes me cry? Nakita ka na namin pero wala tayong selfie na dalawa. Iyak ako nang iyak today, umuwi kaming dalawa na luhaan, pagkakataon na makikita ka namin at malapitan pero may pa-epal na umeksena sa amin kanina. Pero... okay lang, nakita ka naman namin, wala nga lang picture with you."

And then ang daming nag-react dito at nag-comment, maraming tao ang nalungkot at na-bash siya pero deadma lang sa mga bashers.

Until...

"I'm so sorry, I didn't know na kayo pala 'yon kanina na nasaktan dahil sa ginawa ng isa pang babae, pati sa guard pinalabas kayo. Ako na ang humihingi ng sorry sa nangyari, I'm sincerely sorry. Next time, you and your friend have a free books and signature with me. So let's DM (Direct Message) on my Instagram account." reply ni Nathaniel sa comment ni Mhikayy.

Nung nakita ni Mhikayy ang reply ni Nathaniel sa comment niya ay nawala ang pag-iyak nito. Napalitan ito ng saya at kilig at ang babaitang Mhikayy ay nagwawala sa kama ngayon at pagulong-gulong ito sa sobrang kilig. At sa sobrang kilig nito ay nalaglag ito sa kama niya. AYAN DESERVE, HAHAHAHAHAHA!

----------

Chapters 1-10: Uploaded soon on November 2024, stay tuned.

Nathaniel Harris: I'm Inlove With My Handsome Hot Gay FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon