“Magtiwala ka kay LORD nang buong puso, at wag kang umasa sa sarilin mong talino. Sa lahat ng gagawin mo, hayaan mo syang mag-lead sayo, at ituturo nya sayo ang dapat mong gawin.” – Proverbs 3:5-6
--
Chapter 10
Aynna
“Aww! You’re violent.”
Inirapan ko nang matindi si Julian at hindi nagawang magsorry sa kanya dahil doon. No’ng kunin ko ang tray at manginig ang mga tasang dala, saka nagsink-in sa isip ko na ang narinig kong boses kanina ay galing kay Anton.
That egotistical and demanding words from him. Kahit hindi ko narinig ang pagtawag ni Ruth sa kanya, malalaman ko rin agad. I just don’t have the capacity to ever forget about everything when it comes to him.
“Mabuti hindi mo binigay. Pero dahil may contact number si Ruth kay Julian, most probably, si Julian ang kakausapin niya.”
Hindi pa rin nila alam ang pagpunta ni Anton dito no’ng Linggo ng gabi. Ang alam nila, dahil nakita kami ng mag asawang Dylan at Ruth sa bahay ni Ma’am Evelyn kaya nakarating kay Anton na nakabalik na ako.
Ngayon, nagsisimula na siyang guluhin ang buhay ko.
“Sa tingin ko nga rin. Bagong bili ko pa lang itong number ko. Hindi ko pa masyadong nagagamit kaya sa inyo lang niya pwedeng mahingi ang contact ko.”
Tumikwas ang nguso si Liza.
“Nye. Nireregister na ngayon ang Sim bago ma-activate, Aynna. Hindi niya kami mauuto ni Julian kaya malamang sa malamang sa Telecommunication Agency ‘yan pupunta. Gagamitin ang lahat ng access niya para makuha ang number mo.” then she sighed at the evil thought. “Pero kung… deads na deads siyang pasakitan ka, dito na iyon pupunta. Face to face kayong dalawa. ‘Yun. Hindi na siya gano’n gagamit ng kapangyarihan,”
Hindi niya napapalakas ang loob ko. “Liza…”
She leaned forward and something in her mind playfully swung at me. She nodded once.
“Ibang kapangyarihan ang gagamitin nu’n sa ‘yo.”
Nagtinginan kaming dalawa. Hindi ko alam kung tugma ang iniisip niya sa iniisip ko. Pero hindi ko na rin inisip kasi kapag sinabi ko pa iyon, guguluhin niya lang lalo ang iniisip ko! Kaya wag ko nang isipin. Nakakagulo ng isip. Siya na lang mag-isip. Bahala na siya sa isip niya. Isip pa kasi nang isip.
“Kidding aside, malaking problema kapag hindi ka tinantanan nitong Ex mo. Palagi ka niyang pupuntahan. Tapos kung anu-anong teknik ang gagamitin niyan laban sa ‘yo. Eh, paano kapag nahuli niya si Xavier? Naku… malaking problema ‘yan, Aynna. Ang liit ng mundo ninyo.”
Nagbaba ako ng tingin na parang hindi ko kakayanin ang susunod pang sasabihin ni Liza. Gusto kong sabihin, araw-araw, iyan ang nasa utak ko. Hangga’t nasa Manila kami, palaging may posibilidad na mayroong makaalam kina Anton ng tungkol kay Xavier.
Pero pumasok din sa isip kong, wala na silang pakielam kung magkaanak man kami ni Anton. Kasi hindi naman nila ako gusto. At hindi gugustuhing magkaroon pa ng koneksyon sa bata. Napakarami pang babae na mas higit sa akin. Tiyak naman iyon.
Hindi ako galing sa mayamang pamilya. Dating Sexy Star ang Mama ko. Hindi sila kasal ni Papa Lauro at may half-sister ako. Kumpara sa kay Anton na buo ang pamilya. May sinasabi sa Lipunan. At puro mga kilala ang kapatid at pinsan, walang-wala ako para pag aksayahan nila ng panahon. Kahit nariyan pa si Xavier.
Sana nga ganoon. Para hindi mawala sa akin ang anak ko.
I didn’t answer Liza. I was tormented of that thought. Kailangan kong mapanindigan na hindi malaman ni Anton ang tungkol sa anak niya kahit na anong mangyari. That’s my goal.