Chapter 13

10K 875 286
                                    

“Anak, pag dinidisiplina ka ni LORD, tanggapin mo yun, wag sasama ang loob mo pag kino-correct ka nya. Kino-correct ni LORD ang mga mahal nya, gaya ng ginagawa ng isang tatay sa mahal nyang anak.” – Proverbs 3:11-12

--

Chapter 13 

Aynna 

Naapula naman ang apoy, hindi kailangang umabot sa ikatlong alarma. Iniimbestigahan na rin kung saan posibleng nagsimula ang sunog. The fire fighter who went inside the store initial findings was faulty electrical connection. Pero may sariling main switch ang kuryente sa tindahan, tulad ng gusto ni Lola Olimpia para hindi masyadong mabigat ang daloy ng kuryente. 

Sunog na sunog ang outlet na pinagsasaksakan ng refrigerator. They let me know of what it looked like inside. Kahit kita ko nang bahagya ang loob nito mula sa labas. Pero dahil kabado pa rin at hindi makapaniwala, hindi ako umaapak. Pero kailangan ko pa ring attend-an ang mga report nila at sagutin ang mga tanong. 

“Hindi niyo ba ito pinatinggan sa technician, Miss? Kung matagal na hindi nagamit ang kwartong ito, maaaring hindi niyo napansin kung nakagat ng daga o nabasa ang mga kable,” 

“Ako lang po ang naglinis d’yan. Wala akong nakitang ngat-ngat sa outlet at mga kable. Kaya… buong akala ko ay okay pa…” 

Kita ang pagkapagod, na dinagdagan ng disappointment ang leader ng mga bumberong rumesponde sa sunog. 

“Nako, dapat pinacheck niyo lahat bago nagbukas ng tindahan. Mabuti may nakapansin agad sa sunog. Kayo pa naman ang pinakamalapit dito. Kung hindi naagapan at tulog na tuloy kayo, pati bahay niyo damay. Tsk.” he wrote something on that mini notebook. Wala akong nagawa kundi ang tingnan ang nasunog na tindahan. 

Usok na lang ang lumalabas galing sa sunog. Basang basa ang paligid. Nang maapula, unti unti na ring nagsiuwian ang mga kapitbahay namin. Madaling araw pa lang. Kung tutuusin, masyado pang maaga para pagchismisan ang nangyari. Tinawag na rin ako ni Aling Corazon sa bahay. Kahit si Liza na buhat si Xavier ay pumasok na rin doon. Nagsisimula nang ligpitin ang mga hose, ang truck ng tubig pumuporma nang umalis. 

“Magpahinga ka na sa inyo, Aynna…” 

Ramdam kong may taong lumalapit at kinakausap ako. Sa sobrang kaba ko habang nasusunog ang tindahan, hindi ako makausap nang matino. Kaya nang marinig ulit ang pagsasalita sa gilid, saka ko lang napansin si Adrian. Na nakasuot pa ng uniform niya at sapatos. 

“Adrian…” I was disoriented that he’s with us.

Tinuro niya ang gate namin. “Magpahinga na kayo. Naapula na ang sunog. Tiniyak na nilang hindi na ito magsisindi. Pahinga ka na...” 

Bumuntonghininga ako. “Mayamaya na siguro… checheckin ko kung may maisasalba ako sa tindahan ko…” 

Pero ang tanging nagawa ko lang, pagmasdan ang natira. Umaagos pa ang putik na tubig galing sa loob papunta sa kalsada. Maswerteng walang nadamay na ibang bahay, at hindi rin ang sa amin. And I doubt kung may makukuha pa ako sa loob. Lalo na karamihan sa laman ng sari sari store ko ay pagkain. 

“I suggest, bukas mo na gawin. Pagod at puyat ka na. Ipagpabukas mo na lang.”

Umiling ako. “Hindi yata ako makakatulog nito… after this tragedy…” 

Sabi ng ilang kapitbahay ko, sayang at kawawa raw ako. Bagong bukas na negosyo, nasunog agad. Pinarinig pa nila, hindi bale nang manakawan, huwag lang masunugan. Which is for one moment, naisip kong sana nanakawan na lang kami. Kaysa ang masunugan. Dahil kung ganitong nauwi sa abo ang pinundar ko, hindi ko maisip kung paano at saan magsisimula. 

The Scandal Of Manila (De Silva #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon