“Tapos tatawagin nyo ako, pero di ako sasagot, hahanapin nyo akong mabuti, pero di nyo ako makikita. Kasi ayaw nyong maging marunong, pinili nyong wag sundin si LORD.” – Proverbs 1:28-29
--
Chapter 3
Aynna
Sinalinan ko ng tubig ang baso ni Kara. Nginitian ko siya nang matamis. Tinanong kung masarap ang ulam namin. Nilakasan ko ang electric fan at baka lamukin o mainitan. Kahit binuksan ko na ang bintana. Tapos ay aalog alog kami sa mesa.
Kumuha ako ng manga at nag slice. Pisngi ang kanya at sa akin ang buto. Ganoon na kami dati pa. Ayaw niya kasi nu’ng buto na parte. Nadudungisan siya dahil hindi sanay kumain no’n. But I sliced two mangoes and she only ate two cheeks. She’s on a diet ever since she entered showbiz.
“Ma’am Kara, Babalik na po ako sa sasakyan.”
Nagpaalam si Kuya Gregor sa kapatid ko habang naghuhugas ako ng pinggan. Pinasabay ko siya sa pagkain ng tanghalian namin. Noong una, ayaw niya. Palagay ko nahihiya. Pero napilit ko. Magkakasabay kaming lahat sa munting salu-salo.
“Go ahead, kuya Gregor.”
Hindi na sumagot si Kuya Gregor. Magaan ang mga paa siyang lumabas ng kusina. I continued washing the dishes and suddenly, I heard something click. It’s just a small sound. Almost so sleek. Na-curious ako kay Kara. Binaba niya ang kulay gintong lighter sa mesa, sa tabi ng kulay gintong metal na hugis parisukat. Umakyat ang paningin ko sa mukha niya. Nakatayo siya at halukipkip. Pinatay ko ang gripo at umawang ang labi ko.
“Naninigarilyo ka na pala ngayon, Kara?”
Nakuryoso ako kung kailan nagsimula. Mabilis ding pumasok sa isip kong, baka noon pa. Kasabay noong umamin siyang na-addict sa drugs. Kung saan kasama niya ang ka-loveteam na si Allen.
She jumped a bit. Her lips quivered and took the stick away from it. Like as if, she avoided to swallow that thing. Nag-sway nang kaunti ang sigarilyo nang bigla siyang bumaling sa sala. Sinundan ko ng tingin. Naroon sina Aling Corazon at Xavier. Nanonood ng TV. Lumayo si Kara sa may mesa at lumapit sa pwesto ko.
She nodded a bit. Pero nasa mukhang naguilty din.
“I started probably… six or seven years ago… Hindi naman palagi, ate. Pero… hinahanap hanap kasi ng panlasa ko.”
Umawang ang labi ko habang tinitigan ko siya. I’m not against about it. Pero maaga siyang nagsimulang manigarilyo. Twenty-five pa lang siya ngayon. Dalawang ang taon ang agwat namin pero hindi ako natutong humawak no’n kahit kailan. And during our teen days, bantay-sarado siya ni Mama. Alam kong wala pa siyang bisyo noon. Nagkaroon lang nang lumawak ang kanyang mundo.
I turned on the faucet again and washed the plate. “Nahihirapan kang mag-quit ng sigarilyo?”
Sinandal niya ang puwitan sa edge ng lababo sa tabi ko. Sinuksok ang sigarilyo sa pagitan ng mga labi. Ginilid ko ang mata para pasimple siyang panoorin. Ito ang unang beses na makikita siyang maninigarilyo. Isang pagkakataon ito na makilala marahil ang kapatid ko na hindi pa niya napapakita sa akin dati. Nagbaga ang may sinding stick sa ulo. Tapos nilayo niya. Bahagyang tumingala at saka binuga ang kulay puting usok.
Naiwan ang paningin niya sa taas ng ere. Pinapanood ang paglayo, pagkawatak watak at paglaho ng usok sa hindi malamang dimension.
“You can say that. Parang si Mama, ‘di ba? Hirap ding tumigil sa pagyosi. Kaya niya isang kaha isang araw noon. Tapos ngayon, she’s collecting juices for her vape.”
Hindi ko gusto ko iyon. May ilang beses kong pinaalalahan si Mama na bawasan ang bisyo niya.
“Pero bakit ikaw, ate Aynna? Never kang tumikim ng sigarilyo?”