Chapter 9

14K 901 396
                                    

“Wag mong hayaang mawala sayo ang pagmamahal at katapatan, gawin mo yung parang kwintas, ilagay mo sa puso mo, at magiging maganda ang pagtanggap sayo ng Diyos at ng mga tao.” – Proverbs 3:3-4

--

Chapter 9 

Aynna 

His fluidly walked around and opened the door of the driver’s seat. He’s wearing an all-black outfit dramatically. May suit at inner shirt na pareho ang kulay. Para akong inaya ng isang agent na sumakay sa kanyang sasakyan dahil may palpak akong ginawa at kailangan akong patawan ng parusa. He hopped in and drew a very heavy sigh. I didn’t look at him. I stopped myself. Pero pailalim kong dinungaw ang bintana ng kwarto ko pati ang naiwang bukas na gate ng bahay ni Lola Olimpia. I’m carefully muttering a prayer that Liza won’t dare to check out what’s happening here. Sana makalimutan niyang nandito pa ako. Sana nakatulog na siya. 

Pabalang na sinarado ni Anton ang kanyang pintuan kaya napapikit ulit ako. Ang mundo ko ay tila nayanig sa sinosolo nitong kalawakan. Hindi ako makakilos o hinga nang maayos. Nang pareho na kaming nasa loob ng sasakyan, binuhay niya ang makina. Bumukas ang air-con. I almost jumped up and looked outside. 

Aalis ba kami?

I looked at him. Nakahawak siya sa manibela at ang paningin ay nasa harapan. Para bang anumang oras, bigla niyang papaandarin ang sasakyan kapag nabwisit siya. 

Pero hindi siya naka-seatbelt kaya… medyo napanatag ako… kaunti. He stayed deeply quite while staring at the narrowed road in front of us. May nakaparadang tricycle sa harapan ng pinagparadahan niya. Ang bukas na tindahan ay nasa pangatlong bahay mula sa amin. Walang tao roon nang makita ko kanina pero bukas pa ang ilaw kaya alam kong may mga kakaunting tao pa sa paligid. I won’t ask for a help if… it will not be needed. Kaya ko pa ring makontrol ang sarili at kung uubra… pwede ko ring makontrol si Anton. 

I stared at him in silence. Hindi niya ako nililingon na parang hindi niya ako pinasakay kanina lang. His fists are tightening on the steering wheel. Bumabakat ang ugat sa kamao niya. Kapag mas lalong dumidiin ang hawak niya, mas lalong kumakapal ito. I wanted to wince but I only firmly closed my lips. I don’t want to cause any reaction that will surely let him to react.

Inakyat ko ang paningin sa kanyang leeg. Naalala ko ang gabing sinabihan ko siyang mukhang siyang anak ng Mafia Boss dahil sa palagi niyang suot na silver necklace. Hindi niya sinasabi kung bakit palagi niyang suot iyon pero naisip ko na baka wala lang. Style lang niya at walang masama roon. But my curiosity would sometimes cause me to say something unfavorable for him. He didn’t answer that. But he gave me chance to ask him change his style. I didn’t. 

Suot niya pa rin iyon. Without the pendant that I gave him. That silver necklace would live with him until he gets old and buried. 

I gulped the invisible rocks in my throat and my stomach started to get hurt. Pagdapo ng mata ko sa kanyang mukha, parang siya pa rin ang dating Anton de Silva na… madaling pangitiin, madaling patawanin at maloko. Friendly sa kanyang mga employee. Matatag at matalino sa trabaho. The looks are still the same. But something I know for sure has changed. 

May mga stubble na siyang pinapatubo sa panga niya. Mayroon ngayon. Ang dark ng bahagi ng mukha niyang iyon at dahil wala akong makitang signs ng buhay sa kanya, mas nagmukha siyang nakakatakot na nilalang. Isa sa mga gusto kong parte niya ang manipis niyang labi. That looks so delicate despite the fact that it could do wonders. Tumatama palagi sa mukha ko ang tungki ng ilong niya. Ngingisi siya bago itutuloy ang gagawin sa akin. Hindi ako iniiwan ng mata niya kapag magkasama kami. Alam niya ang kilos ko pati galaw na kahit maliit lang. Parang trabaho niyang isaulo ang buong katawan ko. His hair is short and groomed properly. Wala akong makitang strand na kumakaway sa noo niya. 

The Scandal Of Manila (De Silva #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon