Chapter 5

8.4K 689 139
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


“Pero mabubuhay nang panatag ang nakikinig sa akin, hindi siya magwo-worry, di matatakot anuman ang mangyari.” – Proverbs 1:33

--

Chapter 5 

Aynna

Parang kahapon lang ako umalis at hindi inabot ng tatlong taon bago ko ulit nakita ang mga kaibigan kong sina Julian at Liza. Pinuntahan nila ako agad kinabukasan. Umiyak si Liza. Humingi ng sorry pero dala siguro ng nararamdaman kaya ganoon ang sinasambit niya. She looked fine. Mabuti naman. Kung sa kanila nabaling ang galit ni Anton na para sa akin, hindi ko mapapatawad ang sarili sa pag alis ng Pilipinas.

“Alalang-alala ako sa ‘yo noon, alam mo ba ‘yon, ha? Hindi ako nakakatulog, Aynna!” 

May kaunting pait akong nararamdaman sa boses ni Liza. Her long hair is now cut down to her shoulder. She’s still pretty and curvy. Tulad ko, sa tiatro ang hilig niya. Doon na kami nagkakilala. Ilang taon na rin ang pagkakaibigan namin.

Si Julian ay kaibigan ko na since high school. Actually, hindi ko rin alam kung paanong nag click kaming dalawa. Tahimik siya saka ito ang tipong napakatalino sa lahat ng subject. Dahil naman sa kanya kaya pinagbutihan ko ang pag aaral. Hanggang sa nagpapaturo ako sa kanya sa mga hindi ko alam at sabay na kaming pumupunta sa library. Nagkahiwalay kami noong college pero hindi pinutol ang contact sa isa’t isa. Pinakilala ko siya kay Liza then we just clicked all together. 

“Pasensya na, Liza. Hindi ako pinayagan ni Papa na magkacellphone. Baka raw… makatunog si Anton…” 

I hugged her and calmed her down. Itong si Julian ay nakatayo sa may pinto at nakapamulsa. Kanina pa niya pinapanood sa paglalaro ang anak ko. Bago ko sila pinapasok ng bahay, sinabi ko muna kung sino ang madadatnan nila sa sala. Okay lang daw kahit sinong tao ang naroon basta wag lang si Anton de Silva. 

Well… hindi nga si Anton pero anak namin. Pagkarinig ni Liza kay Xavier, parang hihimatayin. 

“I know. I fully understand your situation. Pero sana man lang kahit letter nagpadala ka. O kaya i-email mo ako para safe. Luma pa rin naman ang gamit ko. Dapat nag renta ka ng computer shop doon sa Australia o nanghiram kaya ng phone ng kapitbahay niyo. Kahit isang beses lang, oh.” 

“Liza…”

“That would be a crazy attempt, Liza. Kung technology din lang, madaling mapapasok ‘yan ng may pera.”

Binigyan ni Liza ng matalim na baling si Julian sa may pintuan. “At paano naman, aber?”

“It could be traced. What if, nakamonitor sa mga accounts natin ang galamay ng de Silva’ng ‘yon? Isang click lang ni Aynna, madetect agad ang location niya? It would be risky for her. Mabuti nang hindi niya tayo kinontak. Kung hindi…” 

Umawang ang labi ni Liza nang hindi inaalis ang mata kay Julian. Julian didn’t continue what he is trying to say. Humugot ito ng malalim na hangin. Ibinalik kay Xavier ang paningin. Pero sinulyapan niya ulit si Liza tapos ay nagkibit ng balikat. 

The Scandal Of Manila (De Silva #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon