“Wag mong isiping marami ka nang alam, sundin mo si LORD, at lumayo ka sa masama. Pag ginawa mo yun, magiging healthy ang katawan mo, at lalakas ang iyong mga buto.” – Proverbs 3:7-8
--
Chapter 11
Aynna
That’s how he trapped me.
“Fasten your seatbelt.” Utos niya.
Hindi ako kumilos. Bukas ang makina ng sasakyan. Pwede akong magsisigaw pero useless lang dahil walang makakarinig. Sa tabi ko, may nilagay siyang kung anong bagay. Iniwas ko ang ulo na madikit sa kanya. Kaunting kilos niya, kumukudlit ang kaba sa dibdib ko sa alaala no’ng huli kaming nagkita. I stayed still. Kung anuman ang nasa isip niya, hindi ko susundin kung labag sa sarili ko.
He sighed with exasperation. He didn’t buckle up so why am I going to do that? Not unless… may gagawin pa siyang iba?
“You’re not going to obey me, huh? Do you think… you can fool me around this time, Aynna?” he lazily said.
“Sabihin mo ang dapat mong sabihin para matapos na ‘to!” I snapped.
He tilted his precious head and followed with a chuckle. Bahagya ko siyang nilingon. Kinagat niya ang basang labi habang pinapanood ang mukha ko. I do feel like he’s a demon who’s nothing to do but to hurt and make me crawl like a beggar in front of him. Inalis ko ang paningin at taimtim na nanalanging sana ay makababa na ako. At umalis na siya.
“Paano mo nasabing matatapos ‘to? Kung nagsisimula pa lang ako.”
In my peripheral vision, he comfortably checked me out. I am poorly sitting on the stuffed passenger seat with the plastic bag that contains the food from Adrian’s party. Nakaupo sa kandungan ko na pinaibabawan ng mga kamay ko. Kumakalat sa loob ng sasakyan niya ang halimuyak ng lechon na pinabaon.
Tinanggal niya ang kamay ko para makita ang laman ng plastic. Inangat niya ang isa ang isang container. Nakasunod lang ang mata ko sa ginagawa niyang pagcheck. He tsked and put it back on my lap. Tinaas niya bigla ang buong plastic bag at sinilip ang nasa ilalim nito. Ang kandungan ko.
“Ano ba!” I slapped his hand. Hinila niya ang hem ng skirt ko.
Nilayo niya ang kamay. Pero matalim niya akong tinapunan ng tingin. Then, he sat properly and looked at the windshield.
“Saan kayo galing ni Liza?”
I scoffed. “Pumunta ka lang dito para tanungin ako niyan?”
Lumingon siya sa bintana niya. Nakita ko kung paanong mahigpit na umigting ang kanyang panga. Parang nagpipigil na manigaw o magalit. Hindi ko alam kung tama ang iniisip ko. At bakit naman kung ganoon nga?
Nagkaloob ako ng lakas na pagtawanan at inisin ang katwirang iyon.
“Nag aksaya ka pa ng oras mo para alamin kung saan ako nagpupunta kung pwede mo namang iutos na bantayan ang bawat galaw ko? Bakit? Ganito ba ako kaespeyal para sadyain mo?”
He angrily looked back at me. Napaatras ako sa bigla niyang lapit. Para siyang ipo ipo na galit na galit pati sa kilos. Walang galang niyang hinablot ang siko ko. Suminghap ako pero tinapatan ko ng tapang ang nag aapoy niyang mata.
“Bumubuntot ka pa rin talaga sa akin, Anton. Nagagalit ka pero ang totoo’y interisadong interisado ka pa rin sa akin,”
Ngumisi ako. Tinitigan ko ang lagablab ng kanyang mga mata. Dumiin ang hawak niya braso ko. Parang pinipitpit at sinisigurong tatagos ang kamay niya sa balat ko hanggang buto. The muscle on his face moved slightly. Indicating how loathingly wanted to strip my soul into tiny pieces so he could crush me finally.