Chapter 14

13.5K 920 458
                                    

“Masaya ang taong nakahanap ng karunungan at nagkaroon ng pang-unawa. Mas may pakinabang pa yun kaysa sa silver, mas mahalaga pa kaysa sa gold.” – Proverbs 3:13-14

--

Chapter 14 

Aynna 

Nanlambot ang mga tuhod ko. Nang hapitin ni Anton ang baywang ko, tuluyan akong bumagsak. I felt like he didn’t want to stop the kiss, but my knees turned jelly and I couldn’t continue serving his lips. 

“You’re trembling…” he murmured. 

Nagawa kong tumango, kahit kitang kita ang pagbagsak ko. 

“Masakit ang hita ko,” turo ko sa salarin. Pero ang totoo’y nalulunod ako sa kanyang presensya at mga halik. 

“I’m taking you with me,” 

“Huh?” 

Pinaikutan ko ng tingin ang iilang taong nasa lobby ng motel. Oo. Hindi ito kagandahan at malayong malayo sa paborito niyang tambayan sa Manila Palace Hotel, pero sa katulad kong naghihikahos, malaking tulong na ang may bubong na masisilungan. 

Mabagal akong umiling. Hindi niya nakita. Hinapit niya akong lalo, at hinila patungo sa entrance door ng motel. 

“Teka lang, Anton!” I protested. 

He kept on walking and actually, it may look like he was dragging me out of here. Walang nagagawa ang iilang staff na nakatingin lang. Hindi sa may katungkulan silang pakielaman kami, pero atleast, maalarma naman dahil baka dinudukot na ako nang hindi sila aware? 

Pinansin ako ni Anton, niyuko para mabasa ko ang itsura ng kanyang mukha. 

“Anton kasi…” I started to point my finger at the stairs, kung saan ako bumaba. 

Umigting ang panga niya. “Hindi ako papayag na dito ka magpalipas ng gabi, Aynna. Sa akin ka matutulog.” 

“Pero sandali lang kasi!” I wiggled and triumphally got my body away from him. “Hindi pwede, Anton!” umusod ako palayo. 

“Do you want to fight over this, than to go with me, huh?” pinasadahan niya ang suot ko. 

Bigla akong nakaramdam ng panliliit. Naningkit ang mga mata niya sa nakalabas kong binti. Nang magtagal, saka ko napagtanto ang sinuot kong damit. Isang kulay puting t shirt, galing sa kapitbahay naming nagmagandang loob na bigyan kami ng damit. Hindi ako ang namili nito. Nasunugan ako kaya hindi ko na naisip kung angkop ba o masagwa ang susuotin ko ngayon. 

But what I am wearing is a huge white t shirt, na may brand name sa tapat ng dibdib ko. Umabot sa siko ang manggas at ang haba ay sumakto sa mga tuhod ko. Parang American size kung tutuusin. Hindi naman masagwang tingnan sa akin. Pero sobrang laki at aakalaing wala akong suot na shorts!

Nagtagis ang bagang niya. Halatang, hindi siya pabor sa itsura ko. 

“Kunin mo ang natitira mong gamit sa kwarto, Aynna. At sasama ka sa akin, sa ayaw at sa gusto mo!”

I shifted on my feet, nervously. I almost wanted to throw tantrum at him but I let it go and tiredly looked at his angry eyes. 

“H-hindi ako pwedeng sumama… may mga kasama ako sa taas…”

Tinitigan niya ako. Parang lalong sasabog sa galit ang mukha niya pagkarinig no’n. 

“Si Aling Corazon? Isama mo siya! Problema ba ‘yon!”

Oh my god. Ramdam kong wala akong kawala sa gusto niyang mangyari. Nasa gitna kami ng maliit na lobby ng motel. Tahimik, pero sa komprontasyon namin ni Anton, nagiging eksena na ito sa TV. I do want to talk with him, but it should be not on the spotlight. Hindi ganitong pinag aawayan namin ang pagsundo sa akin. 

The Scandal Of Manila (De Silva #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon