“Karunungan ang ginamit ni LORD nung crineate nya ang mundo, sa kanyang talino, nilagay nya ang langit sa pwesto nito. Dahil sa kanyang karunungan, umagos ang mga ilog, at mula sa mga ulap, pumatak ang ulan sa mundo.” – Proverbs 3:19-20
--
Chapter 15
Aynna
Naligo ako, pagkaalis ni Anton. Lihim akong nagpasalamat dahil hindi siya nagpaiwan sa bahay. Mayroon pang ibang kwarto kung may balak siya. Pero sa tingin niyo pipiliin niya iyon? S’yempre at malamang—hindi! He would insist to sleep in the same room he chose for me, too! Kaya master bedroom ang inutos niyang tulugan ko, kasi may king size bed, sariling banyo at pwedeng mag tumbling sa loob. Higit sa lahat, pwede siya.
Okay na rin na umalis. Kasi hindi ko makakatabi ang anak ko kung narito rin siya.
He also bought additional supplies. Hindi niya ako sinama kahit sinabi kong may bibilhin din ako. Tulad ng underwear at mga damit, gatas at diaper for Xavier. Pero hindi ko iyon pinunto. Sinabi ko lang na may importanteng bibilhin. Tumanggi siya. Ibigay ko na lang daw ang listahan, at siya na ang bahala.
Hindi ko binigyan. Umalis siya mag isa. I didn’t insist. Pwedeng ako, o kami ni Liza ang lumakad bukas. But he bought a lot of supplies. Pwedeng magtagal ng mga two weeks.
The next day, I was bombarded of calls and texts from Julian and Kara. Oo nga pala. Hindi pa alam ng kapatid ko ang nangyari. Sa sobrang pagka-shock ko sa nangyaring sunog, na magkasunod, I totally neglected to inform her. Ganoon din si Mama.
“Ha? Bakit ka pumayag na sumama kay Anton? Baka patibong ‘yan!” gulat na reaksyon ni Julian.
I needed to calm down first. Nasa kusina kaming lahat. Hindi pa tapos ayusin mula kagabi ang supplies na binili ni Anton. Pagbalik ko sa pantry, umaapaw na ang stocks. Malalaking packs at puro mamahalin ang inuwi ni Anton dito. Binuksan ni Liza ang double door fridge, halos ganoon din ang itsura. Dean also provided beforehand. Pero dahil apat kami makikituloy dito, nagdagdag pa si Anton.
“This is just for the meantime, Julian. At saka, hindi ‘yun aalis ng motel, kapag hindi kami sumama. Magugulo lang lalo…” I said. But I am also troubled with my decision.
“I know, Aynna. Pero ang sabi ko kahapon, hahanapan ko kayo ng apartment. Oh? Hindi mo ‘yun binanggit sa kanya?”
I sighed. “Sinabi ko. Kaso… sa tingin ko, mas practical ngayon na tanggapin ko ang suhestyon ni Anton. Bukod sa mas maayos itong bahay ng Lolo niya, makakatipid din ako. I used a large sum of my savings for my store…”
“Okay. But Aynna, you know that I am willing to lend you, right? Tinanggihan mo lang kagabi. And how about Xavier? Nakita na niya?”
“Oo…”
“Did he ask who is the father?”
Umiling ako. Dahil naka loud speaker ang tawag, naririnig din iyon nina Aling Corazon at Aynna.
“No. Ang alam niya si Liza ang Mommy ni Xavier,”
“What the hell?!”
Binalingan ni Liza ang cellphone, at namaywang. “Do you have any objection, Julian?”
Humalakhak si Julian. Nawala na ang pag aalala nito sa tono.
“Are you serious, Liza? Hindi ka kinabahan?”
“For your information, I am a theater actress! I played ‘Gigi’ in Miss Saigon in our school and I can even act without trembling, ‘no! Sisiw na sisiw lang sa akin ang magpanggap na mommy ni Xavier! E, napagbintangan ka pa ngang daddy niya, nu’ng kapitbahay ni Aynna!”