Chapter 6

8K 634 137
                                    

“Makinig ka sa mga salitang may karunungan, at buong puso mo yong intindihin. Humingi ka ng talino, at magmakaawa ka na makaintindi ka. Hanapin mo yun na parang silver ang hinahanap mo, o parang treasure na nakatago. Pag ginawa mo yun, maiintindihan mo kung paano matakot kay LORD, at makikilala mo ang Diyos.” – Proverbs 2:2-5

--

Chapter 6 

Aynna 

Nag-set agad ng meeting si Julian para aming apat. Pero dahil limited ang pwede kong galawan at hindi rin basta bastang ilabas si Kara, nagdesisyon kaming pare-pareho na dito sa bahay na lang ni Lola Olimpia. Kung aalis ako at matagal ang pag-uusap, maiiwan ko lang sa bahay si Xavier kasama si Aling Corazon. Isa pa, hindi kumportable si Kara kapag nasa pampublikong lugar. Sabihin pang private room sa restaurant o bahay nina Liza, hindi siya makakampante nang basta basta. Sa nakikita akong estado ng kanyang isipan, hindi iyon uubra. 

Masinsinan ko munang kinausap si Julian tungkol dito. Hindi sa ayaw kong mahanap ang lalaking iyon kundi nag-aalala ako para kay Kara. 

“Aynna, this is for your sister’s peace of mind too. Maaaring makatulong ang pagresolba ng kaso niya para bumalik sa normal ang buhay niya,”

“That’s impossible. Hindi ganoon kadali ‘yan.”

“Hindi na nga natin mababago ang pinagdaanan niya pero magagawa nating tapusin ang paghihirap niya. May mga kilala akong tao na pwede nating mahingan ng detalye. Hindi man gano’n kaimpluwensya, atleast, kahit paano makakatulong. Let’s just hope… na nandito pa sa Pilipinas ang hayup na iyon nang mabulok siya sa impyerno.” 

Sandali akong natigilan sa nakita kong puyos ng galit sa mga mata ni Julian. His Adam’s apple moved a bit and his lips firmly closed. Aware ako sa kanyang passion at dedikasyon sa kanyang propesyon pero nang makita ko ang ganito niyang itsura nang malapitan, ito siguro ang pakiramdam na literal kong masaksihan  si Julian Chavez na Journalist at handang sumabak sa kahit anong laban. Walang sinisino. Basta may kasalanan, hahanapin niya hanggang sa macorner niya ito. 

Siya ang klase ng lalaking handang tumulong sa mga kaibigan lalo na kung naagrabyado. Kaya nga nang humingi ako ng tulong para mapabalik si Anton sa kulungan, hindi nagdalawang isip itong si Julian. It would taint his name but he didn’t care. Hindi rin dahil rookie pa siyang matatawag three years ago kundi nakatatak na sa dugo niyang ganito ang pinangako niya sa kanyang napiling trabaho. Siya ang taong hindi umaatras sa gyera. But his weapons are thread of words. 

“Our society is fucked up, Aynna. Pero hindi natin kailangang lumaban ng patayan kung pwede naman tayong lumaban gamit ang salita. I’m not Dr. Jose Rizal but I must say his style is way better in this ruined world. We’re in a generation where people’s mind is funded by physical beauty and monetary value. Sadly, it’s getting worse and it will be there until the end of times.” His last words before they went home. 

Nag iwan ng bagong point of view sa akin si Julian. Kahit sa palagay ko iniingatan ko lang si Kara at naniniwala pa rin akong magagawa ng batas na mabigyan siya ng hustisya, pero paano ang nagpapatupad ng batas. Kinuwestyon niya ang kakayahan at kapangyarihan na mayroon kami. Naiinip lang ba siya o sadyang batid niyang may lihim na kalakaran sa loob no’n na siyang dahilan para ma-deny nito ang kapatid ko? 

I am not perfect too. Nagkasala rin ako at namintang na ang tanging nasa kamay ay ang salita rin ni Kara. It fueled me to take revenge and hurt someone. My emotion overrides my rational thoughts and did irrational things. In the end, I did horrible act. An act that I will never forget even if forgiveness will be given to me. 

“Tao ka lang. Nadadala ng emosyon…” 

Salita ni Lola Olimpia ang baon ko no’ng araw na umalis ako. Hindi ako kinakausap ni Mama. Hinayaan niya akong umalis kasi nagdala ako ng kahihiyan sa pamilya. Pilit akong pinapaalalahanan ni Lola Olimpia na ang ginawa kong panloloko kay Anton ay dala ng pagmamahal ko sa kapatid ko. Nagalit ako kay Kara pero panandalian lang. Kaya pagkarating ko kina Papa Lauro sa Australia, mag-isa kong iniyak ang kasalanan. 

The Scandal Of Manila (De Silva #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon