Chapter 1: Confession

76 1 1
                                    

Kasama ko nga pala ngayon ung kaibigan ko, si Brix. Wala pa ding pinagbago. Maloko pa din, mahilig mang-asar, masayahin, at hanggang ngayon.. MANHID PA DIN SYA. 

Ang tanga-tanga nya, hanggang ngayon hindi pa din ba nya maramdaman!? Kulang nalang ako pa manligaw eh, para maramdaman nya na mahal ko sya. SOBRA.

Nandito kami ngayon sa school. Bored na bored kami pareho. HAHAHAHA eh kasi naman eh.

"Pst! Nami. Cut tayo, please?"

"Sige. Hintayin mo 'ko dun sa dati."

Tamad na tamad nga kasi kami diba? Hindi ko naman sya matanggihan. Kasi gusto ko din namang nakakasama sya, LAGI. Edi ayun, kunyari pupunta lang akong clinic. Pero hindi, dun ako nagpunta sa tambayan namin. Sa likod ng school. Haha. Buti nalang close ko tong si Manong Guard eh. Sabi ko nahihilo ako, edi ayun. 

Pagkadating ko dun, as usual. Tulog ang loko, tumabi muna ko sakanya. Tinitignan ko sya habang natutulog. Ang amo ng mukha nya, ang kinis. Parang babae eh, kung ano ung kinabait ng mukha nya, un naman ung kina-kulit ng ugali sya. Kaya nga ko na-inlove dito eh.

"HOY NAMI! Pinagpapantasyahan mo nanaman ang aking gwapong mukha ha. Lika nga dito." tapos bigla nya kong yinakap. >////< Gahd. Wag kang ganyan brix! Baka lalo ko netong mapamahal sayo eh. :( 

"Nami. May mahal ka ba ngayon?"

"Meron. Eh ikaw?"

"Meron din! Hahaha. Tulungan mo naman ako sakanya oh? Please." Aw ha. Parang biglang kumirot ung puso ko dun. Sakin ka pa nagpatulong? Bat mo ba ko sinasaktan ng ganto? Ano bang ginawa ko? Minamahal lang naman kita. Paki-sabi naman kung mali ung ginagawa ko.

"Sure. Sino ba?"

"Si Cathy! Ung maganda sa sophomore. Ung matalino."

Cathy? Bagay sakanya ung pangalan nya. Ma-cathy. :( Huhu. Ang bitter ko, dapat lang. Mahal ko eh, kesa naman plastikin ko ung sarili ko na natutuwa ako? Pero kailangan eh, baka mahalata ako netong kaibigan ko.

"Osige ba. Ano ba plano?" Kahit labag to sa loob ko, kailangan kong gawin. Para naman matuwa sakin si Brix, kahit na ung ikakasaya nya eh dahil sa taong mahal nya okay lang sakin. Mas okay sana kung dahil sakin kaya sya masaya eh, kung ako lang sana ung mahal nya..

Ayun, nagkwento sya sakin.. ah so close pala sila? Natutuwa daw sya twing iinisin nya si Cathy. Kaya daw sya nainlove, kasi ang pikon. Ang cute daw nung babaeng un pag napipikon. NAKAKAASAR! Alam nyo un? Ung habang kausap mo ung taong mahal mo eh ung pinaguusapan nyo ung taong mahal nya? Ang sakit lang, sobra..

"Bakit hindi nalang ako? Mahal naman kita eh. Sobra. Mag-eeffort ako brix, mahalin mo lang ako. Promise.. basta wag mo lang ako papaasahin." At ayan, ung mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tumulo na, hindi ko alam bat ako nagkakaganto. Oo ayos lang na makita nya 'ko ng ganto, na mahina. Eh ganun naman talaga ko eh. Nag-confess na nga ko eh, mahihiya pa ba kong umiyak sa harapan nya?

"Namnam, alam mo naman na mahal kita diba? Pero as a closefriend. Nami, alam mo? Ikaw ung pinakaclose ko sa lahat. Hindi kita kayang saktan, kaya mas mabuti pa kung bestfriend nalang tayo.. dba?" tapos ngumiti sya ng napaka-lapad. Habang pinupunasan nya ung mga luha ko. Grabe ang sakit, ganun kasakit mareject.

"Hahahaha. Oo sige. Ayos lang 'no, bat kasi umasa pa ko. HAHAHAHAHA" Tumatawa nalang ako, kahit ang sakit sakit na..

"Namnam, wag ka namang ganyan. Nasasaktan ako sa ginagawa mo. Please? Ayokong nakikita kang ganyan eh." 

Nasasaktan ka? Ikaw nga tong nananakit sakin eh. Bakit ba kasi ang unfair!? Ako tong palaging nandito sa tabi nya, pero bakit ganun? Ni-minsan hindi nya ko napansin.. hindi nya ko minahal. Oo siguro minahal nya ko, pero tangina! BILANG KAIBIGAN!

Tumakbo nlang ako palayo, ayoko na. Ang sakit sobra. Bakit ba kasi ngayon ko lng sinabi!? Ngayon naunahan pa ko ng babaeng un! Eh kakakilala lang naman nila last month! Palagi nalang ako ung nasasaktan. Nakakapagod, pero hintay ka lang. Magpapahinga lang ako, ill make sure na sasaya din TAYO bestfriend.

 Tama na ung drama drama na yan leche. =______= Nakakairita na. Andito na ko sa bahay. Napansin siguro ni Mama na namamaga ung mata ko. Dirediretso lang ako sa kwarto ko. Matutulog na nga lang ako, masyado nang pagod ung katawan ko eh, lalo na ung puso ko..

Bestfriend lang? [KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon