-Fifty Five-

16.6K 379 46
                                    




As requested bebe. Thank you for the love <3


*


[Revised Chapter]


-Keisha's POV-

Halos tumatakbo na ko papuntang Parking lot. Hindi ko na lang pinapansin ang iilang tao na nakatingin saken. Hindi ko na din namalayan kung san ba pumunta sila Jj. Basta, after mag-end yung call umalis na ko kaagad. Sobrang nag-aalala na ko kasi halos hindi na makapagsalita si Best sa phone kanina.

I've seen her cry since childhood but this one is the worst. Hindi ko pa man sya nakikita, ramdam kong hindi talaga sya okay. Letse ka Aguilar!

Naguguluhan talaga ako sa nangyayare. Best called me this early para itanong ang phone number si Spence na aalis na pala ngayon without saying anything na kahit na best friend nyang si Jasper hindi nito sinabihan. Tapos, kasama ni Kurt si Best dito sa airport para lang mahabol si Spence. Ugh! Teka, Why would he do that? Nababaliw na ba sya? Hindi ko talaga maintindihan si Lazaro.

Nang makarating ako sa parking lot, magpapanic pa sana ako kasi hindi ko man lang naisip itanong kung san part ng parking lot sya andun. Mabute na lang at iilang minuto pa lang ng paghahanap, nakita ko na sya. Di ko na kinailangan ilabas pa ang phone ko para tawagan sya. Nakaupo sya sa gilid ng maliit na puno, na sa unang tingin, aakalain mong naka-upo sya sa kalsada. Mababa lang kasi yung hallowblocks sa paligid ng puno.


"Best!" tawag ko sa kanya habang patakbo ko syang nilapitan. Agad ko naman nakuha ang attensyon nya at halos maiyak na din ako nung makita ko ang mukha nya.


I can't help but cuss inside my head.


"Best..." nanghihinang sabi nya saken habang tumatayo para harapin ako. Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita dahil niyakap ko sya kaagad. Agad kong naramdaman ang pagyakap nya pabalik at ang paghikbi nya. Sinisinok na din sya at taas baba na ang balikat nya.


"Best.. si Spence..." halos hindi ko sya maintindihan.


Gusto kong sabihin na nakita ko ang magaling na lalaking yun sa departure area kanina kasama ang isang katerbang body guards at mukhang aalis na pero feeling ko mas ikakasama lang ng loob ni Best yun.


"Best... tahan na." sabi ko na lang habang hinahagod ang likod nya.


"Iniwan na nya ko Best." She said, almost whispering. "Iniwan na talaga ako ni Spence."


Hearing that made me hate Spence even more. Gusto ko syang hilahin mula dun sa eroplano para itapon sya sa dagat. Wala syang karapatan na paiyakin ang best friend ko ng ganito. Hindi pa sya umiiyak ng ganito. I've seen Tita Thereese fly to abroad back when we are still young but I never saw her cry like this for her.


"Sssh... tama na best. Stop crying over that jerk." Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pagkainis sa lalaking yun.


Kumalas sya sa yakap at agad na pinunasan ang mukha nya. Akala ko magagalit sya sa sinabi ko pero hindi naman pala, o, hindi nya na lang talaga pinansin ang pagtawag ko ng 'jerk' sa magaling na ex nya.


"I'm trying to stop Best but my tears kept pouring." Natatawang sabi nya. "Feeling ko isang timba na ang naiiyak ko Best."


Napangiwi ako sa sinabi nya. But, I always admire how she managed to smile in a situation like this.


"Dapat pala, inipon mo Best tapos ipinandilig mo dito sa puno na to." I said making both of us laugh pero hindi paren humuhupa ang mga luha nya.


His [HBM2] {Fin}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon