-Her POV-
Niyakap ko ang aking sarili nang maramdaman ko ang pag-ihip ng hangin. Agad akong nanginig dahil sa lamig at gusto kong magsisi sa paglabas ko ngayon dito. Bakit ba kasi naka-sleeveless dress ako? Pero dahil tinatamad akong pumasok sa loob para lang kumuha ng cardigan, Inayos ko na lang ang buhok ko para hindi nito matakluban ang mukha ko.
Busy sila Papa ngayon sa pagluluto at paghahanda para sa munting saluhan mamaya. Hindi na ko nakigulo sa kanila dahil wala naman talaga akong alam sa pagluluto. Nagawa ko na kasi ang nakatoka saken na fruit salad at graham cake kagabi.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. It is unusally bright today. Dahil ito sa naggagandahang Christmas lights na nakapaligid sa bahay. It took us a whole day to arrange it. Mabute na lang at maganda ang kinalabasan. Napaisip ako, Hindi na siguro masama ang paglabas ko ngayong gabi nang dahil dito. Iniiwasan ko na din naman ang pagkukulong sa loob ng kwarto ko.
Sumandal ako kaya naman agad kong napansin ang magandang kalangitan. Walang ulap na nakakasagabal kaya naman kitang kita mula dito ang mga bituin. I can't help but heave a sigh because of the sight. It is so beautiful that it always reminds me of him. I closed my eyes and I felt the tears escaped from my eyes. Fudge! I immediately wiped my face hoping that no one's watching me. I'm starting to hate myself for this. Hanggang kelan ba ko ganito?
It's been a week since Christmas, the same day he left. Since that day, I've never heard anything about him. No calls, no texts, no vibes, no IMs, no facetime, no Imessages, not even a Hi nor a goodbye. I tried looking up to his social media accounts too but none of it was available. He deactivated everything for Pete's sake! I hate him but I can't help but hope that he'll at least say he's fine there, at least that, or am I hoping too much?
"Couz!" I heard someone called. Agad ko syang nilingon at nakita kong nakangiti ito saken. "Pasok ka na! Malapit na ang countdown!" She added
"Coming." I said as I pick my phone. Nagulat na lang ako sa paghila ng pinsan kong si Ellie. No choice tuloy kundi magpatianod na lang sa kanya.
*
"HAPPY NEW YEAR!!!" sigaw ng bawat isa. And in no time, the sky is full of light and colors.
Nakakatuwang panuorin ang pagliwanag ng kalangitan, ang umaalingawngaw na tawanan at ang hindi mabilang na masasarap ng pagkain sa hapag-kainan. Di maipagkakaila na isa ang bagong taon sa pinaka-inaabangan ng lahat. Sama-sama ang pamilya sa masayang pagpapaalam sa taong nagdaan at masigabong pagsalubong sa panibagong taon.
Kung iisipin mo, parang ang bilis ng panahon. Ang bilis ng pagdaan ng araw, ng buwan, ng taon na para bang isang segundo lang ang dumaan, na para bang kahapon lang nangyare ang lahat.
"Oy Panget! Bat di ka tumatalon? Suko ka na noh?" Natigil bigla ang panunuod ko ng fireworks dahil kay Kuya. Nilingon ko sya at nakita ko ang nakakaasar na ngiti nya habang patuloy ito sa pagtalon. Napa-iling naman ako at napa-isip ako. Parang bata paren talaga mag-isip si Kuya.
Lumapit saken si Kuya at ginulo ang buhok ko. "Ah, ayaw mo ng tumangkad?" Natatawang sabi nya sabay akbay saken. Nakaharap kame pareho sa garden area at tanaw namin ang nag-gagandahang fireworks.
"Hanggang ngayon ba naman Kuya, umaasa ka paren na tatangkad ka?" sabi ko na agad naman nakapagpatawa kay Kuya. Don't get me wrong. Matangkad naman na si Kuya pero kada taon, tumatalon paren kame. Nakasanayan kasi.
"Sinasabi mo ba yan sa sarili mo boy?" aniya sabay halakhak.
"Masakit kasi umasa Kuya." Sagot ko sa kanya na agad nakapagpatigil sa kanya. Natawa naman ako pagkakita ko sa epic na reaksyon ni Kuya.
BINABASA MO ANG
His [HBM2] {Fin}
Teen Fiction{Revised Ending} And now, they've finally fallen in love. Is being called MINE enough? Second Book of Hey! Be Mine story! What will happen next? read more . . . ©prettymari