Chapter 5 - Trato

3 2 0
                                    

Chapter 5 - Trato

Isang linggo mula nang nag-usap kami ni Adrianne sa ilalim ng puno, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga sinabi niya. Sinabi niyang mahirap ang sitwasyon namin, pero parang mas lalo lang akong na-enganyo na maghintay para sa kanya. Alam ko, parang delusional, sabi nga ni Juki, pero sa puso ko, iba yung pakiramdam—para akong may sariling mundo kung saan kami lang ni Adrianne ang nag-e-exist.

Minsan nga naiisip ko, paano kaya kung matutunan din niya akong mahalin? Ano kaya ang pakiramdam kapag hindi na lang ako ang nag-aabang ng ngiti o simpleng tingin mula sa kanya? Pero alam ko, baka nga hanggang pangarap na lang ito.

“Hoy, Misha! Kanina pa kita tinatawag!” Napalakas ang boses ni Juki habang nasa canteen kami. Biglang naputol ang mga daydream ko. Napatingin nga si Esme sa kanyang pagtawag.

“Sorry, Juki! Kanina ka pa pala nagsasalita,” sabi ko, sabay hagikgik at humarap kay Esme na nakakunot noo sa harap ko.

“Walanghiya ka talaga, o! Nakikinig ka ba kahit konti? Sabi ko, may balak ka bang sumama sa field trip ng mga seniors? Eh, parang okay naman kahit may mga kasama tayong mas matanda.” Tumingin siya sa akin na parang binabasa ang reaksyon ko.

“Ano naman kung may seniors? Sige, sasama ako,” sabi ko, pero alam kong alam ni Juki ang dahilan ko. Siyempre, chance ko na rin para makasama si Adrianne sa isang event na hindi lang sa loob ng school.

“Ikaw ha, Misha. Parang nahuhumaling ka na talaga kay Adrianne. Di ko naman masisisi kasi ang gwapo niya, pero…” Biglang huminto si Juki at nagseryoso. “Pero natatakot ako para sa’yo. Baka masaktan ka lang.”

Tumango ako at ngumiti, kahit alam kong may konting takot din sa puso ko. “Alam ko naman ‘yun, Juki. Pero kasi, hindi ko mapigilang umasa kahit konti. Minsan kasi, kahit gaano kasakit, mas pipiliin ko pa ring sumugal kesa mag-regret na hindi ko man lang sinubukan.”

"Iba ang pakiramdam kapag nagmamahal ka, Juki. Kahit anong hirap mo na pigilan ang nararamdaman mo, kapag totoo kang nagmamahal, wala ng kawala ang puso mo kundi ibigin ang isang tao ng walang iniisip na pangamba." Seryosong saad ni Esme kay Juki.

"I'm not against of it, Esme. And I know that he is your cousin, nag-aalala lang ako na baka sa murang edad ni Misha, mawawalan na siya nang gana na magmahal ulit."

"Ibig mo bang sabihin ay hindi marunong magseryoso si Adrianne, Juki? Yes, we know that he is more ahead of us, but can't you see, Misha is in love with my cousin. All we can do is to support them." Lumabas na ang mga ugat ni Esme sa lalamunan habang sinasabi niya yun kay Juki na kinakabahan na rin.

Esme is our safest place—a super shy person and super supportive friend.  She doesn't want it when someone does not understand her explanation. Kaya nag-aalala na rin ako para sa kanya.

"I am just worried of our friend, Esme. Nag-aalala lang ako, yun lang." Sukong sabi ni Juki. "Sana lang 'wag kang magkamali sa binigyan mo nang pag-ibig mo, Misha."

Yun ang huling sinabi niya bago siya umalis sa lamesa namin. Tumingin sa akin si Esme, pakiramdam ko meron siyang sasabihin sa akin pero pinipigilan niya lang ang gusto niyang sabihin sa akin.

"Misha," Kinuha ni Esme ang kamay ko na nasa lamesa ko at hinawakan ito. "You are my friend and my cousin is your crush. I am giving you two my blessing to be each other. Hindi kita pipigilan kong ano ang gusto mo. Ang akin lang, sana ay masaya ka."

Pumasok ako sa klase pagkatapos ng pag-uusap namin. Umuwi na si Esme dahil masakit daw yung ulo niya. Si Juki naman ay hindi ako pinapansin. Hindi niya ako tinitingnan kahit na magkatabi naman kami ng upuan.

"Juki," tawag ko. Kinukulbit ko ang kanyang braso na nakaptong sa lamesa pero parang wala lang ito sa kanya. "Galit ka ba sa akin?" Alala kong tanong.

Hindi pa rin siya bumaling sa akin kaya naman ay tumigil na ako. I hate it, when it feels like I crave more attention from the people around me. Nakinig nalang ako sa guro na nagtuturo sa amin.

Magaling siyang magturo kaya alam ko na kung bakit hindi man lang ako binalingan ng tingin ni Juki. Wari ko'y nagtatampo siya. Natapos ang klase at hindi pa rin ako pinapansin ni Juki. Umalis nalang din ako at doon ako lumabas sa ikalawang pinto para hindi kami mapag-abot ni Juki sa paglabas.

Lumingon ako sa kanya, sumabay siya kay Andrea na ngayon ay nag-uusap silang dalawa. Nakaramdaman ako ng kirot sa puso ko nang hindi man lang siya bumaling sa akin. Alam niya kung bakit dito ako dumaan. Hindi man lang siya nakapagpaalam sa akin.

Lumipas pa ang ilang araw at ganun pa din ang trato sa akin ni Juki. Hindi pa rin niya ako pinapansin kahit na minsan na kami'y nagkasama sa isang grupo. Ngayon, parang hangin na lang niya ako kung ituring, pero noon, kahit na nagtatampo siya, kinakausap niya pa rin ako. Nagbago na nga siya.

Si Esme naman ay nilalagnat kaya hindi pa pumasok.

"Juki, pwede bang magpasama ako sa'yo pagpunta kina Esme? Meron kasi siyang lagnat at wala siyang kasama sa bahay nila." Wala siyang tugon sa sinabi ko. "Magpasama ka doon sa Adrianne mo, tutal ay pinsan rin naman yun ni Esme."

Damn! So cold like ice, huh?

Umalis nalang ako sa harap niya bago ko pa siya mabugahan nang sama ng loob ko. I didn't like her anymore.

"Misha,"

Lumingon ako sa kanyang tawag at sinabing, "Juki, kapag galit ka sa akin, sabihin mo. Hindi yung ako ang maghahabol sayo. Kung ayaw mo na akong maging kaibigan, sabihin mo, hindi naman ako namimilit, Juki. Alam kong alam mo 'yan."

Diretsahan kong sabi. Natahimik siya sa sinabi ko sa kanya. Putik! Bakit ko yun sinabi sa kanya? I should respect her if she wants more space. Sana hindi ko nalang yun sinabi. Panisisi ko sa sarili ko.

Ilang araw na ang lumipas at hindi niya pa rin ako pinapansin, pero binalewala ko nalang yun. If she needs more time and space, I'll give it to her. Ayokong pilitin siya.

The Love That We Missed (Echoes of Love Series 1)Where stories live. Discover now