Chapter 7 - Club
Habang naglalakad ako sa park, bigla kong nakita si Adrianne. Hindi ko inaasahan na magkikita kami ulit, at mas lalo akong nagulat nang ngumiti siya sa akin.
“Misha, kumusta na?” tanong niya, tila may halong lungkot sa mga mata niya.
Ngumiti ako, kahit na naramdaman ko ang kirot na bumalik. “Okay lang naman, Adrianne. Ikaw?”
“Okay rin… Alam mo, Misha, natutuwa ako na naging bahagi ka ng buhay ko kahit saglit lang. Pasensya na kung naging malabo ako dati. Pero nagpapasalamat ako kasi pinakita mo sa akin kung ano ang tunay na pagmamahal.”
Hindi ko alam ang isasagot, kaya’t ngumiti na lang ako. Para sa akin, hindi na mahalaga kung hindi kami nagkatuluyan. Ang importante ay natutunan ko kung paano tumanggap at magbigay ng pagmamahal nang walang hinihintay na kapalit.
Pagkatapos ng tagpong iyon, naramdaman ko ang isang malaking pagbabagong naganap sa akin. Unti-unti kong natutunang pakawalan ang nararamdaman ko para kay Adrianne. Hindi dahil hindi na siya mahalaga sa akin, kundi dahil alam kong ang tunay na pagmamahal ay kayang bumitaw kung kinakailangan.
Madaling lumipas ang mga araw na pakiramdaman ko ay nakiki-ayon ito sa akin. Parang kailan lang noong nagtapos si Adrianne ng high school at naging Valedictorian, ngayon, gumagawa na siya ng sarili niyang pangalan sa industriya ng musika.
Andito ako ngayon sa bahay nina Esme. I saw Adrianne's older sister as she walked by me.
"Misha! Buti nalang at nagpunta ka. Halika, ipakilala kita sa iba ko pang kapamilya. Tapos ko nang pinakilala kanina si Juki."
Sumabay ako kay Esme sa paglalakad papasok sa kanilang bahay. We only stopped walking when we were already in the pool side area that had a lot of desks and drinks.
Namamanhid na ata ang puso ko dahil kahit na nakita ko na kasama ni Adrianne ang kanyang kabiyak, parang wala lang ito sa akin.
Dumating kami sa lamesa ng pamilya ni Adrianne.
"Good evening, po, Tito, Tita, Ate Jessa, at Kianne," Bumaling silang lahat kasama na doon si Adrianne at kanyang jowa. "Gusto ko pong ipakilala sa inyo ang isa ko pang kaibigan na si Misha."
Isa isa silang tumayo sa harap ko at nakipagkamayan. Nang si Adrianne na ang naglahad ng kamay ay hindi ko alam kong makipag-kamayan ba ako o 'wag na lang.
"Congrats, Adrianne. Sa wakas, natupad ang pangarap mo na maging isang idolo. Hindi ko inakala na seryoso ka nung sinabi mo iyon sa akin."
Napangiti siya sa sinabi ko. We do the handshake thingy at sumagot ito. "Hindi ko inakala na dati ko lang pinapangarap, ngayon, nangyari na."
"Nagkakaroon ka na rin ng maraming supporter at taga hanga. Sobrang proud ako sa nakamit mo sa buhay mo ngayon, Adrianne."
Malamig kong sabi at umalis na.Sa mga sumunod na araw pagkatapos ng muling pagkikita namin ni Adrianne, ramdam kong unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko. Wala nang sama ng loob o panghihinayang. Para bang naging tahimik na lang ang puso ko. Natutunan kong mahalin ang bawat sugat na iniwan niya dahil doon ko natutunang maging matatag at totoo sa sarili ko.
Pinili kong hindi na lang ulit maghabol o magtangkang bumalik sa kung ano man ang meron kami dati. Nagpatuloy ako sa mga araw ko na puno ng sigla, masaya kasama ang mga tunay kong kaibigan, at naka-focus sa mga pangarap ko. Minsan, iniisip ko kung naisip din kaya niya na pwede sanang kami, pero natutunan ko ring magpasalamat na hindi nagkatuluyan dahil naging daan iyon para makilala ko ang mas malalim na parte ng sarili ko.
Habang masaya akong nakikihalubilo sa mga bagong kaibigan at sumasali sa mga bagong activities, naramdaman kong marami pang magagandang bagay na naghihintay sa akin. Nakilala ko si Nile, isang estudyante sa kabilang section, na may simpleng aura at palangiti. Masaya kaming nagkakasama sa mga school events at project meetings.
"Ang saya mo ha, parang iba yung glow mo," sabi ni Juki sa akin minsan.
Ngumiti lang ako. "Iba kasi ang saya kapag wala kang inaasahan mula sa ibang tao. Saka masarap pala 'yung feeling na kilala mo na ang sarili mo bago mo i-share yun sa iba."
Hindi ko sinasabing may gusto ako kay Nile, pero natutunan kong buksan ang sarili ko sa mga bagong posibilidad. Kung dati, ang dami kong hesitation dahil si Adrianne lang ang laman ng utak ko, ngayon, nararamdaman kong kaya ko nang magpakasaya sa present.
Habang lumalapit ang graduation, nararamdaman ko ang excitement sa bawat bagay na paparating. Ang daming pangarap ang gusto kong simulan, at ang daming goals na gusto kong abutin—para sa sarili ko at sa mga taong sumuporta sa akin mula sa umpisa. Natutunan ko ring hindi sukatin ang self-worth ko base sa pagmamahal ng ibang tao, kundi sa kung gaano ko kamahal ang sarili ko.
Minsan sa isan fanmeet event ng Aces, nakita ko si Adrianne kasama ang girlfriend niya, at sa unang pagkakataon, hindi ko na naramdaman ang dating kirot. Masaya ako para sa kanila, at masaya akong natutunan ko na ring mag-move on.
Sa mga panahong iyon, nakaramdam ako ng tahimik na kasiyahan. Alam kong marami pa akong pagdadaanan, pero alam ko ring hindi ko na hahayaan ang kahit sino na sirain ang mga pangarap ko. Ang mahalaga ay ang natutunan ko sa pagmamahal—na minsan, ang tunay na pagmamahal ay ang pagiging buo mo muna bago ka magbigay.
I joined the art club today kung saan nakahiligan ni Adrianne. Yeah, I know, parang medyo crazy yung reason ko—I just wanted to be closer to Adrianne, again. Alam kong nandito siya sa club na 'to. I’ve heard it a thousand times from Juki.
"Gumawa ka ng paraan para mapansin ka niya, Misha," she’d say, as if that’s so easy. Pero andito ako ngayon, nakaupo sa likuran, nakahawak ng lapis na halos mabali gamit ang kamay ko. My eyes keep darting to the door. Will he come? Would he notice me?
Lumipas ang ilang oras ay dumating siya, tumatawa kasama ang kangang mga kaibigan. He doesn’t notice me right away, thank God. I can barely breathe as he settles into his usual seat. He’s… so close. Like, I could practically hear him breathe. He must’ve seen me out of the corner of his eye, though, because the next thing I know, he’s looking straight at me, a curious expression on his face.
“Hindi ko alam na nag-aart ka, Misha. Anong ginagawa mo dito?” His tone isn’t mocking, pero sapat na yun para kabahan ako. Dapat ko bang sabihin sa kanya na sumali ako dito dahil sa kaniya? Syempre hindi! I play it cool.
“Uh, trip ko lang mag-try,” I say, hoping I don’t sound like a complete idiot. “Malay mo, may maitulong ako rito, di ba?”
He doesn’t answer right away; he just shrugs and gives me a look like he’s trying to figure me out. “Sige, mag-enjoy ka lang.”
YOU ARE READING
The Love That We Missed (Echoes of Love Series 1)
RandomPaano mo tatanggapin ang isang tao kung alam mo na hindi siya gumagawa nang paraan para maging kayo? Pero bakit hindi nalang ikaw ang gunawa nang first move? Gusto mo nang isang tao na mamahalin ka buong buhay mo, pero paano kung ang pag-ibig na san...