Chapter 6 - Girlfriend
Dumating na ang araw ng field trip, at hindi ko mapigilan ang excitement ko. Ang daming iniisip na pwede mangyari—baka makatabi ko si Adrianne sa bus, o kaya makapag-usap kami habang naglalakad sa mga tourist spots. Alam kong mababaw, pero para sa akin, malaking bagay na.
Pagdating sa meeting point, hinanap ko agad ang grupo nila Adrianne. Nakita ko siyang nakatayo kasama ang mga kaibigan niya, mukhang masaya habang nag-uusap. Pero nang lumapit ako, agad siyang nag-iba ng ekspresyon, parang nabigla nang makita ako.
“Ah, Misha. Sumama ka pala?” tanong niya, parang nagdadalawang-isip.
“Oo naman! Exciting kasi ‘tong field trip. Saka… alam mo na, chance to para makapag-relax din,” sagot ko, pilit na ngumingiti kahit na parang naiinis siya sa presensya ko.
Nagpatuloy ako sa pagsama sa grupo nila. Pero kahit na nagkaroon kami ng ilang pagkakataon na magkausap, pakiramdam ko’y may distansya pa rin sa pagitan namin. Minsan, nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin, pero agad niyang binabawi ang tingin niya. Ang hirap basahin kung ano ang nasa isip niya—kung may gusto rin ba siya o sadyang mabait lang.
Habang naglalakad kami sa isang historical site, sinubukan kong mag-open up sa kanya. “Adrianne, naisip ko lang… Ano sa tingin mo ang maganda sa mga taong may mga pangarap? Ikaw, may pangarap ka rin ba?”
Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin, seryoso. “Misha, importante ang pangarap, pero minsan, kailangan nating maging realistic. Hindi lahat ng pangarap ay makakamtan, lalo na kung hindi tugma ang mga priorities natin. Alam ko na minsan, masakit, pero ganoon talaga ang buhay. Kailangan nating matutong mag-move on sa mga bagay na hindi talaga para sa atin.”
"Oo nga naman. Haha. Isa lang pala ang pangarap mo, ang maging idol." Ani ko, habang hindi pinapansin ang sagot niya. Parang may kakaibang sinasabi siya na hindi ko maipaliwanag sa kanyang sagot.
Nang matapos ang field trip, ramdam ko ang pagod hindi lang sa katawan kundi pati sa puso. Hindi ko masabi kung nag-eenjoy ba ako o nakikisalamuha lang ako.
Para kasing lumalayo si Adrianne sa akin sa halip na mas mapalapit. Wala naman akong maling sinabi sa kanya na hindi niya nagustuhan. Kahit alam kong mahirap, hindi ko pa rin kayang sumuko.
Ilang araw ang lumipas, at naging malamig ang relasyon namin. Hindi na niya ako pinapansin katulad ng dati, at kahit sa mga events, parang nawawala na rin ang spark sa pagitan namin.
Isang araw, nilapitan ako ni Juki, nag-aalanganin pero halatang may sasabihin. “Misha, I heard something. Don’t know if I should tell you pero… ayoko ring itago kasi baka lalo ka lang masaktan.”
Napatitig ako sa kanya, kinakabahan. “Ano yun, Juki? Sabihin mo na.”
“May narinig kasi ako na si Adrianne daw… may girlfriend na. Nakita sila ng isang classmate natin na magkasama sa mall. Hindi ko alam kung totoo, pero…”
Pakiramdam ko’y parang may mabigat na bagay na bumagsak sa puso ko. Sa lahat ng inaasahan ko, hindi ko akalaing may iba na pala siyang minamahal. Parang ang lahat ng pinaghirapan kong gawin, ang lahat ng araw at gabing ginugol ko para sa kanya, parang walang kwenta.
Mahirap man, sinubukan kong magpakatatag sa sinabi ni Juki sa akin. Minsan, nagtataka ako kung bakit ngayon lang ulit siya lumapit sa akin pagkatapos nang sagutan namin.
Lumipas ang isang taon at hanggang ngayon nahirapan pa rin ako na mag-move on. Nagtapos siya bilang isang Valedictorian at nagkaroon na rin siya ng debut sa larangan ng industriya na kanyang pinaghirapan na abutin.
Isa na siyang ganap na idol ngayon. Marami na ang nakakaalam sa kanya. Ibang-iba siya noong nakilala ko siya at nalalapitan pa.
Minsan kapag pumupunta ako sa syudad, nakikita ko na ang kanyang mukha sa naglalakihang mga billboard kasama ang kanyang mga kasama. Apat lahat sila na kumakanta at sumasayaw. Si Adrianne ang lead vocalist ng grupo at isa rin siyang leader sa grupong Aces.
Hindi pa man sila naka limang taon sa industriya, marami na ang humahanga, nahuhumaling, sumusuporta at nagmamahal sa kanila.
Iba na rin ang kanyang mukha. Kung dati'y baby face, ngayon naman ay sobrang matured na siyang tingnan. Parang kailan lang, nahahawakan ko pa siya, ngayon, hindi na niya ako kilala.
Pero kahit gaano kalayo ang agwat namin ni Adrianne, kahit ilang beses akong nag-decision na kalimutan siya, hindi ko mapigilang maalala ang bawat sandaling pinagsamahan namin, gaano man kaiksi o kakonti iyon.
Minsan, nakikita ko pa rin siya sa bahay nina Esme at kahit pa hindi na kami gaanong nagpapansinan, hindi ko maiwasang magtaka kung naalala niya ba ang mga sandaling pinagsamahan namin. Pero para sa akin, siguro nga, kailangan kong tanggapin na hindi siya para sa akin.
Akala ko, magkakaroon na kami ng relasyon paglipas ng ilang araw o buwan pero sa iba pala yun, hindi sa akin. Hindi pala ako ang iniisip niya sa t'wing magkasama kami. Ako lang pala ang umasa na baka sa aming mga small interactions, magkakaroon siya nang mararamdaman sa akin. Ako lang pala yun. Paano kung tama yung laging sinasabi sa akin ni Juki na ayaw talaga ni Adrianne sa mga bata? Kakayanin ko ba?
Grade nine na ako ngayon. Pilit kong pinapalipas ang bawat araw, nagpapakabusy sa pag-aaral at pag-focus sa ibang bagay. Pero alam kong malalim ang sugat na iniwan niya sa puso ko.
Ilang buwan ang lumipas at kahit papaano, nakapag-move on na ako. Hindi ko sinasabing tuluyan ko nang nakalimutan si Adrianne, pero natutunan kong tanggapin na hindi siya para sa akin. Naging mas madali rin ang pag-focus sa mga bagay na mahalaga sa buhay ko, gaya ng mga kaibigan, pamilya, at mga pangarap ko.
Kahit na masakit ang pinagdaanan ko, masasabi kong naging mas matatag ako sa mga sumunod na buwan. Kung hindi man naging kami ni Adrianne, alam kong natutunan ko kung paano mas mahalin ang sarili ko.
YOU ARE READING
The Love That We Missed (Echoes of Love Series 1)
AléatoirePaano mo tatanggapin ang isang tao kung alam mo na hindi siya gumagawa nang paraan para maging kayo? Pero bakit hindi nalang ikaw ang gunawa nang first move? Gusto mo nang isang tao na mamahalin ka buong buhay mo, pero paano kung ang pag-ibig na san...