Chapter 3-Confess

3 2 0
                                    

Chapter 3 - Confess

Pagpasok ko sa school, diretso agad ako kina Juki at Esme, hindi inalintana ang bulong ni Adrianne kanina. Nakita ko sila mula dito sa pathway papunta sa likod ng room namin. Napansin kong may ilang nagtitinginan sa akin habang naglalakad, pero dedma na lang. Sanay na akong mapansin dahil sa mga "pa-crush crush" moments ko kay Adrianne. Pero sa pagkakataong ito, hindi na lang simpleng crush ang nararamdaman ko—seryoso na ako.

“Juki!” tawag ko. Lumingon siya sa akin at nagtaas ng kilay. “Ano? Ba’t ka namumutla? Ano na naman ang ginawa mo?” tanong niya na parang may halong pang-aasar. Alam kasi niyang may mga huling sinubukan akong i-approach si Adrianne.

“Wala. Pero may sasabihin ako,” sabi ko, kinakagat ang labi para hindi tumili. “Naalala mo ‘yung sinabi niya noon?”

Tumingin siya sa akin nang seryoso. “’Yung sinabi niya kay Esme na ‘wag ikaw?”

Tumango ako at napakagat-labi ulit. “Oo. Ano ba ang problema niya?”

“Alam mo, Misha, baka masyado ka lang talaga batang tignan para sa kanya,” sabi ni Juki, pero may lambing ang tono niya. “O baka hindi pa siya ready makipag-commit. Alam mo naman mga lalaki, ‘di ba?”

Napaisip ako sa sinabi niya. “Pero bakit si Andrea, mukhang close sila?” Napakagat-labi ako sa sama ng loob. Paano ba naman, mas matanda si Andrea ng ilang buwan lang sa akin, tapos… sila close na?

“Baka kasi… alam mo na, ‘di ka naman kailangan mapansin ni Adrianne ngayon. Malay mo, pagdating ng tamang panahon…”

“‘Di ko alam, Juki,” sabi ko, iniisip ko na lang kung ano pa bang pwedeng gawin para makuha ang atensyon niya. Baka naman oras na para seryosohin ko na talaga itong nararamdaman ko, hindi lang puro pangarap at pangungulit. Pero masyado pa akong bata para sa seryosohang relasyon.

Nang sumunod na araw, nagpasya akong sumali sa art contest sa school. Alam kong may chance na makita ni Adrianne ‘yung gawa ko dahil ipapaskil ‘yun sa Senior Hall kung manalo. Hindi ko alam kung magugustuhan niya, pero worth a shot, ‘di ba?

Habang gumuguhit ako, naalala ko lahat ng bagay na gusto ko kay Adrianne—‘yung mga mata niya na parang laging may tingin na merong halong pagmamahal. Yung bibig niya tuwing nagsasalita, yung mga pag nguso niya, yung buhok niya laging naka messy. Lahat ng yun ay gusto ko.

Natapos na ako sa pagguhit ko at pinasa sa harap. Sana manalo ako para meron akong dahilan na magpunta doon sa Senior's building.

Nakita ko siya malapit sa canteen. I told myself that I should confess my feelings to him one of these days. And maybe, this is the right time to do it. Tumigil siya at hinarap ako. Wala ang kanyang mga kaibigan.

Ngumiti ako kahit kinakabahan. “Kasi, Adrianne… gusto talaga kita. Hindi ko alam kung bakit. Pero alam ko lang na iba ka. Siguro nga baliw na ako, pero hindi ko na kayang itago. Pasensya na kung nakakairita ako. Pero gusto ko lang malaman mo.”

Nakita kong bumuntong-hininga siya. “Misha, hindi sa ayaw kita… pero ang bata mo pa. At sa totoo lang, hindi pa ako sigurado sa mga bagay-bagay tungkol sa sarili ko.” Diretsong sagot niya.

Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi niya sinabi na ayaw niya ako. At kahit papaano, may konting pag-asa pa rin akong naramdaman.

“Kung hindi pa sigurado, pwede naman nating… bigyan ng oras,” sabi ko, pinipilit na magpakatatag. Kahit takot ako sa posibleng rejection, mas takot akong mawalan ng pagkakataon na ipakita kay Adrianne na kaya ko siyang mahalin.

Napakamot siya ng ulo at ngumiti ng bahagya. “Misha, hindi ko sinasabing hintayin mo ako. Gusto ko lang na maging honest din sa’yo. Mahirap kasi kung ako lang ang dahilan na maghihintay ka, tapos baka wala naman pala talaga sa akin ang sagot na gusto mo.”

Alam kong may punto siya, pero ayaw ko pa ring sumuko. “Okay lang. Hindi naman kita pinipilit na sagutin ngayon. Pero… sana lang, bigyan mo ako ng chance, kahit papaano.”

Pag-uwi ko, binabalikan ko yung usapan namin ni Adrianne. Napakahirap ipaliwanag ng nararamdaman ko—sakit, kaba, pero may halong saya rin. Hindi ko alam kung tama bang patuloy na humanga sa kanya o kung dapat ko nang tapusin ang lahat. Pero sa ngayon, masaya na akong alam niya na totoo ang nararamdaman ko.

Habang nakahiga ako, napangiti ako nang maalala yung pagkakangiti niya kanina. Hindi ko mapigilang kiligin. Parang unti-unti ko siyang nakikilala sa ibang lebel, hindi lang ‘yung Adrianne na aloof at misteryoso.

At sa mga sandaling ito, alam kong hindi lang basta-basta crush ‘to. Matatagalan pa bago ko malaman kung may pag-asa ba talaga sa aming dalawa, pero alam kong hindi ko ito bibitawan nang basta-basta.

Matapos ang ilang linggo, pilit kong kinakalma ang sarili ko sa harap ni Adrianne. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maiiwasang mapansin ang bawat galaw niya. Lalo na’t mas madalas na kaming nagkikita dahil sa mga school events, lalo na ang mga aktibidad ng seniors kung saan madalas akong sumama para “sumuporta.” Pero alam ng lahat, lalo na ni Juki, kung ano talaga ang rason ng presensya ko doon.

Hindi ako nanalo sa paligsahin, pero para sa akin nanalo pa rin ako dahil nasabi ko na kay Adrianne ang nararamdaman ko. Siguro masyadong mabilis, pero alam ko sa sarili na gusto ko talaga siya. Wala ng iba pa.

“Hoy, Misha! Tigil-tigilan mo nga ‘yan,” sabi ni Juki, sabay buga ng hangin na parang inis. “Alam mo ba kung anong tingin sa’yo ng ibang tao kapag lagi kang nasa senior building? Para kang lost puppy na naghahanap ng atensyon!”

Napangiti ako nang alanganin, pilit itinatago ang excitement sa mga mata ko. “Eh, bakit ba? Anong masama kung nandiyan ako? Gusto ko lang naman mag-observe.”

“Observe?” sabay taas ng kilay ni Juki. “Talaga ba, observe? Eh halos dilaan mo na yung sahig na nilalakaran ni Adrianne!”

Napahagikgik ako sa sinabi niya, kahit alam kong may katotohanan iyon. “Ano bang magagawa ko? Ang hirap pigilan, Juki! Parang may magnet siya na hinihila ako palapit sa kanya. Kahit hindi niya ako pinapansin, masaya na akong makita siya.”

“Eh, paano kung hindi ka niya talaga magustuhan, Misha? Paano kung puro pagpapantasya lang ‘to?”

Napatingin ako kay Juki, at sa unang pagkakataon, napatigil ako sa pangarap. Totoo, hindi ko pa nakikita ang “future” sa amin. Pero sa kabila ng lahat, may munting pag-asa pa rin akong kumakapit.

The Love That We Missed (Echoes of Love Series 1)Where stories live. Discover now