Chapter 1-Delusional
"Hoi! Misha! Ikaw hha! May crush ka pala doon sa pinsan ni Esme, eh, ayaw na ayaw nun sa bata lalo na kung ilang taon ang agwat niya sa babae."
Natawa ako sa paratang ng kaibigan ko na si Juki. Tingnan natin Juki kung hindi yun titiklop sa akin. Lakas ng amats mo self. She widened her eyes at me like I did some crime. What's wrong with having a crush?
"Eh, ano naman ngayon, Juki?! Sinong hindi magkakagusto doon sa punyeta na yun, eh, sobrang gwapo! Kulang nalang sasambahin ko siya at luluhodan ko na yung nilalakaran niya sa sobrang gwapo niya." Ako, habang kinikilig at tumitili sa kinailalimlaliman ng lalamunan ko. Natatawa ako sa pinapakitang expression ni Juki. Para siyang nandiri sa mga sinasabi ko pero wapakels. Sobrang gwapo talaga niya!
"Someday, I'm gonna marry that man." Mahinang sambit ko sa kalawakan. "Damn! If he'd let me."
Natawa ako sa isip ko kaya tinulak ng mahina ni Juki ang pisngi ko. "Alam ko na 'yang iniisip mo, kaibigan kong baliw. Tsk! Iba na 'yan, Misha. Nahuhumaling ka sa taong hindi natin kaedad. Like seriously? Gusto mo siyang papakasalan sa paglaki mo? OMG! Youre so freaking delusional!"
Mas lalo pa akong natawa sa ginamit niyang salita na delusional. Oh. Darling, Juki, if you didn't know, I've always been delusional to that one boy, just him.
Tumayo ako at nagpagpag ng dumi sa saya ko. Andito kami sa likod ng paaralan namin at nagtatambay. Both of us, Juki, are wearing a school uniform, which includes a white blouse with a collar and a green necktie. We're wearing a green skirt and have a school ID which is the colour blue. Our uniform colour scheme is white and green.
Kumuha ako ng mga libro na nasa bag ko. I saw Juki watching me using my peripheral vision. Minsan, hindi ko alam kung ano ang gagawin sa kaibigan kong si Juki. She's like a witch. A beautiful witch in my life. She always tries to piss me off with my decisions, but nah, I have a lot of patience for her. She's like a sister and a mother to me. I handed her my Science notebook and told her to answer my assignment.
Natanaw ko sa malayo ang maraming nagsisigawan na mga estudyante na malapit sa mga cottage. They were all Seniors. I was curious looking at them. Inayos ko ang aking saya at ang ID ko bago humakbang papunta sa kanila.
Medyo malayo ang lalakarin ko bago makarating doon, pero sige lang, makikita ko rin naman yung idol ko doon.
"Oh, oh, oh, oh, saan ka na naman pupunta, Misha? Ewan ko sayo! Bigla bigla ka nalang nawawala. At sino ba 'yang tinignan mo diyan at tinayuan mo pa talaga?"
Nilingon ko siya. I raised my brows at her sudden word. "I think, I saw Adrianne in that bunch of students."
"OMYGAHD! Really, Misha? Nahihibang kana diyan sa punyetang Adrianne na 'yan. At pwede ba, 'wag mong iasa sa akin ang mga assignments mo. Doon ka nalang kaya magpaturo sa Adrianne na 'yan. Naiinis na ako sayo, promise."
Nagtataka niya akong tiningnan. I hug her at what her saying. Buti nalang nasabi niya. "Thank you for giving me an idea, Juki. Thank you talaga. At kung naiinis ka man sa akin, 'wag kang magaaalala, ipagdadasal ko sa Diyos na bigyan ka niya na hindi katulad ni Adrianne. Hahahahahaah"
Sobrang lakas ang tawa ko habang naglalakad palayo sa kanya. Kinuha ko ang bag ko at dinala ito. I once looked at her again and decided to go to the Seniors building. Okay, hingang malalim, pupuntahan na natin ang pag-ibig mo, Misha, sabi ko sa sarili ko.
Malapit na akong dumating sa cottage nang nakita ko si Andrea, pinsan ni Esme na ka-edad ko na rin. I gritted my teeth at anger. Eto na naman siya, bida-bida. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kinaroroonan nila.
I saw his male and female friends. I wave at some familiar faces and continue walking. Napairap sa kawalan si Andrea nang nakita ako.
"Oh, Misha. Napadpad ka ata dito sa Senior Buildings'?" Tanong ni Andrea. "Nagtataka nga rin ako kung bakit ka andito 'gayong magkaklase naman tayo."
Natawa ang ibang kaibigan ni Adrianne sa sinabi ko. Si Adrianne naman ay walang imik na nakatingin sa akin. "I mean, well, the both of us were still a junior high yet, you're asking me an obvious question, Andrea."
Natahimik ang mga kaibigan ni Adrianne. Ako naman ay umupo sa isa sa mga bakante na monoblock na upuan. Merong apat na mga monoblock na inupuan ng mga lalaki at ang tatlong babae naman ay nasa mismong upuan ng cottage kasama na doon sina Andrea at Adrianne.
Hindi pa rin ako umalis kahit na malapit na magbell para sa susunod na klase. Hindi ko nalang inisip para hindi masabi yun ni Andrea pero sa kasamaang palad ay nagtapo ang aming mga mata ni Adrianne at sinabing, "Nasabi ni Andrea sa akin na meron ka pa rawng klase, ano pang ginagawa mo dito, kung ganun?"
What? Epal talaga nitong si Andrea! Porke't close silang dalawa ay gagawin niya ito.
Tumayo ako at nilagay sa likod ang backpack ko, handa ng umalis. Kung hindi ko siya ma solo ngayon o bukas, pwes, gagawa ako nang paraan para makilala niya ako.
Nagpaalam ako sa mga kaibigan ni Adrianne. Lalagpasan ko na sana siya sa kanyang kinauupuan nang bigla niyang hinigit ang kamay ko ng malakas.
Mabuti nalang at marunong akong magbalansi ng sarili kaya kahit papaano ay wala namang nangyari sa akin.
"Pakisabi kay Esmerallda na meron akong chi-nat sa kanyang importante. Kapag hindi siya magreply sa akin, ibig sabihin nun ay hindi mo siya sinabihan sa sinabi ko sayo."
Kakabahan na ba ako, Adrianne? Sanay na ako na malamig ka sa akin kaya kahit ano pang lamig ma tungo mo sa akin, gugustuhin at gugustuhin kita ng paulit ulit.
I nodded at him, and he let go of my hand quickly like he was disgusted at what he was holding on to. Ngumiti nalang ako ng peke bago nagpatuloy sa paglalakad.
YOU ARE READING
The Love That We Missed (Echoes of Love Series 1)
De TodoPaano mo tatanggapin ang isang tao kung alam mo na hindi siya gumagawa nang paraan para maging kayo? Pero bakit hindi nalang ikaw ang gunawa nang first move? Gusto mo nang isang tao na mamahalin ka buong buhay mo, pero paano kung ang pag-ibig na san...