Chapter 10 - Botanical
Kinabukasan ay sumabay ako sa kotse ni Kianne papunta sa paaralan. Nadaanan namin ni Kianne ang bahay ni Adrianne na maraming nag-aabang sa kanyang mga tao. Ang iba ay taga-media, ang iba naman ay ang mga taga suporta sa kanya.
"Misha, nagkita ba kayo ni Juki kahapon?" Biglang tanong sa akin ni Kianne. "Bakit?" Ako, nagugulhan kung bakit niya yun natanong.
"Wala,"
"Nga pala, Kianne, anong gusto mong i-regalo ko sayo sa dadating graduation day mo?"
"Siya."
Ha? Siya? Sinong siya?
"Sinong siya? Meron ka na bang jowa ngayon?"
"Basta."
Hindi na rin ako umimik hanggang sa nakarating kami ng paaralan. Naglalalad ako ng marami akong naririnig tungkol sa akin.
"Grabe siya, 'no? Sobrang martyr naman niya. Kahit na alam niya na may jowa na si Adrianne, patuloy niya pa rin itong nagustuhan at tinulungan niya pa." Sabi ng isang babae na hindi ko naman kilala.
Tiningnan ko ang nagsabi nun. The heck is wrong with that bitch? Pakialam niyang martyr ako, hindi naman siya ang ako.
"Oo nga, isang taon na ang nakalipas pero grabe pa rin yung gusto niya kay Adrianne. Ni hindi na nahiya na parang kuya na natin yung kinahuhumalingan niya." Sagot naman ng kasama niya.
Iisipin ko pa ba ang iniisip ng ibang tao na isa akong martyr? I know, I'm a martyr pero dapat ba na sasabihin yun sa harap ko?
Tinawagan ko si Juki nang naramdaman ko na kailangan ko ng isang tao na kumausap sa akin. Hindi ko alam kong ano ba ang dapat maramdaman sa sarili.
"Baka kaya ka sinabihan ng ganon dahil gusto na nila na tumigil ka na sa pagkakagusto kay Adrianne."
"Minsan, naisip ko Juki kung ano nga ba ang opinyon mo sa akin at kay Adrianne? Dati, galit na galit ka sa akin dahil nagkakagusto ako kay Adrianne. Ngayon naman ay okay lang sayo na suportahan ko si Adrianne kahit na hindi ako ang kasama niya."
"Misha, hanggang ngayon naman ay ganun pa rin ang opinyon ko sayo at kay Adrianne. Ang sa akin lang kasi ay baka pag-usapan ka ng publiko. Masyado ka pang bata para magseryoso sa buhay pag-ibig."
Naintindihan ko naman ang pag-aalala ni Juki. Pero katulad ni Esme, gusto ko rin na suportahan nalang niya ako sa gusto ko.
"Ititigil ko na ba ang paghuhumaling sa kanya?"
Masakit na tanong ko kay Juki. "Baka naman Misha ay hindi pa talaga sa inyo ang panahon ngayon. Baka, sa susunod na lumipas ang ilang taon ay makikita niyo ang isa't isa na sabay tinutupad ang mga pangarap. Hindi nga lang ngayong panahon."
Gusto nang tumulo ang mga luha ko pero pinipigilan ko ito. Nagpapatuloy siya sa kanyang mga sinasabi na halos tumagos na sa kabilang buhay ko ang kanyang mga sinasabi sa sobrang sakit na binigay nito sa akin.
"Palayain mo na ang sarili mo na nagkagusto sa kanya. Marami pang iba diyan, Misha. Buksan mo lang ang iyong puso. Kung gusto mo talaga siyang kalimutan, magpakalayo-layo ka muna sa kanya. Yung hindi kayo madalas magkasalubong sa kung saan saan."
Sinunod ko ang mga sinasabi sa akin ni Juki. Kahit masakit ay ginawa ko parin ito. Sumama ako kay Mommy at Daddy sa pagpunta sa Davao. Napagdesisyonan ko na kapag gusto kong tuluyang maka-move on, dapat ay magpakalayo-layo ako at nang hindi ko na makakasalimuha si Adrianne.
I realized that I should love myself more than anyone else. I should know my worth and my importance.
Nakikita ko pa rin paminsan minsan si Adrianne sa internet, sa mga naglalakihang billboards, at sa television, naririnig ko rin kung saan saan ang kanilang mga musika sa radyo na laging nagto-top at sobrang trending.
Hindi ko na binabalikan ang alaala noon. Paalis ako nang tumigil na ang balita tungkol sa break up nila ni Marielle. Hindi na rin ako nakibalita sa kanila. Kung anong nangyari pagkatapos kong umalis.
Hanggang telepono lang ang pag uusap namin ng mga kaibigan ko. At sa tuwing tinitingnan ko ang cellphone ko, merong isang tao na gusto kong kumustahin pero sa kabilang banda ng utak ko ay sinasabi na tama na. Tama na ang pagpapakatanga sa pag-ibig na hindi naman akin. Tama na ang pagpapakatanga sa pag-ibig na ni minsan ay hindi naging akin. Tama na, wasak na ang puso ko sa paulit-ulit na umaasa.
Minsan, naiisip ko kung ano ang mangyayari kung wala ang takot na bumubuo sa akin. Ang mga pangarap ko ay tila naglalakbay sa hangin, ngunit ang puso ko ay nakadikit pa rin sa mga alaala ng isang pagmamahalan na hindi ko na kailanman madarama. Nandito na ako sa Ateneo De Davao University, naglalakad sa mga pasilyo ng bagong mundo, ngunit parang ang puso ko ay nasa ibang lugar.
I chose the Stem strand here in my new school. “Okay lang yan, Misha. Magandang simula ‘to,” sinasabi ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin dito sa cr. Pero sa likod ng mga ngiti ko, may nagkukulong na pangungulila. Ang lahat ng ito ay tila isang malaking palabas, at ako ang bida na walang script.
Pinilit kong magmukhang cool sa aking oversized na sweater, ngunit sa loob, parang ang dami kong mga tanong na hindi ko alam kung paano sagutin.
Kinuha ko na ang backpack at ang mga dokumento na kailangan ko sa pag-enroll. Tiningnan ko uli ang mukha ko sa harap ng salamin. Tiningnan ko rin ang suot kung pwede na ba yun ipang-gala pagkatapos kong mag-enroll.
Naglalakad ako sa mga bagong pasilyo ng campus, sinusubukang kalimutan ang lahat ng sakit. Habang pinagmamasdan ko ang mga estudyanteng nag-aagawan sa kani-kanilang mga pangarap, naisip ko kung paano ako nagtagumpay sa mga pangarap ko sa sarili. Pero ang mga alaala ni Adrianne ay nagbabalik. Naalaala ko ang kanyang mga mata na tila naglalaman ng mga lihim, ang kanyang ngiti na kay tagal kong hinahanap. Bawat anggulo, bawat baling sa paligid, ang kanyang alaala ay tila nagbabantay sa akin.
“Kapag ba magkasing edad kami, ako ang pipiliin niya?” tanong ko sa sarili ko habang umupo ako sa isang bench sa park. Tapos na ako sa pag-enroll at dito ko naisipang magpahinga.
Ang hangin ay malambot, at ang mga dahon ay tila nagsasayaw sa ritmo ng mga alaala. Kung nandiyan si Adrianne, sigurado akong mag-iiba ang lahat. Pero anong klase ng pagmamahal ang kayang ihandog ng isang taong pinili akong iwan sa oras ng walang kasiguraduhan? Napatanong ako, bakit nga ba kami nagkahiwalay? Bakit nga ba naging malamig ang baguhan naming pag-ibig? Para bang ang lahat ay isang magandang kwento na hindi natapos.
Naalala ko pa nun kung paano niya ako nakilala. Andun kami sa Botanical noon at meron siyang sinabi kay Esme na kahit sino na lang, 'wag lang ako. Hindi ko alam na sa tagpong yun ay humantong ako dito sa sitwasyon ko ngayon.
YOU ARE READING
The Love That We Missed (Echoes of Love Series 1)
RandomPaano mo tatanggapin ang isang tao kung alam mo na hindi siya gumagawa nang paraan para maging kayo? Pero bakit hindi nalang ikaw ang gunawa nang first move? Gusto mo nang isang tao na mamahalin ka buong buhay mo, pero paano kung ang pag-ibig na san...