Chapter 2 - Alaala
Binalikan ko ang alaala na nangyari kanina. Totoo kaya yung sinabi sa akin ni Juki na ayaw niya talaga sa mga bata? Pero bakit si Andrea? Ba't parang close sila?
Nang papauwi ako sa araw na ito ay nagtagpo uli ang aming landas. Nakita ko siyang nakatingin sa akin na naglalakad. Pupunta sana ako sa Botanical nang nakita ko siya na nakatingin sa akin. Nakaupo siya malapit sa entrance. I waved at him but he didn't response. Cold.
I saw Esmerallda not too far from where I was standing, but she didn't know that I was there either. We are taking a different path to go to the Botanical, and there is a big tree in front that covers me. That's why only Adrianne sees me.
"Esmerallda! Akala ko di mo ako pupuntahan dito. Buti nalang at naghintay talaga ako dito." Sabi niya, nag-alinlangan kung saan ibabaling ang kanyang tingin. Sa akin na nasa ilang kilometro lang ang layo o kay Esme na nakapayong patungo sa kanya na hindi pa rin ako nakita. "Pasensiya na, Adrianne. Sinubukan kong gawin yung pinapagawa mo pero hindi talaga kaya ng powers ko." Esme answered, in a serious tone, still walking towards him.
Hindi pa rin ako nakita ni Esme kaya nagpapatuloy pa rin ito sa paglalalakad.
"Pwede naman doon kay Misha. Kaibigan ko yun at sobrang galing nun gumuhit. Kahit ano kaya niyang guhitin."
Doon lang ako nakita ni Esme nang lumagpas siya sa kung saan ako natatabunan ng kahoy. She was in her shock reaction nang dumating rin si Juki sa kayang likuran.
"Oh, Misha. Anong ginagawa mo dito? Akala ko nasa foodcourt ka dahil yun ang sinabi mo. Hindi mo naman sinabi na nagde-date pala kayong dalawa ni Adrianne dito. Kayo hha, sine-sikreto niyo pa."
Wala akong ginawang imik sa sinabi ni Esme. Ayokong pamulaan ang kanyang mga hingain at mga maling salita na nasabi niya sa akin. Andun pa rin ako sa kung saan ako nakatayo, pakiramdam ko nga nag-ugat na yung mga paa ko dahil ayaw nitong humakbang at umalis nalang.
Marahang lumapit si Adrianne kay Esme at meron itong binulong sa kanya na narinig ko naman. "Nah. Kahit sino nalang, 'wag lang si Misha." At bumaling siya sa akin gamit ang seryoso niyang tingin. He stood up and started arranging his things on the table and ready to leave anytime soon.
Ilang araw ko nang binalik-balikan ang alaala na yun. Ang alaala na ayaw ng mabura sa isipan ko. Nagtataka ako kung bakit ganoon ang kanyang nasabi sa akin. So, he knows me?
Nakahiga ako ngayon sa aming backyard, nakatingin sa mga bituin sa langit at inaalala ang mga alaalala na sana ay hindi nalang naaalala.
"Ate, sabi ni Mommy na pumasok ka na raw at baka diyan ka pa makatulog." Ani ng kapatid ko na si Miranda. "Sige, Mimi. Susunod ako ngayon. Pakisabi kay Mama na dito muna ako ng ilang oras. Meron lang akong importanteng iisipin."
Nakita kong tumango muna ang kapatid ko bago siya nagbow at pumasok na sa loob ng bahay.
Ba't niya yun sinabi? Marahil alam niya na meron akong gusto sa kanya? Am I too obvious? Oh, damn! Oo nga pala, sabi ni Juki. Ang hirap naman niya mahalin.
I put one arm above my face and close my eyes. 'Am I too young for him?' I asked myself. 'I think I'm not, right? Matanda lang talaga siya.' Natawa ako sa mga iniisip ko. Minsan, naguguluhan rin ako sa mga iniisip ko sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba itong pagkakagusto ko sa kanya o mali.
It's been a while since I had a crush on him. One year? More than or less. Grade six ako noong nakilala ko siya sa bahay ng mga Damalerio. He was chatting with Mrs. Damalerio that time at nasagip ko siya sa mga mata ko. He was so bubbly that time that I considered him we were the same age since he has a baby face. He was wearing a three-piece suit, partnered with black shoes and black pants, had a bracelet on his left arm, and was wearing a gold necklace with a pendant is a cross. Nakaupo siya sa pang-isahang sofa kaharap si Mrs. Damalerio. Ako naman ay nakatayo, malapit sa kanila, nakatago sa malaking aparador na nasa kabilang side kung saan si Adrianne nakaupo.
Merong malaking handaan nun dahil birthday nang Ate Jessa niya at nandoon ako dahil inimbitahan ako ni Esme. Yun ang unang pagkakataon na nagkagusto ako at sa lalaking mas matanda pa sa akin.
Noong nalaman ko kay Esme na five years ahead siya sa amin, para akong nabagsakan ng mga hindi ko alam. Ibig sabihin lang nun, matured na siya. Alam na niya ang buhay pag-ibig—kung meron man siyang nagustuhan sa panahon na yun. Doon ko rin nalaman na nag-audition pala siya sa pagiging idol sa company nina Andrea.
Nakahiga pa rin ako, nakatingin sa bituin, habang paulit-ulit kong iniisip yung mga sinabi ni Adrianne kay Esme na narinig ko naman. “Kahit sino na lang, ‘wag lang si Misha.” Hindi ko maintindihan. Bakit niya kailangang sabihin iyon? Alam niya kaya na may gusto ako sa kanya? Nahahalata ba niya yung mga pagtingin ko, yung mga pag-approach ko sa kanya?
Napabuntong-hininga ako nang malalim. Sana naman hindi. Nakakahiya! Pero bakit gano’n? Kahit alam kong may posibilidad na ayaw niya talaga sa akin, hindi ko pa rin maiwasan na… gusto ko pa rin siya. Ang tanga ko talaga, ‘no?
Eh ano ngayon kung ayaw niya sa bata," sabi ko sa sarili ko. Pero sa totoo lang, ramdam kong parang hiniwa yung puso ko sa sinabi niya. Natatawa na nga ako sa sarili ko. Parang nababaliw ako. Nag-iisip pa rin ako ng mga paraan para mapansin niya ako, kahit obvious naman na wala siyang pakialam.
Nakatulogan ko na bitbit pa rin yung mga tanong na ‘yan sa utak ko. Nang magising ako kinabukasan, naalimpungatan ko ang sinag ng araw sa malaki kong bintana. Nagtataka ako kung paano ako napunta doon, pero naisip ko agad ang nakakatanda kong kapatid na si Xiann. Meron pa talagang kumot na nilagay sa katawan ko. Natawa ako ng mahina sa isipan na mabait pala ang kapatid ko na 'yon.
Nang nasa hapag na ako. Nakapagdesisyon na ako na gagawa ako ng paraam para malaman kung bakit ganoon na lang ang kanyang trato sa akin.
Kalaunan ay dumating si Mommy na naka angkla ang kanyang kamay sa braso ni Daddy. Nasa likuran naman nila sina Mimi at si Xiann, nga kapatid ko.
"Aba, himala, ikaw ang nauna ngayon sa hapag." Natatawang sabi ni Daddy. "Kung hindi ko lang binuksan ang kanyang bintana, Papa, wala pa 'yan dito." Si Xiann, seryosong nakatingin sa akin. Lumapit siya sa akin at merong binulong. "You dreamed last night about this boy named, Adrianne? Seryoso ka, Misha? You're only 13 years old and yet, you dreamed of that idol boy? What a shame."
YOU ARE READING
The Love That We Missed (Echoes of Love Series 1)
AléatoirePaano mo tatanggapin ang isang tao kung alam mo na hindi siya gumagawa nang paraan para maging kayo? Pero bakit hindi nalang ikaw ang gunawa nang first move? Gusto mo nang isang tao na mamahalin ka buong buhay mo, pero paano kung ang pag-ibig na san...