FIFTEENTH

1 0 0
                                    

Let me check the label first

"May label kayo?", one of my friends asked.

"Wala."

"Bakit?"

"Ewan ko, mas bet nya walang label eh."

"Check the label first, Tina. Baka mamaya hindi lang ikaw yung palagi niyang kasama."

I just nodded of what she said. Bakit nga ba wala kaming label? Is it because I'm afraid of commitment? Ewan ko. Masaya naman kami kahit ganito. Hindi naman ako nagmamadali sa lovelife pero gaya nga nag mga sinasabi ng mga kaibigan ko, dapat daw may commitment.

"Bakit nga ba may commitment ang isang relasyon, Bryle?"

"A committed relationship is an interpersonal relationship based upon agreed-upon commitment to one another involving love, trust, honesty, openness, or some other be", sagot nya. "Kayo ng palagi mong kasama? Kailan kayo magkakaroroon ng label? Kailan nyo lalagyan ng commitment ang relasyon niyo?", tanong nya.

"Ewan ko. Di ko alam."

"Check the---", I cut him off.

"--label first, Tina. I know, I know."

"Concern lang naman kami sa'yo, Tina. Last time na nag mahal ka halos ma ubos ka, di ka na nagtira ng para sa sarili mo."

"Alam ko yan, Bryle."

"Just please. Wag ng ganun, di ko kayayanin na makita kang maging ganun ulit."

----

Nagsusulat ako ng story, ay palagi nga pala akong nagsusulat. I've been doing this for a while, just like lahat ng gusto kong ipalabas or sabihin sa iba ay ginagawan ko nalang ng storya. Minsan kasi ayaw kong mag kwento sa iba. Kaya eto ako nagsusulat na naman ulit.

Nag my day ako sa messenger ko.

"Another story updated."

Andaming nag message na pa send daw ng link syempre binigyan ko, wala naman kasi akong magawa. Mamaya pa ako magmo-module. Wala lang gising pa mga tao rito sa bahay eh kaya ayaw ko pang ma module. Mas bet ko yung ako lang mag isa yung gising pa habang nagsasagot sa mga modules ko.

May nag chat sakin. No. Hindi siya chat nag send siya ng picture. It was a picture of Mateo and his ex. Noong mga narakaraan nawawalan ng oras si Mateo sakin, wala lang sakin kasi naman. Ano naman kami, walang label. Walang commitment. Madalas silang magkasama ng ex nya. Wala akong sinasabi, I always chat my bestfriend kapag may gusto akong sabihin. Siya lang pinagsasabihan ko.

I click on the picture. Closer. This picture was not taken today, so I asked kung kailan yun. Nag tanong ako sa nag send sakin

"Kailan yan? Hindi yan ngayon diba?"

"Hindi. Last week yan, sabi ni Mateo may pupuntahan daw kami di naman nya sinabi kung saan. Tapos pagkarating namin sa sinasabi nyang pupuntahan namin ay nakita namin si Celine na naka upo sa isang table. Akala naman mag iiba kami ng table pero nabigla kami ng dumiretso si Mateo sa table ni Celine. Hindi kami nakasunod nun kung hindi pa kami tinawag ni Mateo."

"Bakit daw sila magkasama?"

"Ewan. Ang sabi ni Celine date daw yun eh."

"Aahh."

"Tina, ganito nalang kapag may lakad sila ulit sasabihan kita tapos pupunta ka dun. Surpresahin mo sila, like hindi mo alam na nandoon sila at naparaam ka lang sa lugar na iyon."

"Sige sige. Salamat."

--

Dalawang linggo na nakalipas pero hindi pa siya nagme-message sakin. Matutulog na sana ako ng may biglang tumawag. Akala ko si Mateo pero mali ako, yung kaibigan nya yung tumatawag.

"Hello? Bakit?"

"Aalis si Mateo bukas. Pupunta siya sa isang restaurant."

"Text mo sa akin ang address at oras. Pupunta ako."

"Okay."

Nag text siya. Address at oras ang ibinigay niya.

Pagka bukas di ko inaakala na yun ang madadatnan ko. Naghahalikan ang dalawa. Mukhang di nga talaga alam ni Mateo na may tao. Hanggang sa may sumigaw, isa sa mga kaibigan ni Mateo.

"Tinaaa!", it looks like si Bryle yun. Yeah kaibigan niya si Mateo.

"Bryle. ... ba't di mo sinabi sa akin?", tanong ko.

"Ang alin? Wala akong alam sa mga pinaggagawa ni Mateo, Tina."

Tumingin ako kina Mateo at Celine. Si Mateo hindi na mapakali.

"Tina.."

"Teo. ."

"Let me explain."

"Wala kang dapat ipaliwanag."

"Please let me explain, Tina."

"No need. Aalis na ako."

"Fuck!",I heard him curse.

Hinawakan nya ang kamay ko, na mabilis ko ring iniwakli.

"You don't need to explain, Mateo. Walang tayo diba?"

"Ano nga ba tayo, Tina?"

"Wala. Parehas tayong tao. Taong nagakakamali. Pero pagkakamali pa rin ba ito, Mateo?", tanong ko sa kanya. Hindi siya makasagot. "Balikan mo ma ex mo, ay di na pala ex."

"Tina, please let me ask you ano nga ba tayo?"

"Wala nga. Walang tayo, wala tayong commitment sa isa't isa. Walang label", sabi ko. "Balikan mo na so Celine."

"Paano ka?", tanong nya.

"Wow ha? Natanong mo pa yan sa akin? Seryoso ka?", langya nagawa pang mag tanong kung paano ako. "Walang tayo, Mateo, kaya wala tayong tatapusin. Aalis na ako."

--

Tama nga sila ano? Check the label first. Kailangan talagang may commitment kayo sa isa't isa.

BY: KRSTNCYYYY

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now