TWENTIETH

0 0 0
                                    

Dati

"Ayaw mo na ba?"

"Ano...."

"Ba't di ka kasi makasagot ng maayos. Tangina naman Lukas!Ayaw mo na ba?", tanong ko ulit sa kanya.

Ayoko na ng ganito. Magdadalawang buwan na kaming ganito. He wouldn't reply to my texts, sina Tita dito siya sa akin hinahanap. Hindi ko na alam pinaggagawa nya. Dati naman palagi nya akong ina-update kung saan siya pupunta at kung sino kasama nya kahit di ko tinatanong. We don't usually talk everyday. Siguro isa, dalawa, tatlong araw lang sa isang linggo.

Pero nitong nagdaang dalawang buwan. Hindi na kami halos magka usap ni Lukas. Pag tinatanong ko kung nasaan sya nasa bahay lang daw pero hinahanap siya nina tita sa akin. Tiniis ko yun eh.

Dati naman sinasama nya pa ako sa gala ng mga kaibigan nya.

Dati rin di siya nawawalan ng oras para sa aming dalawa.

Dati ako naman yung nauuna.

Dati ako yung palagi nyang pinagsasabihan ng mga secrets nya.

Pero dati lang yun.

He became so secretive. Pati kina tita di na siya nagsasabi kung ano-ano. Gustuhin ko man na mag tanong wag nalang kasi yun na nga. Di na siya nag rereply sa mga texts at chats ko. Di nya sinasagot mga tawag.

"Di ka talaga magsasalita, Lukas? Aalis na ako kung ganun.", tumayo ako at pumunta sa pinto ng kwarto nya ng marninig ko yung binulong nya.

"I want space Thalia."

"You.. what? You want what? Space? Really Lukas? Yun lang gusto mo? Ba't di mo sinabi? Bay ngayon pa? Ba't pinatagal mo pa kung space lang naman gusto mo? Di pa ba space tawag dun sa dalawang buwan na walang komunikasyon, Lukas? Kasi para sa akin, space na yun eh. Unti-unti ka ng lumalayo sa akin.", tuluyan ng tumulo yung luha ko.

"Thalia, please don't cry. I don't like seeing you cry."

"You don't want me crying? Di mo gusto pero gumagawa ka ng rason para umiyak ako!! Tinanong mo ba ako sa mga nagdaang buwan kung okay pa ba ako?! Hindi, Lukas! Hindi.

"Thalia.."

"Fine. Okay?! I'll give you some space."

"Thalia, hindi lang yun."

"Ano pang gusto mo, Lukas?"

"Let's break up.", sabi nya.

Umiiyak na ako sa harap niya.

"Bakit?"

"I just want to find myself again. Nawawala na ako sa sarili ko, Thalia."

"May iba ka na?", tanong ko.

"No.. wala.. wala akong iba"

"Napagod ka na sa relasyon natin?"

"Mukhang ganun."

"Mukha? Di mo alam kung pagod ka na ba o hindi? Okay fine let's break up. Wala na akong magagawa. Di na kita pipigilan."

Binuksan ko yung pintuan sa kwarto ay lumingon muli sa kanya.

"You'll still come back to me, Lukas, right?", tanong ko.

"Of course, babalik ako sa'yo Nathalia."

Pinagbigyan ko siya sa desisyon nya. Pero habang patagal ng patagal mas lalo siyang lumalayo.

I've decided na mangibang bansa tutal wala naman dito sa Pilipinas si Mommy, yung kapatid ko naman mag iisang taon na ng nasa Canada.

I've texted Lukas na aalis ako pero walang reply. Bahala siya basta sinabihan ko siyang aalis na ako next week.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now