INDENIAL
I was just scrolling up and down through my social media accounts. Takte wala akong magawa eh.
Scroll down.
Scroll up na naman.
Kayo ba naman yung walang ka chat edi ganito lang yung gagawin. Mamaya na naman magba-babad na naman ako sa wattpad. Quarantine sucks. Di rin naman pinapayagan pumunta man lang sa dagat jusko.
Wala na akong ginagawa sa dito sa bahay. Kain tulog, kain tulog nalang pero eto pa rin ako, hindi pa rin tumataba ewan.
I just laugh seeing what I'm writing right now. It's been almost 1 month since I didn't write. Actually wala talaga aking ma sulat. I don't know. Pagka tapos kong ma post yung last story ko last April 24 I didn't come up to another idea again. Muntik na akong mawalan ng pag-asa na baka hindi na ulit ako makakapag-post or write ulit ng story. But here am I right now. Currently writing a story, this story. Funny right? I am about to post last time about signing off but again wala akong ma post.
And then ngayong wala akong magawa.Facebook right now. And then mamaya pupunta na naman ako sa messenger ko titingnan kung may message ba. May nag me-message naman sa akin kaya lang tinatamad akong mag reply eh. Bahala na sila jan. Pero may mga gaga din akong mga kaibigan pag di ako nag reply di ako tatan-tanan hanggang sa mag reply ako. Jusko ewan mapipilitan nalang akong mag reply pero since kaibigan ko sila wawalain ko nalang yung word na "mapipilitan" nag re-reply naman talaga ako. May minsan lang na may ginagawa ako tulad ng nagbabasa ng wattpad diba? Sino naman ang makaka reply agad pag nagbabasa ka. Pero ngayon wala akong ginagawa nag susulat lang.
My mobile data is still on. Hoping that someone would chat me charot. Baka kayo jan ha, baka ex niyo na ka chat niyo jan dahil bored na kayo charot lang. Pero baka lang naman.
Bilib din naman ako sa mga mag jowa na hindi naghiwalay dahil sa quarantine na to. SS sa inyo ha? Separate soon! Charot stay strong sa mga mag jowa jan. And sa mga single. Ano na na mga single? Stay strong sa pagiging single ha? Tulad ko!
~~~~~~~~~~~
Indenial by Eli🖎
Eto na naman si, Yna! Ayoko na nandito siya! Ikaw na naman pinagpipilitan na indenial ako? Jusko sinasabihan ba naman ako ng mga kaibigan ko na indenial ako! Si Yna kasi may pakana nun eh, ay hindi lang pala si Yna, pati na yung isa kong kaibigan si Adi. Silang dalawa yung unang nag tanong sa akin kung may feelings ba ako kay Brian. I was speechless that time when they asked me. I tried not to laugh dahil pag tumawa ako o ngumisi man lang alam na nila ang sagot. Ato eto na naman si Yna nang-gugulo jusko sumasakit ulo ko sa kanya.
"Tina! Hoy!", tawag niya.
Di ko siya pinansin, bahala siya sa buhay niya. Nakatutok pa rin ako sa cellphone ko. I was holding my head jusko sumasakit ulo ko kapag nandito na naman siya. Sino ba naman ang hindi? Eh lagi akong ina-asar eh.
Tsaka na ako lumingon sa kanya ng sumigaw siya. Peste talaga!
"Hoy, Tina! Ano na naman ang iniisip mo jan?! Ha?!", eto na naman tong Yna jusko di na ako tinatan-tanan wala ng ibang magawa kundi mang asar sakin. "Iniisip mo naman naman si Brian? Hay Brian, Brian, Brian. Aminin mo na kasi, Tina!! May gusto ka sa kanya eh!", yan yan na naman siya.
"Kingina naman kasi, Yna, sabi ng wala akong gusto sa kanya!", singhal ko sa kanya.
"Eh bakit nagagalit ka ha?", tanong niya habang nakangisi.
"Eh kasi naman-- ah basta! Di ko siya gusto di ko siya gusto! Gets mo? Ha? Gets mo?", singhal ko sa kanya. Jusko naman bakit ba pinagpipilitan niyang may gusto sa Brian na iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/383856108-288-k131706.jpg)