Kabanata 14: Lihim na Planong Pag-ibig
Habang naglalakad pauwi si Hyunjin, biglang tumabi si Tyler sa kanya.
“Hyunjin, may itatanong ako,” sabi ni Tyler na may ngiting mapanukso.
“Ano na naman, Tyler?” tanong ni Hyunjin habang tumatawa.“Kung pipili ka sa aming apat, sino ang pipiliin mo?” tanong ni Tyler, seryoso ang tono.
Natigilan si Hyunjin. Hindi niya inasahan ang tanong na iyon. Ngunit bago pa siya makasagot, inunahan siya ni Tyler. “Relax ka lang. Wala akong inaasahan na sagot ngayon. Pero gusto ko lang malaman kung kailan ka rin magiging totoo sa sarili mo.”
