Kabanata 2: Ang Simula ng Pag-aasaran
Simula noon, naging target na si Hyunjin ng mga bad boys. Kahit saan siya magpunta, naroon ang apat—parang anino. Sa library, sa cafeteria, kahit sa simpleng paglalakad sa hallway.
“Good morning, Hyunjin!” bati ni Raze na parang hindi siya napapagod sa kakangiti.
“Wow, ang sipag mo naman mag-aral. Sana all,” dagdag ni Ethan na sarcastic ang tono.
Hindi siya pinapansin ni Hyunjin. Ngunit hindi nagtagal, napansin niyang hindi siya nito tinatantanan.Hanggang sa isang araw, aksidenteng natapon ni Axel ang kape sa notebook ni Hyunjin.
“Ano ba! Ang hirap kaya ng ginawa ko diyan!” sigaw ni Hyunjin, galit na galit.“Relax ka lang,” sabi ni Axel habang tumatawa. “Bibili kita ng bago.”
“Hindi mo alam ang halaga ng mga bagay, ano?” sagot ni Hyunjin habang iniaayos ang notebook.Ngunit hindi niya alam na sa likod ng bawat asar at ngiti ng mga bad boys ay mga lihim na may bigat.