Kabanata 29: Pagbubuo ng Planong Kapayapaan
Napagdesisyunan ng grupo na subukang kausapin si Lucas bago pa lumala ang sitwasyon. Sa kabila ng panganib, handang harapin ni Hyunjin si Lucas upang subukang baguhin ang kanyang pananaw.
“Hyunjin, sigurado ka ba dito?” tanong ni Ethan. “Delikado ang plano mo.”
Tumango si Hyunjin. “Kung may paraan para matapos ang gulo nang walang karahasan, susubukan ko.”