Kabanata 48; Ang Laban

1 0 0
                                    

Kabanata 48: Ang Laban

Dumating ang araw ng kompetisyon. Punong-puno ang gymnasium ng cheering crowd mula sa iba’t ibang unibersidad. Ang bawat laban ay matindi, ngunit ang highlight ng araw ay ang basketball finals at ang debate competition.

Basketball Finals:
Sa court, pinangunahan ni Axel ang koponan. Sa bawat tira at rebound, ramdam ang determinasyon niya na ipanalo ang laro. Sa kabilang panig, si Lucas ang lider ng Black Vipers, at hindi rin nagpapatalo.

Sa huling segundo ng laro, nakalamang ang kalaban ng isang puntos. Tumawag ng timeout ang kanilang coach.

“Kaya natin ‘to,” sabi ni Axel. “Isang play na lang.”

Bumalik sila sa court, at sa tulong ng team coordination, nakuha ni Axel ang bola. Sa buzzer, tumira siya ng three-point shot. Pumasok ito. Panalo ang kanilang koponan.

Debate Competition:
Samantala, sa debate stage, hinarap ni Hyunjin ang matinding kalaban. Sa bawat tanong at sagot, pinatunayan niya ang kanyang talino at husay. Sa huli, nagtagumpay rin ang kanilang unibersidad.

The Four Bad Boys And MeWhere stories live. Discover now