Kabanata 23: Ang Pagpapaalam

1 0 0
                                    

Kabanata 23: Ang Pagpapaalam

Sa gitna ng kanilang usapan, biglang tumunog ang telepono ni Hyunjin. Tumawag si Ethan.
“Hyunjin, may kailangan kang malaman. Umalis si Raze,” sabi nito, halatang nag-aalala.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Hyunjin.

“Iniwan niya kami ng sulat. Mukhang nagpasya siyang bumalik sa probinsya nila para ayusin ang ilang personal na bagay,” paliwanag ni Ethan.

Hindi mapigilan ni Hyunjin na mag-alala. Kahit pa hindi ito sinabi ni Raze, alam niyang isa ito sa mga paraan ni Raze para iwasan ang mga bigat ng sitwasyon.

The Four Bad Boys And MeWhere stories live. Discover now