Kabanata 3: Sa Likod ng Pang-aasar
Habang lumilipas ang araw, napapansin ni Hyunjin na hindi lang sila basta pasaway. Isang araw, nakita niya si Ethan sa isang sulok ng university, malalim ang iniisip. Lumapit siya nang hindi namamalayan ng binata.
“Hindi mo ba kayang ngumiti ng totoo?” tanong niya.
Napatingin si Ethan sa kanya, at saglit siyang tinitigan bago ngumiti ng bahagya. “Hindi lahat ng bagay masaya, Hyunjin.”Simula noon, unti-unti niyang nalaman na may pinagdaanan pala ang apat. Si Axel ay may mabigat na responsibilidad sa kanyang pamilya. Si Ethan ay nawalan ng magulang sa murang edad. Si Raze ay hindi natanggap ng mga magulang dahil sa kanyang mga pangarap na hindi akma sa gusto ng pamilya. At si Tyler ay lumaking may takot sa tunay na pagmamahal.