Kabanata 37: Mga Sandaling Hindi Malilimutan

1 0 0
                                    

Kabanata 37: Mga Sandaling Hindi Malilimutan

Habang nasa resort, nagkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na makapiling si Hyunjin sa mas personal na paraan.

Axel: Dinala niya si Hyunjin sa isang cliffside kung saan kitang-kita ang paglubog ng araw.
“Alam mo ba, Hyunjin, ikaw ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng lakas ng loob na harapin ang mga sarili kong takot,” sabi ni Axel.

Raze: Sinamahan niya si Hyunjin sa isang bonfire sa tabi ng dagat. Nagkwento siya ng mga masasayang alaala mula sa kanilang kabataan, ngunit sa dulo ay nagbiro pa rin.
“Lagi akong nandito para sa’yo, kahit gaano pa kakulit,” sabi niya habang tumatawa.

Ethan: Niyaya niya si Hyunjin maglakad sa dalampasigan. Doon niya inamin kung gaano niya pinapahalagahan ang pagkakaibigan nila.
“Hyunjin, hindi mo lang alam kung gaano ka kahalaga sa amin. Lalo na sa akin,” sabi niya, seryoso ang tono.

Tyler: Tahimik na tumabi kay Hyunjin habang nagmumuni-muni sila sa ilalim ng mga bituin.
“Hindi ko kailanman sinabi sa’yo, pero ikaw ang nagbibigay liwanag sa madilim kong mundo,” bulong niya.

The Four Bad Boys And MeWhere stories live. Discover now