Chapter 19

452 12 8
                                        

Celine's Pov

“Ma'am, nagugutom na po ba kayo? Nakapagluto na po ako.” Napalingon ako nang marinig ang boses ni Ate Tessa. Nalaman ko na may naglilinis pala sa condo na ito kada linggo, at 'yon si ate Tessa.

Wala ang tatlo, nasa kompanya. Sa pagkakaalam ko ay tatlo silang nagmamay-ari ng isang napakalaking kompanya. They have a lot of companies, at ang kompanyang ‘yon ang pinaka-main nila. Ngunit si Xavier ang acting CEO kahit na pantay lang naman sila ng shares doon.

“Salamat po ate, susunod na lang po ako,” sagot ko sa kanya.

Kasalukuyan akong nasa sofa habang may binabasang libro. It was entitled, Forbidden Obsession. Hindi ko alam ngunit parang related sa akin yung kwento. Kasi kung anong nilalaman ng libro ay gano'n din ang nangyayari sa akin sa realidad.

Ang kwento ay tungkol sa tatlong magpipinsan na na-obsessed sa pinsan nilang babae. See the similarities? Parehas sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang mag-overthink na hango sa totoong buhay ang nasa libro.

Nagkibit balikat ako bago nilapag sa sofa ang librong binabasa ko at tinungo na ang dining area.

Naabutan ko si ate na nag-aayos na ng mga gagamitin sa lamesa. Bigla akong naglaway nang makita ang buttered garlic shrimp na paborito ko.

“Sumabay ka na po sa akin, ate.” Magalang na paanyaya ko sa kanya.

“Naku, mamaya na lang ako kakain, busog pa po ako, ma'am!" Natatawang sagot niya.

“Ganun po ba, sige po. Basta kapag nagutom po kayo, kumain lang po kayo.” Sambit ko bago nagsimulang magsandok.

”Maiwan ko na po muna kayo at may gagawin pa ako." Tumango naman ako sa kanya.

Nang makaalis si ate ay nagsimula na rin ako sa pagkain. Napapikit ako nang malasahan kung gaano kasarap ang niluto ni ate Tessa.

Busy ako sa pagnguya nang biglang may humalik sa kanang pisngi ko. Nang lingunin ko ay bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Xavier.

“X-Xavier!” Nautal at nagulat na bulalas ko.

”Yes, hon. How's your day?” Hindi ko pinansin ang tanong niya at umiwas ng tingin.

“Ang aga mo naman ata,” mahinang anas ko habang naka-focus ang tingin sa pagkaing nasa harapan ko.

“Yeah, I've decided to go home early and let the two handle my unfinished business in the company.” Napakislot ako nang lumapat ang kamay niya sa hubad kong balikat. I'm wearing an off-shoulder dress while my hair is tied up in a messy bun. “They agreed since they're also worried with your situation here. Dalawa lang kayo ni Ate Tessa, we can't bear to see you in danger if something happens.” Pagpapatuloy niya pa.

“Ahh, g-ganun ba...” Naiilang at hindi siguradong tugon ko.

”Hmm, anyway, how's your day?” I heaved a deep sigh when he already removed his hand on my shoulder. Napakabilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit.

Sa kanilang tatlo, kay Xavier talaga ako pinaka-natatakot. Iba kasi siya, hindi mo gugustuhing galitin siya. Basta! Sa tingin ko nga, ‘yong mga nangyari noong nakaraan ay hindi pa lumalabas ang tunay niyang ugali.

“Ayos lang naman,” nais kong magdiwang dahil hindi na ako nautal ngayon.

Napalingon ako sa kanya nang hilahin niya ang katabi kong upuan at umupo roon. I secretly bit my lower lip because of nervousness.

Hindi ko alam kung pansin niya ba ang kaba ko dahil hindi ko na nagawang ipagpatuloy ang pagkain ko at naestatwa na lang sa pagkakaupo.

”Are you full now? You're not minding your food.”

FORBIDDEN OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon