Chapter 20

112 10 5
                                        

Celine's Pov

“What do you think of this?” Tanong niya sa akin habang hawak-hawak ang damit na napili niya.

We're already inside the boutique shop, kasalukuyan siyang namimili ng mga damit para sa akin. Yes, siya lang. Dahil lahat naman ng mga nagugustuhan ko ay may nasasabi siya, na kesyo ganiyan, kesyo ganito. Kaya hinayaan ko na lang siyang mamili sa kung anuman ang gusto niya.

Asking me was just a cover up para lang masabi na namimili kami, pero ang totoo ay siya pa rin naman ang masusunod sa kung anong bibilhin namin.

“Sakto lang,” tipid na sagot ko. He nodded before putting it inside the cart that he's holding. Medyo marami-rami na rin ang napili namin—niya.

“I think that's enough, marami na ‘yan.” Napatingin naman siya sa akin nang sabihin ko ‘yon.

“Right, let's go to the counter.” Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa bewang.

“30,506 po lahat, sir.”

Napatingin ako kay Xavier nang marinig kung magkano ang babayaran niya. I didn't know that those dresses cost that much. Hindi ko rin kasi chineck ang price tag dahil si Xavier lang naman ang namimili.

When he opened his wallet, I saw a lot of cards and cold cash inside. Puro blue bills!

He pulled the black card and gave it to the cashier girl. Pansin ko rin ang grabeng pagtitig ni ate girl sa katabi ko.

Na para bang ngayon lang siya nakakita ng ganyan kagwapong lalaki sa tanang buhay niya. Don't get me wrong, I'm not jealous. It's just that, I find it funny when someone's admiring my cousins because of their god-like appearance. Hindi nila alam may mga tinatago rin namang baho ang mga ‘yan.

“Let's go,” nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang boses ni Xavier.

Tinanguan ko siya.

Hawak niya na rin ang mga paper bags na pinaglagyan ng mga damit na binili niya.

Inakay niya ako papunta sa labas kung saan naka-park ang sasakyan niya.

Binuksan niya ang back seat at inilagay doon ang mga dala niya bago ako balingan at alalayan papasok sa passenger seat.

“Do you want to eat first? Are you hungry?” Agarang tanong niya nang makaupo sa driver's seat.

Umiling lang ako sa kanya. Bigla akong nawalan ng gana. Parang ayoko na pala gumala.

“Okay, we'll go directly to the mall.”

“U-uhm, can we just go back?” Nag-aalinlangang tanong ko. Kumunot naman ang noo niya.

“I thought you want to go to the mall?” Nakakunot ang noong tanong niya.

“Are you okay? May masakit ba sa ‘yo?” Bakas ang pag-aalala sa tono niya. Umiling ako.

“I just want to go back.“

“Fine, if that's what you want.” Walang nagawang sagot niya.

He was about to start the engine when his phone rang. When he saw who the caller was, he suddenly looked at me.

“I'll just take this call, wait me here.” Lumabas muna siya bago pindutin ang answer button. Nagtaka naman ako sa ginawa niya, pwede naman niyang sagutin dito sa loob. Hindi naman ako tsismosa.

Ipinagsawalang bahala ko na lang at tumingin sa labas. Nangunot ang noo ko nang may pamilyar na bulto akong nakitang papasok sa shop.

'Luke,' naluluhang sambit ko sa isip ko.

FORBIDDEN OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon