Chapter 12

828 19 8
                                    

Celine's Pov

My heart keep on pounding like a drum after I run away from Tyler. I looked at my back and take a deep sigh after seeing that he wasn't there.

Simamantala ko nang umalis nang mabangga siya ng matanda kanina at nawala ang atensyon niya sa akin.

The only thing that was encrypted in my mind at that moment is to get away from there. Not thinking about the possible consequences that might happen when they caught me.

Muntik pa akong mapatid nang hindi ko mapansin na may kahoy pala sa harapan ko. I gasped for an air first before I stop running.

Napasulyap ako sa paa ko. Wala na akong suot na tsinelas dahil naiwan ko nang magmadali akong tumakbo papalayo sa pinanggalingan ko.

Pansin ko ang mga paltos dito na ngayon ay namumula na. Ngayon ko lang naramdaman ang hapdi at sakit sa mga ito.

Pero nang maisip ko na hindi pa ako nangangalahati mula sa tinakbuhan ko kanina ay nagkaroon ulit ako ng lakas upang umalis dito.

But right now ay hindi na ako tumatakbo. Paika-ika akong naglakad papaalis. Hindi ko alam pero bigla ko na lang naramdaman ang pagod at sakit ng katawan ko.

Maybe due to adrenaline rush earlier so that I didn't feel any tiredness or pain. Ngayon lang.

I need to do my best not to get caught. Ayoko nang bumalik doon at ikulong ulit nila. At ang mas kinatatakutan ko ay baka gawin nila ulit sa akin ang pambababoy na ginawa nila dati.

Until now ay may trauma pa rin ako sa nangyari. Ayoko nang alalahanin pa dahil bumabalik lang sa akin ang mga alaalang iyon. That was the baddest memory that I wanted to forget.

Kalahating oras ang itinagal ko sa paglalakad nang makakita ako ng isang maliit na kubo. Sa tingin ko ay nakalayo naman na ako.

It was build at the middle of the forest. Dito ako nagtungo upang makasigurado na hindi nila ako mahahanap. Sana...

Lumapit ako rito at kumatok sa pintuan.

”Tao po!” Pagtawag ko kung sakaling may tao.

I didn't heard any noise. Tanging mga huni ng ibon lamang ang naririnig kong maingay. Napakatahimik ng lugar.

Mukhang wala atang tao.

I decided to open the door and step my feet inside. Napatunayan ko ngang walang tao dahil sa kakaunting mga gamit na nasa loob at mukhang matagal nang walang gumagamit dahil sa mga sapot ng gagamba.

Mukhang umalis na ang may-ari.

I think it's a good thing na wala ngang nakatira. Pwede akong manatili muna rito pansamantala. Hangga't wala pa akong nahihingian ng tulong upang makaalis dito.

Hindi rin ako pwedeng basta na lamang magtiwala dahil baka ang mapaghingian ko ng tulong ay may koneksyon sa tatlo.

I need to be careful.

Nagtungo ako sa papag na kawayan at pinagpagan ito. Napaubo pa ako dahil sa mga alikabok na nagsiliparan.

Nang makitang malinis na ay umupo ako. Kanina pa kase nangangawit ang katawan ko mula sa paglalakad kanina.

Hindi rin naman ako pwedeng huminto pa dahil paniguradong alam na ni Tyler na tumakas ako. Hindi naman tatagal ng oras ang pagtulong niya sa matanda.

Sigurado rin ako na naibalita niya na ito sa dalawa. Sa ngayon ay kailangan ko munang manatili rito hangga't wala pa akong naiisip na plano para makaalis sa islang ito.

Pagod na humiga ako sa papag at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Dalawang oras lang siguro ang pagitan nang magising agad ako nang marinig ang mga mahihinang kaluskos.

FORBIDDEN OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon