Nang makabalik sila sa Pilipinas, mas lalong dumikit si Frigus sa kanya. Kung saan siya dapat nandoon ito, kahit sa pagbabanyo.
"Frigus, I'm not gonna run away." She hissed.
Nakapikit pa rin sa Frigus habang nakasandal ang ulo sa dingding. Pagtayo niya para pumuntang banyo ay agad din itong bumangon at bumuntot sa kanya.
Nang natapos na siya ay naghugas siya ng kamay sa lababo bago lumapit dito. He immediately snaked his arm on her waist, resting his hand on her bump.
She sighed.
Muli silang humiga sa kama. Agad na yumakap si Frigus sa kanya. Siniksik pa ang mukha sa batok niya. Napailing na lang siya at ipinikit ang mata.
She loves this clingy Frigus. Pero ang tanong, hanggang kailan?
"WHAT?" Frigus gasped in disbelief. Kumunot ang noo niya dahil 'yon ang naabutan niyang itsura ni Frigus. Namumutla pa at nakaharap kay Spade kaya hindi napansin ang presensya niya.
They're on the garden. Papalapit siya sa dalawa para maghatid ng juice at snack nang naabutan niya ang asawang namumutla.
"Yeah. Nakakasakal ang ganoon, Frigus. Kailangan din nilang makahinga. Nakakasawa ang palagi kang nakabuntot, dagdag pa na hindi ka niya mahal." Pananakot ni Spade.
Spade looked at her and smirked. Nakuha niya agad ang pinaplano nito. Inaasar na naman si Frigus. Napailing na lang siya at tuluyang lumapit sa dalawa. Nang makita siya ni Frigus ay agad itong tumayo at inagaw ang tray na hawak niya.
"Thank you, wife. But you're supposed to rest, hmm." Malambing na salubong ni Frigus sabay halik sa sintido niya.
"It's okay." Sabi niya dito.
Spade tsked.
"Kakasabi ko lang na huwag masyadong clingy." Pagpaparinig ni Spade.
Agad na sinamaan ito ng tingin ni Frigus. Nilapag na nito ang tray sa mesa. Hindi niya alam kung aalis na ba siya o makikinig sa isasagot ni Frigus.
"I cling to her because I love her. Being away with her sucks kaya huwag kang magtagal dito." Frigus hissed.
"At kung magsasawa?" Pang-aasar pa rin ni Spade.
"Magmamakaawa ulit." Frigus said as if kneeling, throwing away your ego and principle is easy as making pancake.
"Ulit? You beg?" Spade asked in disbelief.
Kung nakita mo lang kung gaano 'yan ka-wasak, Spade.
Hindi sumagot si Frigus. Halatang nadulas sa nasabi. May magiging pulutan na naman sa tuksuhan ng mga Benjamin.
"I'll go inside." Paalm niya sa dalawa.
"I'll come with you." Agad na sabi ni Frigus at humawak sa bewang niya.
"Ayaw mong kainin ang snacks na ginawa sa 'yo ni Chameron?" Pang-aasar ni Spade sabay kagat sa sandwich na gawa niya.
Napatingin si Frigus sa isa pang sandwich. Akmang magsasalita ito ng unahan biya.
"Ayaw mo sa sandwich na gawa ko, Frigus?" Mataray na tanong niya dito.
"W-what---"
"Kaya nagmamadali ka sa pagsunod sa 'kin dahil iniiwasan mong kainin ang sandwich----"
Hindi na siya natapos sa pagsasalita ng haklitin nito ang sandwich sa kamay ni Spade. Napaawang ang labi ni Spade sa gulat, pati siya. She was just teasing him! Pinapanood nila ang Frigus na kinain pa ang sandwich na nasa plato.
"Fuck. You made the arrogant heartless monster so fucking whipped." Spade uttered.
Inubos pa ni Frigus ang juice, pati ang kay Spade. Nang matapos ito ay muling humarap sa kanya ay humawak ulit sa bewang niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/315963460-288-k951236.jpg)
BINABASA MO ANG
Cries and Crimes (3rd Gen) #2
Romance"Are you a Doctor?" Frigus asked hurriedly. "Y-Yes but---" Tinulak siya nito papasok at isinara ang pinto. He locked it. Napalunok siya. Patuloy siya sa pag-atras dahil patuloy ito sa paglapit sa kanya. "I don't care what kind of doctor are you but...