"Amari!!! Ano ba? Anong oras na, mallate ka na!!" isang malakas na sigaw ang gumising sa akin
Napabangon ako sa pagkakahiga at tiningnan ang nasa paligid. WTF paano ako nakarating dito? T-teka yung lalaki ba kagabi ang naghatid sa akin dito sa bahay?
"AMARI HOPE!! MAY PASOK KA BA O WALA?!" Boses ng mommy ang narinig ko sa labas
Huh? Pasok? Tumayo na ako at binuksan ang pinto.
"Good morning, mommy ko" bungad ko kay mommy
"Bilisan mo na dyan, bbyahe ka pa papuntang school mo"
"Huh? Mi, okay ka lang? kakgraduate ko lang last year." Sabi ko sa kanya na nagtataka
"anong kaka graduate mo lang? kaka cellphone mo yan. Bilisan mo na dyan pag na abutan ka pa ng daddy mo na hindi nag aasikaso lagot ka na naman. Bumaba ka na para maka almusal saka ka maligo." Sabi ni mommy saka umalis
Wtf anong hindi pa ako nakaka graduate? Bumalik ako sa higaan ko at kinuha ang phone ko na nasa tabi ng kama. Pag bukas ko ng phone ay puro message ni Erina ang tumambad sa akin.
5:30 am
Charlotte Erina
Hopeee, what time u makaka dating ng school?
Hays, natatamad pa akong pumasok. Sana online class na lang T_T
5:45 am
Nakakainis 7:30 am yung unang subject natin!! Bakit kasi di na lang nila ginawang 8 am?
Hopeeeeee!! Gising naaa
6:00 am
Tehh ano naaa? Gumising ka naaa! Nag mmake up na ako rn
Ang kukulit nila Kristina, takbo nang takbo HAHAHAHAHA
Charlotte Erina sent a photo
Tiningnan ko ang orasan at Nakita kong 6:20 am na. Shoot!
Amari Hope
Wtf Cha! Graduate na tayo bat may pasok pa rin?
Owemji feeling ko pinaprank nyo ko ngayon. Ang weird ni mommy. Sabi ko nga graduate na tayo.
Kakagising ko lang!!
Biglang nag vibrate ang phone ko at nakita kong tumatawag si Erina
Charlotte Erina is calling...
Agad ko naman sinagot ang call
"Hope!! Fudge. Anong sinasabi mong graduate na tayo? Eh kakasimula pa lang ng 2nd sem natin ngayon. And oh btw 3rd year pa lang tayo. May 3 pang sem bago tayo grumaduate." Mahaba niyang lintaya
Huhhh?!!! Anong nangyayari? Nabagok ba ulo ko at bakit 3rd year pa lang kami? Hindi pa rin ako makapaniwala. Naloloka na ata ako.
"Si Annika pala nag message sa gc natin. Sa Dilllan's Hall daw niya tayo iwwait."
"Wait anong 3rd year? Erinaa owemji ka! I told u nga graduate na tayooo. Si Harold asan??" nag ppanic kong tanong sa kanya
"Huh? Sinong Harold? Ay ewan. Antok ka pa siguro, later libre kita coffee. Sige na! mag asikaso ka na kasi mallate na tayoo! Pero okay lang kasi 1st day of class pa lang naman." Sabi niya sabay end ng call
Shit! Naguguluhan ako ngayon. 3rd year pa lang kami? And nasa 2nd sem pa lang?? joke ba 'to? Ano yun bumalik ako sa nakaraan?
"hik ang panget mo naman ka hik bonding universe hik hik" pabulong kong sabi habang sinisinok at umiiyak.
"Pwede bang hik bumalik ako sa nakaraan? Hik hik yung di ko na sana siya nakilala" naiiyak ko pa rin salita. Kung may makaka kita lang siguro sa akin ngayon mapagkakamalan akong baliw.
Owemji! Bigla akong napatakip sa bibig ko ng maalala ko yung sinabi ko bago dumating yung lalaki na tumulong sa akin at bago ako mabangga? Huhhhh?! Eh di dapat patay na ako?
Agad akong tumayo at tumakbo pababa sa kusina namin at hinanap si mommy.
"Mommy!!" sigaw ko sa kanya saka siya niyakap
"Ano ba nangyayari sayo?" nagatatakang tanong ni mommy sa akin
"Anong date po ngayon?"
"January 21..... 2023" sagot ni mommy na nagtataka pa rin
Shit 2023,ibig sabihin bumalik ako 2 years ago.
"Amari, may sakit ka ba? Or rason mo lang 'to na hindi pumasok ngayon?"
"Noo, mommy. Owemji ano ahh nevermind. Sige na po kakain na ako para maka ligo na rin" sagot ko kay mommy saka tumalikod sa kanya at kumuha ng almusal.
Tulala akong nakaupo sa may batibot, hindi pa rin nag ssink in sa utak ko na bumalik ako sa nakaraan. Teka paano nangyari yon? Aahhh napapailing na lang ako sa naiisip ko. Shocks Or baka ito talaga ang realidad at yung nangayri sa akin eh yun yung panaginip? Shocks ano baaa 'to
"Epekto ba yan ng late pumasok?" natatawang sabi ni Benj
"Ang bulateng malaki!" gulat kong sabi dahil biglang sumulpot sa harap ko si Benj
Si benj na, isa sa mga kaibigan kong iniwan ako noon. Na akala ko hindi ako iiwan, pero nagkamali ako kasi siya pa yung taong nanakit sa akin.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako
"Huy gago. Bat ka umiiyak?" sabi niya sabay bigay sa akin ng panyo, pero tinabig ko lang yung binigay niya saka dali-daling umalis sa harap niya. Nag si datingan naman ang iba pa naming kaibigan... noon. Tinawag pa nila ako pero di na ko lumingon
Shit sumisikip dibdib ko. Ang sakit! Mas masakit pala na makita siya sa harap na tumatawa samantalang ako nagdudusa.
Sa kamamadali ko ay may mga student na pala akong nababangga. Di na rin ako nag aksaya na tumingin sa kanila, dumiretso ako sa cr ng Dillan's hall. Pumasok ako sa isang cubicle at doon inilabas ang mga luha ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/385103677-288-k872234.jpg)
YOU ARE READING
It All Starts Here
FantastikThree years have passed, but for Amari Hope, the painful event in her life still feels fresh in her memory. She thought she would eventually forget it, but as time went on, the heaviness in her heart only grew. There were times she wished she could...