l e t t e r t o y o u

110 6 0
                                    

 

Magandang araw sayo Steffiee. Miss na kita, tagal na nating 'di nagkita. Almost 2 years na pala kitang hindi nakakasama. Sorry ah, hindi ko naman kasi talagang gusto umalis dyan sa Pilipinas. Kung hindi lang talaga ako pinilit ni Mama.

Haaaaay, alam mo ba naging buhay ko dito? Kung akala mo masaya ako dito, pero hindi. Kasi wala ka. Diba alam mo naman na ikaw langh gusto kong kasama. Madaming babae na nagkakagusto dito sakin pero binabalewala ko sila. Ayoko kasi na niloloko kita.

Lahat na ata ng mga ginagawa ko dito, naaalala kita. Yung mga panahon na magkasama tayo, gusto ko ulit mangyari syempre dapat kasama kita. 

Kisses! Nalala mo pa yan? Haha. Yung favorite mong chocolate. Naalala ko pa nung tinago ni Tita lahat ng kisses mo sa drawer. Paano ba naman, puro yun yung kinakain mo. Halos hindi ka na nakakapag-lucnh and breakfast. Halos sirain mo na lahat ng mga gamit niyo sa bahay para lang mahanap yung mga chocolates mo. Buti nalang tinawagan ako ni Tita para patigilin ka.

Tatalon ka pa kamo sa bintana niyo kapag hindi binigay sayo yung chocolates. Eh kasing baba lang ng bata yung bintana mo kaya. Nasa first floor nga lang kasi yung kwarto mo diba? Haha. Ang saya pala alalahanin yung dati.

Stef, sorry kung hindi agad ako makakabalik diyan. May kailangan pa kasi akong tapusin dito eh. Kung ano yun? Malalaman mo nalang kapag nakauwi na ako diyan. Hintay ka lang ha?

Effort kung effort 'tong ginagawa ko e. Sana nga lang magustuhan niya yung gagawin ko para sa kanya. Buong 2 years ko dito, yun yung pinag-iisipan ko kung paano ko gagawin lahat. Kasi gusto ko maging perfect yung araw na yun para sa kanya.

Field, dyan yun gaganapin. Para malawak, para kapag nalaman ko na ang mga gusto ko malaman, tatakbuhin ko buong field na yun kasama siya, hawak ang kamay niya.

Eevening pala yun gaganapin. Pumunta ka ha? Gusto ko nandun ka, best friend. Salamat. Miss na kita, best! Sige, hanggang dito nalang yung sulat. Kita nalang tayo dyan pagdating ko. 

 

P.S. Nanatre Sports Center, Saturday, 9PM. You shoul be there. - Jongup

---

Haha, bakit tumulo yung luha ko? Diba dapat masaya ako kasi babalik na ulit siya? Pero bakit parang mas gusto kong dun nalang siya? Dahil ba may mahal na siya? Haha. Tapos, kelangan talaga nandun ako? Ano namang gagawin ko dun? Mags-speech para sa kanilang dalawa? Sige, para sa best friend ko.

---

Nanatre Sports Center..

Teka, bakit andaming tao? Siguro special talaga ang babaeng yun para kay Jongup nuh? Gusto niya na madaming tao ang maka-witness nun.

Umupo na ako dito sa may bench. Ayoko makihalubilo dun sa mga tao sa open field. Tanaw ko naman yung mini stage e. 

Ang ganda ng pagkaka-ayos netong place. Talagang pinaghandaan ni Jongup itong event. Sabi nga niya sa sulat diba, 2 years niya yung pinaghandaan. Siguro madami siyang taong kinausap para lang maayos ito.

8:50 na ng gabi. Tumayo muna ako kasi may nakita akong tali na color pink. Haha. Wala lang. Kukunin ko sana. Ang cute ng kulay. Baka kasi pwede kong ipangtali sa buhok ko. Namumulube ako sa ponytail e. Joke

사랑해요 Jongup ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon